PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress-director Laurice Guillen makes acting comeback in "Iisa Pa Lamang"

Laurice is glad to work again with Gabby Concepcion.
by Bong Godinez
Published Jul 10, 2008
“Hindi lang po si Gabby [Concepcion] ang may comeback,” said highly respected director-actress-writer Laurice Guillen during the press conference of ABS-CBN’s upcoming soap Iisa Pa Lamang last July 8 at Plaza Ibarra restaurant in Quezon City.
Hindi lang si Gabby Concepcion ang may acting comeback sa upcoming drama teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang, kundi maging ang magaling na direktor na si Laurice Guillen.

Sa grand press conference ng nasabing soap na ginanap last Tuesday, July 8, sa Plaza Ibarra, Quezon City, sinabi ni Laurice na noong una ay hindi niya inaasahan na mapapabilang siya sa final cast. Katulad ng matagal nang nakagawian, akala ni Laurice ay magbibigay lamang siya ng acting workshop sa buong cast in preparation for the actual work.

Bagamat acting workshop teacher si Laurice, kinabahan pa rin siya nang humarap sa camera at kukunan na ang kanyang mga eksena.

"Ang huling teleserye ko ay ‘yong Flordeluna pa," pag-amin ng direktor. Kasama sa adjustment ni Laurice ay ang long hours of shooting kasama na rin ang pagbiyahe patungo sa shoot location.

"Madaling-araw ka na nauwi, 'yong mga ganun. Medyo mahirap. Sabi ko nga, ‘Parang mas bongga pa ‘to kaysa pelikula.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hindi nakakaalam, si Laurice ay isa sa mga respetadong direktor at aktres ng bansa. Kabilang sa mga pelikulang kanyang ginawa bilang direktor ay Kung Ako'y Iiwan Mo (1980), Salome (1981), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Magkano ang Iyong Dangal (1989), Kapag Langit ang Humatol (1990), Una Kang Naging Akin (1991), Ipagpatawad Mo (1991), Dahil Mahal Kita (1993), Isang Sulok ng mga Pangarap (1994), Bakit Ngayon Ka Lang? (1994), Tanging Yaman (2000), American Adobo (2001), at Santa Santita (2004).

Bilang aktres naman ay napanood si Laurice sa mga pelikula tulad ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Inay (1977), Kung Mangarap Ka't Magising (1977), Init (1979), Ina, Kapatid, Anak (1979), Gabun (1979), Moral (1982), Dear Mama (1984), Sister Stella L (1984), Palimos ng Pag-ibig (1985), Bakit Madalas ang Tibok ng Puso (1986), Abot Hanggang Sukdulan (1989), Bakit Ikaw Pa Rin? (1990), at marami pang iba.

Si Laurice din ang gumawa ng screenplay ng Kung Ako'y Iiwan Mo (1980), Sana Dalawa ang Puso Ko (1995), at Tanging Yaman (2000). Last year ay napanood ang magaling na aktres at direktor sa stage play na The Glass Menagerie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SWITCHING ROLES. All praises naman ang directors ng Iisa Pa Lamang na sina Ruel Bayani at Manny Palo kay Laurice. Admittedly, sinabi ng dalawa na na-intimidate sila noong umpisa na manduhan ang well-respected artist.

Ikinuwento rin ni Direk Ruel na naging mentor niya si Laurice noong startup years niya sa entertainment industry.

"Mula nang nag-start ako sa industry na 20-year-old graduate ako ng Ateneo, ang aking first director ay si Direk Laurice. So ‘yong buong first three years ng career ko, karay-karay niya ako sa iba't ibang pelikula. Parang anak niya ako na tinuturuan," saad ni direk Ruel.

Nag-focus na lang daw si Direk Ruel sa character ni Laurice para ‘di siya mailang. "Iniisip ko na lang ‘yong character. Kasi can you imagine kung ano ‘yong feeling na idinidirek mo ang nanay mo sa trabaho. So bina-block ko na lang ‘yon para mag-stay professional."

Sinegundahan naman ni Direk Manny ang mga sinabi ni Ruel. Hanga raw sila sa professionalism ni Laurice dahil kahit pa sabihin na seasoned director na ito ay nakikinig ito sa instructions nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She's a very gracious artist," bulalas ni Manny. "Pagdating niya sa set, she comes as an actor. Never siyang nagsabi sa amin na, ‘O, eto ang dapat mong gawin. Eto ang dapat ninyong gawin.' And ginagawa naman niya kung ano'ng pinagagawa namin."

LUCKY GABBY. Hindi itinago ni Laurice ang kanyang kasiyahan sa muling paglabas sa telebisyon. Halata ring natuwa ito na muling humarap sa mga entertainment press na matagal-tagal na ring hindi niya nakikita at nakakasalamuha.

Natutuwa rin siya na muling makita at makatrabaho si Gabby Concepcion matapos nga ang matagal nitong pamamalagi sa Estados Unidos. Si Laurice ang nagdirek ng pelikulang Una Kang Naging Akin (1991) at Tayong Dalawa (1992) na parehong pinagbidahan nila Gabby at ex-wife nitong si Sharon Cuneta.

Masaya raw si Laurice sa mainit na pagtanggap muli kay Gabby. Bilang aktor ay napakahusay raw nito at kailangan ng Philippine movie industry ang isang tulad nito.

"Sayang naman ang talent niya," sabi ni Laurice sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang oras nga raw bago tumulak ang cast sa Plaza Ibarra ay nagkakuwentuhan pa sila ni Gabby sa isang coffeeshop.

"Earlier we were killing time. Sabi ko, 'Suwerte mo din Gabby,'" banggit ni Laurice sa mestisong aktor, "'bumalik ka na parang walang nangyari lang.'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Hindi lang po si Gabby [Concepcion] ang may comeback,” said highly respected director-actress-writer Laurice Guillen during the press conference of ABS-CBN’s upcoming soap Iisa Pa Lamang last July 8 at Plaza Ibarra restaurant in Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results