PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras talks about the girls who are linked to him

Mark reveals Marian Rivera became her girlfriend. Ex-girlfriend Jennylyn Mercado was also interviewed through phone patch.
by Rose Garcia
Published Jul 6, 2008
Mark Herras was put in the hot seat by Startalk hosts Lolit Solis—who also happens to be his manager—and Joey de Leon. He was asked about his former girlfriends and the girls who are currently being linked to him.

Kung matatandaan, last Sunday sa Showbiz Central, tila naibuko ni Manay Lolit Solis ang isa sa mga alaga niya na si Mark Herras. Nabanggit kasi nito sa "Don't Lie To Me" portion ni John "Sweet" Lapus na ibang babae ang dahilan ng pagkakasira ng relasyon ni Mark sa EB Babes member na si Lian Paz.

Kahapon sa Startalk, muling na-hot seat si Mark ng kanyang manager na si Lolit at isa pang Startalk host na si Joey de Leon. This time, bukod sa naturang isyu, pinabigyang-linaw rin kay Mark ang iba pang mga girls na nali-link sa kanya.

Pinanindigan naman ni Mark sa harap ng kanyang manager na wala talaga siyang ibang babae noong sila pa ni Lian.

"Noong kami po, wala po talaga." Pero pabiro itong kinontra ni Lolit na nagsisinungaling daw ang alaga.

Katuwiran ni Mark, "Hindi po, ‘Nay, nag-‘Don't Lie To Me' na po ako before at sinabi nga po nila na hindi naman daw po lahat ng resultang lumalabas doon, yun daw po ang totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may balitang nililigawan daw niyang muli si Lian?

"Wala...hindi po, hindi po totoong bumabalik ako kay Lian or nanliligaw ulit. In fact, kahit makipag-communicate, hindi na rin po."

THE OTHER GIRLS. At present, nali-link din si Mark sa co-star niya sa Joaquin Bordado at sa anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla. Pero tila takot daw yata si Mark kay Binoe?

Natawa si Mark dito. Aniya, "Yun po...hindi po talaga totoo yun! Respeto na lang po talaga kay Kuya Binoe."

Hindi naman daw sila nag-uusap or nagkakakuwentuhan ni Robin tungkol sa mga girls everytime na nasa set. Seryoso raw kasi ito pagdating sa trabaho.

‘Pag nagkataon daw pala, dalawang babae ang hihintayin niya sa tamang panahon. Sina Kylie at Ynna Asistio. At kung sino raw kaya ang pipiliin niya talaga sa dalawang girls?

"Naku, hindi po, basta ayoko pong magsalita," napapailing na natatawang sagot ni Mark.

Pero mas natawa ito at nasabing, "Ang bata po no'n, ‘Nay!" nang hiritan ni Lolit kung talaga raw ba na ang gusto nito ay below 10 years old.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dugtong pa niya, "Basta po...hindi po, hindi po talaga totoo yun."

Tinanong din kay Mark kung ano raw ba talaga ang situwasyon naman nila ni Rhian Ramos?

"Yung kay Rhian naman po, ‘di ba, gumawa kami ng movie sa Italy? ‘Tapos, pagkabalik namin, sobrang dami na ng mga isyu. Like, yung mga isyu sa mga fans na maraming ayaw. Kasi, alam nila na every time na magkasama kami ni Rhian, kahit kunwari party ng GMA, alam nila, mga nagte-text, pero hindi po kami. Super close friends lang po."

SUPPORTING JEN. Nilinaw rin ni Mark na wala raw katotohanan ang kumakalat na balitang sinabi raw niyang magbabantay siya sa dating girlfriend na si Jennylyn Mercado kapag nanganak na ito.

"Hindi po...siguro po, mali lang ang pagkarinig sa interview. Ang pagkakasabi ko po ro'n, kapag nanganak siya, siyempre po, automatic na dadalaw po ako, pupunta po ako."

Diniretso na naman ni Lolit ang alaga niya na siguro raw, ang gusto ni Mark, siya talaga ang tatay ng anak ni Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po...pupunta lang po ako roon para sumuporta, pero, magbantay... hindi po. Iba po ang bantay sa susuporta."

Nabanggit ni Joey na umpisa pa lang namang magbuntis si Jennylyn, naging very open na si Mark sa pagsasabing kung kailangan ang suporta niya, magbibigay siya rito. Ngayon daw ba na malapit na nga itong manganak, may suporta ba naman siyang ibinibigay rito?

"Sa ngayon po, wala pa naman. Sabi ko naman sa kanya, kung meron siyang kailangan at kaya ko naman, bakit naman po hindi?"

Sa ngayon, wala raw talagang love life si Mark.

"Ngayon po, wala po talaga. As in, zero po talaga."

At this point, ang napansin naman ni Lolit ay ang suot na hikaw ni Mark. Siguro raw, yung suot nito ay ang ibinigay rito ni Jennylyn, pero natatawang itinanggi ni Mark at hindi raw talaga dahil square daw yung ibinigay sa kanya ni Jen noon.

ONLINE GAMBLING ADDICT? Isa pang isyung pinalinaw ng Startalk kay Mark ay yung isyung sila raw ni Rainier Castillo ay balitang nalululong sa online gaming casino. Pero muli, itinanggi nga ito ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po...hindi po. Kahit nga po before, let's say mga barkada, magpipinsan, nagto-tong-its, hindi po ako nananalo, talagang malas po ako sa sugal. Naglalaro po ako ng poker, hindi po sa casino, sa Facebook po, yung website, pero, wala pong perang involved."

MARIAN RIVERA. Humirit na naman ng diretsong tanong si Lolit kay Mark. Aniya, si Marian Rivera raw ba ay naging girlfriend niyang talaga o hindi?

"Alam na po nila yun," nakangiti niyang sabi. "Well, kung ako po ang tatanungin n'yo, ‘Nay, e...oo!"

Pero hirit ni Lolit, kapag si Marian ang tinanong, hindi? Sey ni Mark nang nakangiti, "Hindi ko po alam..."

JENNYLYN ON THE LINE. Habang nakaupo sa harap ng camera sa studio ng Startalk si Mark, na-interview naman si Jennylyn through phone. At tinanong nga sa malapit nang manganak na si Jen kung ano ang pakiramdam niya kapag nali-link na naman silang dalawa ni Mark?

"Diyos ko, ni hindi nga kami nagkikita, ni hindi nga kami nagkakausap. Kahit text, wala!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasabi tuloy ni Lolit na tila nagtatampo pa si Jen na hindi man lang nate-text ni Mark.

Pero paliwanag ni Mark dito. "E, siyempre po, wala naman po kaming relationship. Kung magte-text man po ako, hindi po yung every day talaga. Siguro sa isang buwan, mga once or twice lang."

Sinegundahan naman ni Jennylyn ang sinabi ng dating boyfriend at ka-love team.

"Mahirap na po, ‘Nay. Alam n'yo naman po ang mga isip ng mga tao ngayon, kamustahin ka lang, may ibig sabihin na."

Natawa si Jennylyn when Joey asked kung puwede raw ba na magbantay sa panganganak niya si Mark?

"Naku, baka himatayin siya! Ha-ha-ha!"

THE BETTER BOYFRIEND. Prangkahan naman na tinanong ni Lolit si Jennylyn kung sino raw ang mas masarap maging boyfriend, si Mark or si Patrick Garcia na ama ng dinadala niyang sanggol?

Matagal bago nakasagot si Jen na idinadaan na lang sa pagtawa. "Naku, Nanay Lolit, hindi ko po alam! Ha-ha-ha! Mahirap na magsalita... Nanay naman, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Follow-up naman ni Lolit sa sagot ni Jen, sabihin na raw nito ang totoo dahil ‘di ba nga raw, nagsisi siya nang iniwan niya si Mark?

"Nay, kasi ano...noon, ang dami niyang babae. Totoo...totoo po yun, ‘Nay."

JEALOUS OF MARIAN. Sa huli, napaamin naman ni Lolit si Jennylyn na sa lahat nga raw ng babaeng na-link kay Mark, ang pinagselosan niya nang husto noon ay si Marian Rivera.

On a serious note, Joey asked Jen how does she feel sa ipinapakitang suporta ni Mark sa kanya sa mga ganitong situwasyon?

"Siyempre, very happy and I feel so blessed. Kasi, may mga kaibigan pa rin ako na natitira at patuloy pa rin na sumusuporta sa akin. At nandiyan pa rin kahit na anong mangyari. Hindi nila 'ko iniiwan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras was put in the hot seat by Startalk hosts Lolit Solis—who also happens to be his manager—and Joey de Leon. He was asked about his former girlfriends and the girls who are currently being linked to him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results