Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"


Willie Revillame describes his health condition: "Yung aking intestine, small and large, di ba, colon yun, magkadikit? May extension yun. May nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasi nga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang dami kong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kami nagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block na isang ugat."
Main photo shows a portion of the Wowowee host's Tagaytay house.

Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"

Julie Bonifacio

Rating

"Hindi pa," pagkakalaro niya. "Inaayos ko pa yun. Hindi pa kami nagkakasara."

 

Nang usisain naman siya kung meron siyang balak na bumili ng farm, aniya, "Kasi yung bahay ko sa Tagaytay, sa Highlands ‘yan, e."

 

VISIT FROM HENRY SY. Nabanggit din ni Willie ang mga iba pa niyang naipundar at ang pagbisita sa kanya ni Henry Sy, ang may-ari ng Tagaytay Highlands at lahat ng SM Supermalls.

 

"Si Henry Sy, pinuntahan pa ako ni Henry Sy nung Holy Week. Nandun ako sa yate ko nung Holy Week, dumaan siya doon ‘tsaka si Willie Ocier. Dinalaw ako. Wala ako doon sa Tagaytay at nasa yate ko ako, na nasa Maya-Maya [Batangas].

 

"Doon din yung bahay ni Aga [Muhlach]. ‘Tapos may mga bago akong speedboat at jet ski, nasa Punta Fuego naman. Nandun lang yun. Kaya ‘pag may mga bisita ako from the States, ‘O, mag-Tagaytay kayo.' ‘Tapos papadala ko sila sa Batangas, magya-yate sila. Pero ngayon, wala akong time, e."

 

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento tungkol sa pagbisita sa kanya ni Henry Sy, ani Willie, "Tinawagan ako nina Nadia [Montenegro], ‘Alam mo ba kung sino ang nandito ngayon? Si Mr. Henry Sy.' Kanya yun [Tagaytay Highlands], e. Alam mo kung gaano kalaki yun? 15,000 hectares yun."

 

Ano naman ang sinabi ni Henry Sy sa kanya?

 

"You have a very beautiful house. Chinese yun, huh! Lahat ng SM kanya. 'Tapos may binili na naman siyang isang island sa Pico de Loro, yung Jamillo sa Batangas, ano rin yun, nasa 4,000 square meters din yun. Yung ferry boat mula sa Mall of Asia, dadalhin kayo papuntang Batangas in 45 minutes," ang kuwento ng Kapamilya star.

 

WILLIE'S WISH. With all these blessings, ano pa ang wish niya bukod sa kanyang lovelife?

 

"Ako ang wish ko lang, to be honest with you, lahat nitong properties ko, perang ito, hindi ito importante sa akin. Totoo! Mawala ‘to, sabi ko nga sa Panginoong Diyos, anytime na kunin Niya ‘to, okey lang sa akin. Para nga akong si Job sa Bible. Nung kinuha sa akin lahat, nung binalik sa akin, doble-doble.

 

"Kasi lahat ng ito, balewala naman ‘to. Yung mga kotse ko, nakatambak sa isang bahay ko. Hindi ko nagagamit. Kung titingnan mo ang buhay ko, may pera kang ang laki-laki sa bangko, bibili ako ng building ngayon sa Tomas Morato, P80 million. ‘Pagigiba ko yun, patatayuan ko ng five to seven storey. Gusto ko, meron doong Jollibee, McDonald's, maganda, e. Commercial. Gusto ko, may center. Gusto ko si Dra. [Vicki] Belo, yung isang floor doon kanya lahat. 1,500 square meters yun," ang lahad ni Willie.

 

Nang tanungin siya tungkol sa presyo, aniya, "Binebenta ng P85 million. Ang tawad ko, cash P70M. Kaya lang, ayaw talaga. Ako, bumili ako, bababa lang sa bahay, Sunday. Bebenta kaya ‘to?' Kumatok ako. ‘Sino ang may-ari nito?' Ganun ako bumili. Hindi ako yung naghahanap. Magugulat na lang.

 

"Sabi ko, ‘binebenta ba ito?' Sabi nung guwardiya, ‘Sir, ang alam ko po binebenta, Sir.' E, siyempre kilala ka. ‘Balik po kayo bukas.' Balik ako kinabukasan. Kinausap ko yung mga anak ng may-ari. Ngayon, nagne-negotiate pa kami."

 

Aspirational para sa kanya ang mabili ang sinasabi niyang property. Noong nagsisimula pa lang siya sa industriya, tinitignan na niya ang building na iyon.

 

"Nung drummer pa lang ako, nakatira na ako sa Sct. Castor [Timog, Quezon City]. 'Eto totoo ito. Nakatira ako doon, one-bedroom type na apartment. P800 pesos a month lang yun. Tumutugtog ako sa Birdland. Kapag naglalakad ako, nagdyi-jeep ako, lagi kong nakikita ang lugar na yun. Sabi ko, ‘Gustong-gusto ko talaga ito.'

 

"Kasi ang entrada, ang laki. Ang laki ng parking. E, mahilig ako sa auto. High school pa lang ako, driver na ako. 'Tapos nakikita ko yun, sabi ko, 'Darating ang panahon magkakaganyan ako.' Kaya pinuntahan ko yun. Kaya binalikan ko yun."

 

Bibilihin pa rin ba niya kahit di pumayag sa tawad niya?

 

"Oo," ang sagot ni Willie. "May budget na ako for that. Kung gigibain yun, siguro gagastos pa ako ng 15 million."

 

SCHOOL FOR VENDORS AND STREETCHILDREN. Bukod pa sa mga ito, saan pa niya balak i-invest ang kanyang mga kinikita?

 

"Basta gusto ko lang, lahat ng ito maiwan ko sa mga mahal ko sa buhay. Ang gusto ko, isa, isang malaking lupa bago ako mamatay, bibilhin ko yun. Papatayuan ko ng eskuwelahan sa mga nagtitinda ng sampaguita at mga streetchildren. 'Tapos kakausapin ko yung mga teacher na volunteer from Grade 1 to Grade VI.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement