PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rafael Rosell to do four different characters in four different movies all at the same time

Rafael wants to try swimming as his next workout routine to prepare for Blackout.
by Archie de Calma
Published Jul 7, 2008
"May pang-lima pa sana, pero parang apat lang ang kakayanin ko sa ngayon. Kapag lima na 'yan, all at the same time, baka sobrang mawala na ako sa sarili ko," says Rafael Rosell.

Aliw na aliw si Rafael Rosell sa nabili niyang TV na 32" at dito niya nagagamit ang kanyang PlayStation 3, na parang sinasabayan na niya ng workout. Nilalagyan niya ng weights ang kamay niya habang gumagalaw ito para sa control.

"Bumibilis ang heart rate mo habang naglalaro ka," parang batang naikuwento ni Raf sa amin. "After ng games ko sa PlayStation 3, pumupunta ako sa gym. Yun lang ang madalas na pinagkakaabalahan ko.

"Ang last commitment ko ay yung sa Poohkwang show sa Music Museum. Nag-guest ang Coverboys doon. Puro guestings kami sa TV ngayon, and regularly, napapanood pa rin kami ng Coverboys sa A.S.A.P.," dugtong ng binata.

Nakatakdang gawin ni Raf ang isang pelikula for Viva, kasama si Rufa Mae Quinto. May dalawa siyang indie films na sisimulan. At mayroon pang isang indie film for negotiation.

"Sa TV ako napapanood palagi ngayon, kaya puyatan pa rin sa taping," sabi pa ni Raf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa July 25, nakatakdang mapanood si Raf among other Bench celebrity models sa inaabangang Blackout, ang Bench underwear and denim wear fashion show na gaganapin sa Araneta Coliseum.

"Yung preparation ko talaga roon, starting July 20," banggit ni Raf. "Hindi ko nga alam kung anong klaseng preparation. Kasi, sa ngayon, parang nahihirapan akong mag-diet. Enjoy ako palagi sa food, e. Hindi ko maipapangakong makakapag-diet ako.

"Last year kasi, ang ginawa ko for the Bench show, I engaged on capoeira, a Brazilian martial arts. Yun ang ginawa kong sport para mag-prepare for that. Ngayon siguro, ita-try ko ang swimming.

"Iba't ibang sports kasi, iba't ibang effect din sa katawan. Tingnan ko lang kung ano ang epekto sa akin 'pag tinodo ko ang swimming," nasabi pa ng aktor-modelo.

Hindi pa masabi ni Raf kung ano ang drama ng partisipasyon niya sa Blackout, but for sure, manggugulat daw siya.

DOING FOUR AT THE SAME TIME. Ang nakaka-excite pa sa kanya ay yung apat na pelikulang nakatakda niyang gawin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"That means, four different characters ang ipapasok ko sa katawan ko," nangingiting kuwento niya.

"May pang-lima pa sana, pero parang apat lang ang kakayanin ko sa ngayon. Kapag lima na 'yan, all at the same time, baka sobrang mawala na ako sa sarili ko.

"Yung sa Star Cinema kasi, simultaneous sa gagawin ko sa Viva. Yun na muna, para yung mga susunod, fresh pa ang characters sa mind ko, para nakaka-concentrate ako.

"Yung sa Star Cinema, nile-layout ko pa ang character ko riyan, pero nakapag-shoot na ako ng one scene. May pagka-career-oriented ang role ko riyan. Business-minded, character comes first.

"Sa Viva project, sex lang ang habol ng character ko. Ang title niya, Civil Status: Single. May pagkatarantado ang character ko riyan. Ang mga makakasama ko riyan, sina Alfred Vargas, Paolo Contis, Mark Bautista, Jon Avila, and Rufa Mae Quinto. Nagtatrabaho ako riyan sa gay bar, kaya medyo interesting," napapangiting sabi pa ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INDIE PROJECTS. Sa isang indie film, may pagkagimikero raw ang dating niya. Tipong addict ang dating, at yun ang nakikita niya sa character kaya pinag-aaralan din niya. Tipong kriminal. Ito yung para sa twinbill na Manila, na actually, iisang pelikula pero dalawang kaganapan ang mangyayari sa kuwento. Isang nangyari sa umaga, isa sa gabi.

"But, I'm doing one for Adolf Alix, yung Trio, may pagka-bisexual. May girlfriend, pero may kasama pang isang lalaki. We all live in the same house, parang ganoon," nangingiting pagde-describe pa ni Raf sa role na yun.

May pang-Metro Manila Film Festival pa siyang gagawin at hindi pa niya alam kung ano ang role niya rito, pero si Joey Reyes ang magdidirek nito, yung dating Short Time na ang nasilip naming bagong title ay One Night Only na.

Karamihan ng mga eksena rito ay sa motel lang magaganap. Mukhang sariling sikap ang bubuhay sa career ni Raf sa aktingan at karamihan ng offers ay sa labas na ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Rafael Rosell
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May pang-lima pa sana, pero parang apat lang ang kakayanin ko sa ngayon. Kapag lima na 'yan, all at the same time, baka sobrang mawala na ako sa sarili ko," says Rafael Rosell.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results