Nagulat si Valerie Concepcion sa usap-usapan sa isang Internet forum na babalik na raw siya sa Kapuso network. May mga nagtatanong din tuloy kung tatanggapin ba siya ulit ng GMA-7. Takang-taka ang Wowowee co-host kung paano sumulpot ang ganoong balita. Totoo nga ba?
“Wala!" panimula niya. "Walang ganoon…saan naman kaya nila nakuha yun?”
Siya na rin ang nag-isip ng posibleng dahilan.
"Baka kasi yung Banana Split namin, hindi pa rin lumalabas. Sabi nila, July, na-move na naman ng August. So, yun ang hinihintay ko. Hopefully, matuloy dahil may negotiation na movie for MMFF na sana matuloy for Octo-Arts," ang sabi ng Kapamilya star.
Bagamat wala pa siyang ibang pinagkakaabalahan ngayon sa ABS-CBN bukod sa noontime show na Wowowee, wala raw siyang nakikitang dahilan para umalis sa ABS-CBN.
“So hindi po totoo. Wala pong katotohanan na babalik ako ng GMA-7, happy naman po ako rito bilang Kapamilya. Marami naman pong blessing na dumarating,” sambit ni Valerie.
"BETTY". Nasulat noon na isa siya sa mga pinagpiliang young actress ng Dos para gumanap sa role na Betty La Fea. Nagpakita na siya ng matinding excitement when entertainment press asked her reaction about it. But as it turned out, kay Bea Alonzo napunta ang naturang soap opera.
PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Valerie kung nakaramdam ba siya ng frustration or disappointment because she didn't get the role?
“Hindi naman," ang mabilis niyang sagot. "Kasi, it wasn’t naman really…naririnig ko lang, usap-usapan, pero wala namang formal offer. At saka, dito sa Wowowee, hindi rin naman ako pinapayagan na mag-soap for some reasons. Puwede naman kaya lang, nagkakaroon ng conflict sa schedule. What if, hindi pumayag yung soap na mag-Wowowee muna ko. Eh, siyempre, mas priority ko naman ang Wowowee, di ba?”
D.O.M. Natatawa naman si Valerie tungkol sa isyung mabenta raw siya ngayon sa mga D.O.M (Dirty Old Men). Aniya, isang bagay raw ito na hindi naman niya ginagawa, which is, pumatol nga sa mga D.O.M.
Ayon sa kanya, “Hindi ko talaga alam kung bakit may ganoong isyu. Kasi, like kapag may mga corporate events, kapag nagho-host ako, siguro may ilang executives, kakausapin nila ko and they will say, 'Hey, you’re so pretty in Wowowee.' Ganoon, ganyan…parang nag-a-admire, but not really D.O.M. na nag-o-offer ng something. So far, wala pa naman akong nae-encounter na may mga D.O.M. na nag-o-offer.”
Ini-expect na rin daw ni Valerie na magkakaroon pa siya ng "D.O.M." isyu kapag nakuha na niya ang pangarap na makabili ng sariling bahay para sa kanilang pamilya.
“Handa na ko sa magiging isyu, pero, okey lang, kasi kung malinis naman ang kunsensiya ko na wala akong D.O.M., I don’t have to worry about everything,” ang pahayag ng aktres-TV host.
Five days na mawawala sa Manila si Valerie at ang buong production ng Wowowee dahil magkakaroon sila ng show sa New Jersey. Mag-isa lang daw siyang aalis at kahit ang mommy niya ay hindi niya makakasama. Pero nilinaw nitong it has nothing to do with the rule na bawal magsama ng mahal sa buhay, na tulad nga ng nangyari noon kay Precious Lara Quigaman.
Matatandaang nawala ang 2005 Miss International sa nasabing show dahil isinama raw nito ang kanyang mommy at boyfriend sa Hawaii show ng Wowowee.
Sabi ni Valerie, "Yung sa mommy ko, puwede ko naman siyang isama, kaya lang, naisip din niya since may plano nga kaming bumili ng bahay, eh, huwag na lang sumama kasi, sayang din, di ba?"
E, paano kung may boyfriend?
"Hindi naman…sa boyfriend, siyempre, I date, lumalabas din paminsan-minsan. Pero, wala naman kasi talaga 'kong boyfriend kaya hindi ko iniisip yun or mangyayari sa akin yun. At saka, love ko yung trabaho ko, ‘no!” natatawa niyang sabi.
