PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista attributes sexy body to rigorous workout

Heart also talks about kissing scenes with Richard Gutierrez in "Codename: Asero."
by Erwin Santiago
Published Jul 10, 2008
"Actually, marami lang kayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito, pero matagal nang ganyan ‘yan," says Heart Evangelista when asked about her prominent boobs and butt.

Magmula nang lumipat ang young actress na si Heart Evangelista sa GMA-7, naging kapansin-pansin ang pagiging daring niya pagdating sa kanyang pananamit sa mga ginagawa niyang production numbers sa musical-variety show na SOP.

Dahil sa revealing outfits niya sa kanyang production numbers—gaya ng ginawa niya sa launch ng Codename: Asero kagabi, July 9—ay napapansin na ang magandang hubog ng kanyang katawan, lalo na ang size ng kanyang dibdib. Komento ng ilan, baka nagparetoke siya ng kanyang boobs.

"It's Victoria's secret, my dear!" tawa ni Heart nang tanungin tungkol dito.

What about her butt?

"Ay, that's workout!" bulalas niya. "Actually, marami lang kayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito, pero matagal nang ganyan ‘yan."

Pinaghirapan daw talaga ni Heart ang magandang pangangatawan niya ngayon.

"Lagi akong may ginagawa. ‘Tapos sa umaga, nagwo-workout ako parati bago ako nagtatrabaho. Kahit sabihin mo 7 a.m. ang call time ko, 5 a.m. nagigising na ako, nagwo-workout na ako. I work out a lot, every day sa taping," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Part ba ng kanyang paglipat sa GMA-7 ang pagkakaroon ng more mature and sexier image, lalo pa't pinag-uusapan ang belly dancing niya sa Codename: Asero?

"Hindi, nagkataon lang talaga," sabi ni Heart. "Alam mo yung belly-dancing scene na ‘yan, hindi naman ‘yan yung buong ano... Natuwa lang sila kaya they made it such a big thing. But no, it doesn't mean na magse-sexy ako, I will still not pose for a men's magazine, yung mga FHM, Maxim...no, no, no.

"Kaya nga iniingatan ko, like kunyari ‘pag may mga guesting ako, I make sure na hindi sexy ang mga outfits ko. Because I wanted to differentiate yung character ko at kung sino ako. Iba naman din, part of growing up."

May nagtanong din kay Heart kung bakit ngayong nasa GMA-7 niya lang naisipang magpa-sexy at hindi noong nasa ABS-CBN pa siya. Biro pa sa kanya, parang tinipid daw niya ang dati niyang home network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Well, minaximize ko naman yung kaya kong ibigay nung time na ‘yon," sagot niya. "Pero siguro ngayon, after everything that I've gone through, parang another phase in my life, iba naman."

KISSING SCENES WITH RICHARD. Sa ipinakitang teaser ng Codename: Asero, kapansin-pansin din ang hindi mabilang na kissing scenes ni Heart sa leading man niyang si Richard Gutierrez. Ilan ba talaga ang kissing scenes nila ng kapareha?

"Madami, e!" natatawang sabi ni Heart. "Napakahusay ni Richard dahil–" pero natigilan ang young actress at sinabing, "Hindi, hindi, napaka-professional niya... Ako nga, nagugulat ako kahit pauli-ulit yung take namin, okey lang!"

How is Richard as a kisser?

"Okay lang, okay naman!" tawa niya ulit. "Siyempre ‘pag nandoon, may kaba, hindi mo naiisip yung moment na naghalikan."

Naninibago ba siya na iba na ang kahalikan niya?

"Naninibago ako dahil I'm open to kissing scenes now, period," nakangiti niyang sagot.

FOCUSED ON SHOWBIZ CAREER. Sa ngayon ay gusto munang mag-concentrate ni Heart sa kanyang showbiz career. Hindi pa raw siya handang umibig muli pagkatapos ng breakup nila ng kanyang dating boyfriend na si Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ngayon, sarili ko muna ang iisipin ko... Alam n'yo kasi, matagal na rin akong hindi nabigyan ng pagkakataon. Sobrang gusto kong maging sulit yung pagkuha sa akin ng GMA. Kaya lahat ginagawa ko, nagte-training ako, lahat! So I'm not ready to do anything else. Yung mga unfinished business ko dati, gusto nang tapusin ‘yon," saad ni Heart.

Bukod sa Codename: Asero, na magsisimula na sa July 14, ay regular ding napapanood si Heart sa musical-variety show na SOP. Soon ay magkakaroon din siya ng fashion-lifestyle show sa QTV-11, ang sister station ng GMA-7. Pagkatapos ng Codename: Asero, isang Pinoy version ng isang sikat na Koreanovela ang susunod na primetime series niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, marami lang kayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito, pero matagal nang ganyan ‘yan," says Heart Evangelista when asked about her prominent boobs and butt.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results