PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina vehemently denies intrigue linking her to Dody Puno

Ara says Dody has a non-showbiz girlfriend now.
by Dinno Erece
Published Jul 6, 2008
"Matagal ko nang kaibigan si Dody. Kami pa lang ni Polo [Ravales], business partner ko na si Dody sa dati kong restaurant [Osteria sa Tomas Morato]... Bakit hindi noong panahon na yun kami na-link? Bakit ngayong wala na kaming business relationship at matagal na ring hindi nagkikita saka kami ididikit? Late na, ‘no! Nakakahiya. May non-showbiz girlfriend ngayon si Dody, kilala ko," says Ara Mina about reports linking her to Dody Puno.

No more rich-men issues for her please, requests Ara Mina.

Dateless and gorgeous in black accessorized with gold and diamond si Ara sa birthday concert ni Dingdong Avanzado last Saturday night, July 5, sa Teatrino Greenhills. Sa seating arrangement sa loob ng venue, she sat with her former Bubble Gang co-stars na sina Ogie Alcasid and Michael V who was with the missus.

Paglabas, wala pa ring kasama si Ara at wala ring sumundo sa kanya; didiretso na raw siya sa bahay agad.

"Kailangan ba may date palagi kapag lalabas ako? Ibigay na natin sa mga bagets ‘yan," sabi ni Ara sa camera crew ng ABS-CBN who asked for an interview paglabas.

Nasa point na raw kasi siya ng buhay niya na kung maghahanap siya ng bagong boyfriend, for keeps na.

"At my age, dapat kung may bago ako, siya na ang pakakasalan ko," saad ni Ara. "Kita mo nga ang mga kaibigan ko [Dingdong and Jessa Zaragoza], may anak nang five years old. Kami ni Jessa ang magkasabayan noon. Ngayon, mahaba-haba na ang hahabulin ko sa kanya kung sakali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi naman daw siya naghahanap ngayon as she is enjoying single blessedness. Busy siya sa kanyang acting career for the ABS-CBN afternoon soap Ligaw ng Bulaklak. Magbubukas na rin ang kanyang café sa may Marikina na Mina Café.

Nag-iba ang tono ni Ara nang tinanong siya sa issue sa kanila supposedly ni Dody Puno, the same guy being linked to Gretchen Barretto. Dody is also the executive director of the Department of Public Works and Highways

"Naku, tigilan na nila ako, ‘no! Kung sinu-sino na lang ang ikinakabit sa pangalan ko, ako tuloy ang napapasama.

"Matagal ko nang kaibigan si Dody," patuloy ni Ara. "Kami pa lang ni Polo [Ravales], business partner ko na si Dody sa dati kong restaurant [Osteria sa Tomas Morato]. Nagkawala kami ni Polo, business partner pa rin kami ni Dody.

"Bakit hindi noong panahon na yun kami na-link? Bakit ngayong wala na kaming business relationship at matagal na ring hindi nagkikita saka kami ididikit? Late na, ‘no! Nakakahiya. May non-showbiz girlfriend ngayon si Dody, kilala ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikinairita ni Ara, palagi siyang natsitsismis na may lover na mayaman.

"Hello, excuse me! Lumaki akong may kotse ang pamilya namin, may yaya, kumakain ng tatlong beses isang araw, at napag-aral sa magandang eskuwelahan. Kilala naman sa showbiz kung sino ang pamilya ko.

"Dire-diretso pa rin ang career ko, may business pa ako, and soon magiging real estate broker na rin ako. Bakit hindi naman nila kamustahin kung saan napupunta ang kinikita ko? Marunong naman akong mag-invest. Nakikita naman ng mga tao ang mga businesses ko. Parang may gusto lang kasing manira sa akin ngayon," pahayag ni Ara.

May naikuwento sa amin na off-the-record si Ara regarding sa pagkaka-link niya kay Dody na parang may nagda-divert ng ibang issues.

"Huwag naman ako. Nanahimik naman ako, e," pakiusap ni Ara.

Read Next
Read More Stories About
Ara Mina, Jessa Zaragoza
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal ko nang kaibigan si Dody. Kami pa lang ni Polo [Ravales], business partner ko na si Dody sa dati kong restaurant [Osteria sa Tomas Morato]... Bakit hindi noong panahon na yun kami na-link? Bakit ngayong wala na kaming business relationship at matagal na ring hindi nagkikita saka kami ididikit? Late na, ‘no! Nakakahiya. May non-showbiz girlfriend ngayon si Dody, kilala ko," says Ara Mina about reports linking her to Dody Puno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results