Huling-huli ng Entertainment Live! sa kanilang episode yesterday, July 5, ang mga kaganapan at intriga sa nakaraang Star Magic ball ng ABS-CBN Star Magic, na nagdiwang ng ika-6 na anibersaryo.
One hundred percent ang attendance ng mga naglalakihang talents ng Star Magic, kasama ang iba pang naging bahagi ng talent management ng ABS-CBN na pinamamahalaan ni Johnny Manahan.
Ipinakita sa Entertainment Live! ang pagsayaw sa dance floor ni Kristine Hermosa with her former boyfriends Jericho Rosales and Diether Ocampo.
Naka-date naman ng Entertainment Live! host na si Luis Manzano si Angel Locsin that night. Sabay na dumating ang magkasintahan na sina John Prats at Shaina Magdayao. Stand-out naman in her red gown si Claudine Barretto kasama ang asawang si Raymart Santiago. Lovely pair din that night sina Anne Curtis at Sam Milby.
Last year, naging sentro ng usap-usapan sa Star Magic ball ang kumprontasyon nina Anne at Sam sa gitna ng ballroom habang sumasayaw. This year, isa sa pinaka-sweet na couple ang dalawa.
At ang isa sa mga pinakanakakaintrigang pair na dumating sa ball ay ang controversial host ng Wowowee! na si Willie Revillame with his mystery date.
Nakilala ng Entertainment Live! sa pangalang "Nadine" ang babaeng kasama ni Willie. Ayon pa sa impormasyong nakalap ng naturang talk show, sa Wowowee! nagkakilala sina Willie at Nadine. Nakausap naman ng Entertainment Live! ang kontrobersyal na TV host at inusisa ito kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila ng kasamang date for the Star Magic ball.
"Hindi, e, kasi bata pa ‘yan, e. Nineteen years old lang ‘yan. E, ako naman para lang akong isang ama. Ganun lang ako," tanggi agad ni Willie nang mahinuhang tila gustong tumbukin ng EL! kung ano ba ang relasyon niya sa kasama.
Tinanong din ng EL! ang ka-date ni Willie na si Nadine sa tunay na relasyon nila ng TV host.
"Magkaibigan lang kami ni Papi," sagot naman nito.
