PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo excited over Kristine-Jericho love team

Diether downplays comparison with "Iisa Pa Lamang" co-star Gabby Concepcion.
by Rose Garcia
Published Jul 9, 2008
"Sabi ko nga sa kanila pareho, it's about time dahil marami talaga ang nananabik sa tambalan nilang dalawa. At isa ako sa humahanga sa tambalan nila," says Diether Ocampo about the team-up of ex-flame Kristine Hermosa and Jericho Rosales.

Kitang-kita sa aura ni Diether Ocampo during the press conference of Iisa Pa Lamang last night, July 9, kung gaano siya kasaya sa bagong drama series at sa naging resulta ng kanyang trabaho. Pero kahit sinasabi na siya ang nagpakita ng kakaibang galing sa pag-arte sa teleseryeng ito kumpara sa isa pang leading man ni Claudine Barretto sa serye na si Gabby Concepcion, ayaw itong i-entertain ni Diether.

"Well, siguro kasi, yung mga naunang espisodes na napanood n'yo, nag-e-evolve pa lang at may mga pagbabago pang mangyayari. So medyo maganda lang siguro yung entrada ng character ko kaya ganoon," pahayag ni Diether.

On Diether's part, nahihiya raw siya kay Gabby kapag may nagsasabi ng ganoon.

"Ako naman, kung ano lang kasi ang ibigay sa akin na trabaho, sinisiguro ko palagi na magagampanan ko nang tama. At malaking hamon sa akin lalo na kung ang makakaeksena mo ay ang mga batikang artista na hinahangaan ko rin. So malaking pasasalamat ko talaga na nabigyan ako ng chance ng ganito kalaking proyekto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaninindigan na talaga ni Diether na matagal na silang walang romantic relationship ni Kristine Hermosa. Pero hindi ikinaila ng aktor na kung may patutungkulan man siya ng katagang "iisa pa lamang," sigurado raw na si Kristine pa rin yun.

Dahil nagiging usap-usapan na ang planong pagtatambal muli nina Kristine at Jericho Rosales, we asked Diether kung ano ang reaction niya sa pagbabalik-tambalan ng dalawa.

"Sobra kong excited!" maagap niyang sagot. "Actually, I talked to them both. Nang magkita kami sa Star Magic Ball, we talked about it and... Kasi, nag-uusap naman kami ni Echo palagi.

"Si Kristine rin, nagkakamustahan kung minsan and sabi ko nga sa kanila pareho, it's about time dahil marami talaga ang nananabik sa tambalan nilang dalawa. At isa ako sa humahanga sa tambalan nila."

Pupuwede ring mangahulugan na ang pagtatambal nina Kristine at Jericho muli ay maging simula naman ng pagtatapos ng tambalang Kristine-Diether. Ano ang masasabi ni Diether dito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi natin masasabi," sagot niya. "Siyempre, tulad niyan, hindi naman natin inaasahan na mabibigyan pa sila ulit ng pagkakataon na magkasama sa isang proyekto. Pero hindi ko naman iniisip yun, e."

Diet confessed na bagamat wala pa naman daw siyang nakikitang kapalit sa buhay niya si Kristine, he said that he has already moved on. On Kristine's part kaya, masasabi rin niyang naka-move on na ito dahil open na muling makipagtrabaho kay Echo?

"Ah, hindi ko masasagot ‘yan. Siguro dapat si Kristine na lang ang tanungin natin diyan. Siguro wala namang issue to begin with, so napag-isip-isip siguro nila, bakit hindi, di ba?"
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga sa kanila pareho, it's about time dahil marami talaga ang nananabik sa tambalan nilang dalawa. At isa ako sa humahanga sa tambalan nila," says Diether Ocampo about the team-up of ex-flame Kristine Hermosa and Jericho Rosales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results