Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"


Willie Revillame describes his health condition: "Yung aking intestine, small and large, di ba, colon yun, magkadikit? May extension yun. May nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasi nga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang dami kong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kami nagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block na isang ugat."
Main photo shows a portion of the Wowowee host's Tagaytay house.

Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"

Julie Bonifacio

Rating

"Sampaguita vendors, yung mga tinatapon ng MMDA. Tinatapon kung saan-saang lugar. Katulad nung nag-show ako nung Friday, may isang Hawaiian na nanalo siya. Sabi niya, ‘I won't take it. I'm a caregiver in Hawaii. P22,500 ang napanalunan niya. Sabi niya, gusto niyang ibigay yun sa mga batang kapus-palad.



"Nung Lunes naman, mga anak ng basurero. Kasi every time na meron akong ininterbyu na anak ng basurero o basurero, etong basurero sabi ko, ‘Ano po'ng ginagawa ng anak ninyo?'

 

"'Ay, kasama namin, nangangalakal.' So, yung anak niya, hindi na makakapag-aral. Basurero na rin ‘yan. 'Pag nagkaanak ito, basurero na rin ito. So, yun ang buhay. So, yung pangarap ng mga batang ito, simula pa lang, patay na. Wala nang pangarap. Ibig sabihin noon, hindi na makakapag-aral ‘yan, e. Kalakal na lang nang kalakal ng ano ‘yan, e," ang mahabang salaysay ni Willie.

 

At gusto niyang gawin ang pagtulong na hindi kailangang ipaalam sa publiko kung sinu-sino ang makikinabang.

 

Paglilinaw niya, "Kung anuman meron ako ngayon, kung sinuman ang kaya kong mabigyan ng tulong—artista o hindi artista...Kung sinuman ‘yan, sa akin na lang ‘yun at sa taong tutulungan ko."

 

May isa pang anecdote na ibinahagi si Willie. Tungkol ito sa isa sa mga naging contestants sa kanyang noontime show.

 

"Nabanggit ko lang ito hindi para isulat. Nakukuwento ko lang sa inyo. Meron nga akong guest sa ‘Willie of Fortune.' Sabi niya, ‘Ako pumunta ako dito dalawa ang purpose ko. Una, to meet you again, kasi nag-meet na tayo dati. I [was] only seven years old. Binigyan mo ako ng limang piso.' [Elementary] pa ako noon. May anak na ako ngayon. Binigyan mo ako no'n, e, kasi wala kaming pangkain ng nanay ko noon. Nakita mo kami sa kanto. Binigyan mo ako ng limang piso.'

 

"Drummer pa lang ako noon. That was about 27 years ago. Hindi yung maliit pa ang kita ko noon, wala pa talaga akong kita noon. Pero hindi ko alam yun, ha. Sabi niya, 'That was 27 years ago, Willie. Seven years old pa lang ako noon.' Ngayon may pamilya na siya. Ngayon yung five pesos parang 100 na ngayon yun."

 

LUCKIEST MAN. Sa kabila ba ng napakaraming kontrobersya na pinagdaanan niya ay maituturing pa rin niyang naging mabait sa kanya ang showbiz?

 

Aniya, "Nasa sa tao naman, e—showbiz, pulitika o nasa bangko ka. Alam mo yung tomboy at bakla na nagkatuluyan? Ang ganda ng sinabi ng bading.

 

"‘Alam mo proud ako sa atin kasi wala sa kaanyuan ng tao ‘yan. Nasa uri ng pagkatao mo ‘yan,' sabi niya. Ang ganda ng sinabi niya.

 

"May anak sila na dalawa. Ang sinabi niya na word na alam mo sa uri ng pagkatao mo ‘yan. Ano ba ang uri ng pagkatao mo? 'Wala tayong pinuperwisyo na iba. Tayong dalawa lang ang magkasama. Proud ako sa atin.' Ganun...You heard this from those people, e. Basta ako, gusto ko lang positive lahat."

 

At may isa pang kuwento ang Wowowee host.

 

"Ito alam ni Ate Tess [auditor ni Willie na niregaluhan niya ng Honda CRV na kotse kamakailan] ‘yan, ‘Ate Tess, maglabas ka ng isang milyon. Maglabas ka ng ganito. Five hundred bigyan mo.' 'Tapos sasabihin niya, 'Sir Willie...' ‘Basta bigyan mo. Walang kuwestiyon-kuwestiyon, maglabas ka ng ganito.'

 

"Kahapon, naalala ko yung arranger ko walang pera, walang pang-matrikula. Pumasok lang sa isip ko. Tinext ko lang. 'Punta ka sa Starbucks, may ipabibigay ako sa anak mo.' Yung ganun lang. Naiisip ko lang bigla."

 

At sa lahat ng naikuwento niyang pagtulong sa kapwa, hindi raw siya naghahangad ng anumang kapalit.

 

Sabi ni Willie, "Hindi ako nag-e-expect ng pasok o kapalit. Hindi ito pang-good to be true ‘no. Alam mo, sobrang blessed ko. Siguro ako na ang pinakamasuwerteng tao sa balat ng lupa. Sobra."

 

Wala ba siyang plano na pasukin ang pulitika at tumakbong senador?

 

"Hindi ako tatakbo. Alam mo, mas marami akong maitutulong kapag Wowowee ang ginagawa ko. Wala ako'ng kaaway. Hindi ka babanatan. ‘Tsaka lahat ng properties kong ito, kawawa ‘yan kapag nag-senador ako," ang pagtatapos ni Willie.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement