Willie Revillame reveals relationship with his "mystery date"


 
"Nagugustuhan ko siyang kausap. Ayoko siyang ligawan ‘tapos lolokohin mo lang? Kawawa ito," says Willie Revillame about Nadine Ignacio, his rumored new girlfriend.

Willie Revillame reveals relationship with his "mystery date"

Julie Bonifacio

Rating


Pagdating sa aspetong pinansiyal, masaya na ang TV host na si Willie Revillame. Kung meron mang maituturing na kulang sa buhay niya ngayon ay ang sariling pamilya na makakapiling niya sa bawat oras.

 

"Wala pa, e. Wala pang dumarating sa buhay ko," pahayag ni Willie nang makusap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng comeback movie niya na Mr. Housewife.

 

Hindi ba siya naiinggit sa mga kaibigan niya na may mga sari-sariling pamilya na, tulad ni Aga Muhlach?

 

"Alam n'yo, marami akong pamilya, e," saad ni Willie, na dalawang beses nang nahiwalay sa asawa. "Ang pamilya ko, publiko na, e. Kaya mahirap. Dapat ang babaeng makuha ko, yung talagang unconditional ang pagmamahal sa akin. Very sensitive siya sa nangyayari sa buhay ko. Hindi siya selfish. Parang Willie na babae. Kung ano ang puso ko, ganun din ang puso niya. Huwag niyang pagseselosan yung binibigyan ko. Dapat mas masaya siya. Dapat, ‘eto pa siya na tumutulong. Parang kung mamahalin kita at mamahalin mo ako, dapat ako yung blessing sa ‘yo."

 

MYSTERY GIRL. Dito nausisa kay Willie ang mystery girl na ka-date niya sa Star Magic Ball noong June 29 sa EDSA Shangri-La, na sinasabing bagong girlfriend ng TV host.

 

"Hindi, nag-guest yun sa Wowowee kasama yung mga candidates ng Slimmer's 'ata yun. Taga-Obando, Bulacan. She's 19 years old na sa CEU [Centro Escolar University] nag-aaral. Ang kinukuha niya, Tourism. Simpleng babae, napakamahinhin. Parang Charo Santos gumalaw. Yung ano, simpleng babae, pino.

 

"‘Tapos nung dumalaw ako sa kanya sa Obando, pinuntahan ko. Medyo gabi na noon. Medyo iskinita yung lugar. Simpleng bahay lang. Nandun ang lolo niya, ang lola niya. Pamilyang ano, probinsiyana. Hindi lumalabas ng bahay. Hindi alam yung mga night life dito sa ano, para kang nakakita ng Lucy Torres sa Bulacan. Natuwa naman yung lolo niya nung makita ako.

 

"'Tapos nagte-text kami. Bumabaha pa nga sa kanila. Minsan magte-text siya sa akin, ‘Huwag ka na pumunta, nagbabaha, high tide.' Nagbabaha talaga!

 

"Simpleng buhay lang siya. Tinanong ko nga sa kanya bakit niya nagustuhan doon. Bakit hindi lumipat dito? Nag-aaral siya, bakit di siya mag-dorm? Sabi niya, ‘Hindi ko puwedeng iwanan ang lolo't lola ko. Kami ang nag-aalaga sa kanila.' Nagma-mano..." tuluy-tuloy na kuwento ni Willie.

 

THE REAL SCORE. Napag-alaman ng PEP na Nadine Ignacio ang buong pangalan ng babaeng nauugnay ngayon sa Wowowee host. Pero ano nga ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon?

 

"Nagugustuhan ko siyang kausap. Ayoko siyang ligawan ‘tapos lolokohin mo lang? Kawawa ito," saad ni Willie.

 

Nobya na ba niya si Nadine?

 

"Wala lang. Natutuwa ako sa kanya," matipid na sagot ng 47-year-old TV host.

 

Hindi kaya nami-misinterpret lang niya ang nararamdaman niya kay Nadine bilang awa?

 

"Hindi naman," seryosong pahayag ni Willie.

 

Regular na ba niyang dinadalaw si Nadine sa Obando?

 

"Hindi naman. Once lang...ay, twice lang. ‘Tapos sabi ko, ‘Gusto mong sumama sa akin? Punta tayong debut?' Hindi niya alam na Star Magic ball yun kaya nagulat siya. Wala siyang damit, pinabilhan ko ng damit kay Kat [Katya Montenegro]. Kasi hindi niya alam, e," lahad ni Willie.

 

Nung mismong araw ba ng affair niya binili yung damit para kay Nadine?

 

"Hindi, hindi. Dumalaw kasi siya sa ospital ko, e. Pinakuha ko yung sukat. Nasa Internet siya, sa Slimmer's. Seksi, ang gandang babae."

 

Bakit sinabi niya sa Entertainment Live! na parang anak na niya si Nadine?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement