PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roxanne Guinoo open to breast surgery if needed to forward own career

Roxanne relates how she ran into her former boyfriend Jake Cuenca.
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 6, 2008
"Actually, ako naman open naman ako sa ganun. Si Claudine [Barretto] ginawa ‘yan. Yung iba, ginawa ‘yan. So, kung kailangan, ang artista, ang puhunan ganda at katawan mo, bukod ang pag-arte mo. Pero kung makakatulong yun sa pag-excel mo, why not, ‘di ba?" justifies Roxanne Guinoo when asked if she's open to breast enhancement surgery.

Ginulat ni Roxanne Guinoo ang marami sa napakaseksing pictorial niya para sa isang men's magazine. Topless si Roxanne at natatakpan lang ng petals ng bulaklak ang kanyang nipple. At sa ibang pahina ng magasin ay nakasuot siya ng kulay-fatigue na skimpy bikini.

"Dahil ligaw na bulaklak ako kaya naligaw ako sa bulaklak," pabirong umpisa ni Roxanne nung makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng live telecast ng Wowowee! last Saturday.

Sabi pa ni Roxanne, "Pero nung ginawa namin yun, sabi namin ayaw naming magmukhang ano, parang kunwari pasyon-pasyon [fashionable]."

"THE LADY IS NOW A WOMAN." Hindi tulad ng ibang sexy cover sa isang men's magazine, hindi mahalay ang dating ni Roxanne sa cover pero umaapaw naman siya sa sex appeal.

"Isa na akong woman. Dati-dati the baby is now a lady. ‘Tapos ngayon, the lady is now a woman," esplika niya sa ginawa niyang pag-pose sa cover.

Senyales ba ito na nagpapaka-daring na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman. Ano lang naman, parang uso lang kasi ngayon na konting seksi lang. Pero hindi naman ako magdi-daring. Kasi gusto nila drama pa rin naman. ‘Tsaka ako, gusto ko talaga mag-drama."

Career-move ba ang ginawa niyang pag-pose ng sexy sa cover?

"Hindi naman," lahad ni Roxanne. "Kasi ako naman pasalamat na rin ako kasi gusto kong maraming matutunan...after nito hindi naman ako nawalan ng trabaho. Kumbaga, ginagawa ko yung Ligaw, ‘tapos naisipan nila ito, ‘Sige, yun ang maging concept natin, mag-cover si Roxanne.' E, ako, hindi ako nag-FHM. Talagang ito lang [name ng men's magazine na pinag-cover-an niya], ABS-CBN naman. Parang bahay mo rin. Tiwala ka na iingatan ka at poprotektahan ka."

Mas magiging daring pa ba siya sa mga susunod na pagkakataon?

"Feeling ko, yun na ang pinaka-daring na magagawa ko. Hindi naman ako maglalabas ng private parts. Kumbaga, pasilip lang. Actually, ano bang nasilip doon? Wala rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tsaka kasi pinag-usapan talaga namin yun."

GOING UNDER THE KNIFE. May nagsasabi naman na nagparetoke na rin daw ng kanyang dibdib si Roxanne.

"Actually, ako naman open naman ako sa ganun. Si Claudine [Barretto] ginawa ‘yan. Yung iba, ginawa ‘yan. So, kung kailangan, ang artista, ang puhunan ganda at katawan mo bukod ang pag-arte mo. Pero kung makakatulong yun sa pag-excel mo, why not, ‘di ba?

"Kasi yung mga naaaksidente nga may surgical tsever. So, yung maganda ka at gusto mo ng magpaganda pa, ‘di ba?"


Dahil sa ginawa ni Roxanne na pagbibilidad ng kanyang katawan possible na rin siyang maging pantasya ng mga kalalakihan.


"Hindi rin," ngiti ni Roxanne. ‘Tsaka ‘asan sila? Nasaan ba sila? Ha-ha-ha!"

Handa na ba siya ulit na makipagrelasyon after maging sila ni Jake Cuenca?

"Huwag na, career muna. Concentrate muna ako sa career ko. ‘Tsaka na-realize ko rin, wala rin akong time kung magla-love life ako. Kasi siyempre iba-balance mo'ng love life mo. Naba-balance ko naman talaga pero ngayon, mas mabuti na i-focus ko na talaga. Karerin ko na talaga yung career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TO BE COMPARED WITH ANGEL? Hindi kaya pagkumparahin naman sila ni Angel Locsin na nag-topless din sa billboard ng bago niyang endorsement na Folded & Hung?

"Ah, talaga? Hindi naman. Kapamilya naman si Angel. In fairness, ang bait-bait ni Angel. Ang bait nga niya talaga."

Nababalita rin na may bagong manliligaw si Roxanne sa katauhan ni Victor Basa na kasamahan ni Jake sa Coverboys. May tsismis na gagamitin lang daw siya ni Victor para umangat ang sarili nitong career.

"Well, may nagsabi rin sa akin. E, hindi naman ako nagpapagamit."

RUNNING INTO JAKE. Sa Entertainment Live! kahapon, July 5, magkasunod na isinalang sa live edition ng Saturday showbiz-talk show ng ABS-CBN ang dating magkasintahan na sina Roxanne at Jake. Nauna si Roxanne at nung pagkatapos niya, in-announce na si Jake na ang susunod.
Dali-daling tumayo si Roxanne at mabilis na umalis ng studio. Not knowing na nasa labas lang ng gate ng studio si Jake na naghihintay tawagin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagawa pa ring lapitan at batiin siya ni Jake kahit nagmamadali na si Roxanne umalis. Doon kitang-kita na kinilig pa rin si Roxanne nung lapitan at halikan siya sa pisngi ni Jake.

"Naku, nandun pa rin. Nagre-react ako ng ganun, e," pag-amin ni Roxanne.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, ako naman open naman ako sa ganun. Si Claudine [Barretto] ginawa ‘yan. Yung iba, ginawa ‘yan. So, kung kailangan, ang artista, ang puhunan ganda at katawan mo, bukod ang pag-arte mo. Pero kung makakatulong yun sa pag-excel mo, why not, ‘di ba?" justifies Roxanne Guinoo when asked if she's open to breast enhancement surgery.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results