"Playmate ng Bayan" ang bansag sa bagong sexy star na si Precious Adona. Wala nga raw kasing takot na paghuhubad ang former finalist ng Be Bench turned sexy star sa pelikulang Torotot.
Pero ayon sa sexy Viva Films actress, wala siyang balak talaga noon na maging sexy star, pero dahil na rin sa magandang oportunidad na puwedeng maibigay ng showbiz sa kanya, pikit-mata na lang niya itong ginagawa.
"Noong una, talagang naiiyak pa ako. Kasi nga hindi naman ito ang plan ko sa aking career. I wanted to model lang, ‘tapos eventually get into acting. Pero hindi ko alam na magiging sexy star kaagad ako.
"Pero okey lang because nag-promise naman ang Viva Films na they will take care of me. ‘Tapos naging maganda naman ang response ng mga tao sa akin, lalo na when I landed on the cover of FHM. Dumating ang mga offers, kaya blessing na rin ito for me."
GRATEFUL TO DIREK MARYO
Bukod nga naman sa pelikulang Torotot ay nabigyan pa siya ng magandang exposure sa GMA Sine Novela na Magdusa Ka bilang malditang kaibigan ni Iwa Moto. At napasama rin siya sa Top 100 list ng FHM Sexiest Women of the World.
"Natuwa naman ako because naging part ako ng isang top-rating afternoon drama," ngiti pa ni Precious. "Nagpapasalamat ako kay Direk Maryo [delos Reyes], kasi instrumental siya sa pagpasok ko sa show. Siya kasi ang first movie director ko sa Torotot.
"Doon naman sa FHM, nagulat ako! Kasi it's my first time to be part of the annual list, ‘tapos nasa number 22 kaagad ako. Ang taas for somebody new na tulad ko. Kaya no regrets sa pagpapa-sexy ko."
ANGRY BOYFRIEND
May balitang galit na galit daw ang kanyang non-showbiz boyfriend sa ginawa niyang pag-cover sa FHM. For his eyes only daw ang katawan ni Precious at hindi para pagpistahan ng iba't ibang lalaki. Pumayag na raw itong mag-sexy ito sa pelikula pero wala raw sa usapan nila na magpapa-sexy pa ito sa cover ng magazine.
"It's true na nagalit siya. Nag-explain naman ako sa kanya na yung ginawa ko is for the promo na rin of Torotot. Hindi nga niya matanggap at hindi niya ako kinausap for almost a week. As in nanlamig siya sa akin.
"Naiintindihan ko naman ang feeling niya. Kasi nga naman, sobra na yung nakipag-sex ako sa movie with Yul Servo and Anton Bernardo, ‘tapos makikita pa niya ako sa cover ng FHM. Parang sumobra naman na ako. Pero trabaho ko ito at yun ang ini-inject ko sa pag-iisip niya. Finally, naintindihan na niya, kaya mainit na naman kaming dalawa sa relasyon namin!"
DIDN'T TAKE ANYTHING FROM MAUI
True kaya na nai-insecure daw sa kanya ngayon si Maui dahil naagawan na niya ito ng trono sa bakuran ng Viva Films?
"May gano'n ba? Naku, wala naman akong inaagaw na trono from Maui. Okey naman kami magtrabaho and she's very nice to me.
"Wala naman dapat siyang ika-insecure sa akin. Maui Taylor na siya at mas senior siya sa akin when it comes to going sexy and daring. Kahit na mas marami akong sex scenes sa kanya sa Torotot, mas matitindi yung sa kanya. Kumbaga, pang-highlight ng pelikula yung mga scenes niya."