PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chynna Ortaleza says her "cute" boobs don't need enhancement

Chynna not yet ready to marry longtime-boyfriend Railey Valeroso.
Published Jul 11, 2008
"Even my mom kasi, she has big boobs. Sabi niya, ‘Hindi mo alam kung anong klaseng curse ang meron sa may big boobs.' Masakit daw sa likod at kapag tumanda ka na, goodbye sa magandang boobs. Habang ako, kapag tumatanda, gumaganda nang gumaganda!" says Chynna Ortaleza about being satisfied with her boobs.

Nagulat ang young actress na si Chynna Ortaleza sa nakaraang press conference ng Codename: Asero sa AFP Theater last July 9 dahil bawat entertainment press na lumalapit sa kanya ay iisa ang bungad na tanong sa kanya: "Pakakasal na raw kayo?" Ang tinutukoy ng entertainment press ay ang boyfriend ni Chynna for five years na si Railey Valeroso.

"Ano ba ‘yan? Bakit ‘yan ang mga tanong n'yo sa akin?" natatawa at nagugulat niyang tanong din. Dagdag niya, "Actually, may nagsabi nga sa akin, November 11, 2011 daw kami magpakasal kasi maganda raw ang date for wedding. Pero ano ba, hindi ko masagot! Maganda ang date, pero ang tanong, maganda na ba ang life namin by that time?"

May nagsabing siguro naman dahil three years from now pa naman yun.

"Well, we will see at saka kung siya [Railey] pa rin ba ang love ko by that time," saad niya.

Inihalintulad pa ng isang entertainment press sa time deposit ang relasyon nina Chynna at Railey na kung sa bangko raw yun, nag-mature na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Grabe, hindi pa talaga!" tili niya. "Mga three to five years siguro. Well, siguro ganito na lang, so far, happy ako sa kanya. Pero siguro kaya may isyu lang na parang magpapakasal na ako dahil baka nawi-weirduhan siguro sila na showbiz ako, ‘tapos may relationship ako na limang taon na. Hindi usual, so abnormal ako!" natatawa niyang sabi.

May plano raw ang manager ngayon ni Railey Valeroso na isama ito sa pagrampa sa Bench Black-Out Fashion show sa Araneta Coliseum on July 25. Pero ayon kay Chynna, hindi raw niya sure kung makakasama na ang boyfriend.

"Well, nagpapalaki siya ng katawan, tumaba na rin siya. At saka umabot na yata siya sa puntong gusto na rin niyang gumanda ang katawan niya. Sabi ko naman sa kanya, ‘Perfect, perfect ‘yan! Kung ‘yan ang motivation mo, nasa tamang daan ka, so sige, go! Susuportahan ka namin.'"

Okey lang ba kay Railey ang pagpapa-sexy ni Chynna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Anong sexy? Hindi ako sexy! Classy ako!" tawa niya.

ONCE IS ENOUGH. Hindi ba siya magpo-pose muli sa men's magazine tulad ng FHM?

"Ayoko," sagot niya agad. "Parang feeling ko kasi, hindi naman ako yung tipo ng babaeng pinagpapantasyahan ng mga lalaki. Unang-una, wala naman akong boobs, so huwag na! Maging actress na lang.

"Dati naman gumawa naman ako noon for the purpose na gusto kong mag-mature. Kasi before, ang tingin naman ng mga tao sa akin, bagets, di ba? So, okey na yun. Tapos na, nagawa ko na. Nakakuha na ako ng role na para sa akin, so okey na."

SATISFIED WITH BOOBS. Hindi ba niya naisip ang magpa-enhance lalo pa nga't usong-uso naman yun sa mga babaeng artista?

"Well, I'm happy with my boobs. Actually, dito sa Asero, tawa kami nang tawa ni Rhian [Ramos]. Kasi kaming dalawa yung flat chested. Parang si Ehra [Madrigal], sila Chariz [Solomon], palagi naming binibiro, ‘Bongga girl, how healthy!' Tapos, sabi nila, ‘Hay naku, kung puwede lang ipa-chop!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And even my mom kasi, she has big boobs. Sabi niya, ‘Hindi mo alam kung anong klaseng curse ang meron sa may big boobs.' Masakit daw sa likod at kapag tumanda ka na, goodbye sa magandang boobs. Habang ako, kapag tumatanda, gumaganda nang gumaganda!" natatawang lahad ni Chynna.

Dagdag niya, "Siyempre naman, kapag titingnan mo, parang nakakainggit, e, kasi ang cute. Pero at least ako, hindi mabigat, hindi siya mahirap bihisan. Actually before, ang GMA, palagi nila akong inaawitan noon na magpa-enhance. Pero sinasabi ko na hindi pa ako handa. So parang ayoko naman na pilitin ang sarili ko.

"At saka, ang payat-payat ko! So kapag nagpalagay ka, magkahiwalay sila! Ang pangit, parang bao! So, sabi ko, huwag na lang talaga!" tawa niya ulit.

REUNION WITH RICHARD. Tungkol naman sa Codename: Asero, once pa lang daw siya nakakapag-taping dahil lalabas lang ulit ang character niya sa third week. But her first taping day was with Richard. Ayon kay Chynna, it's like old times lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, pareho pa rin. Friends pa rin kami. Nakakatawa lang kasi meron na siyang mga hirit na, like, ‘Gaano katagal ang kissing scene?' Habang dati, si Chard, ninenerbiyos pa kapag may ganoon kaming scene.

"Right now, I'm looking forward to having a scene with Heart [Evangelista], kasi hindi pa kami nagte-tape ng scene with Heart. Si Chard pa lang," saad ni Chynna.

May nagtanong kay Chynna kung sa loyalty raw niya sa Kapuso network, hindi ba niya naiisip na by this time dapat ay lead role na ang ibinibigay sa kanya ng network?

"Actually, nabigyan naman na ako ng mga lead before," paglilinaw niya. "E, siguro, baka hindi talaga para sa akin. Ganoon lang naman yun. Kung mag-iisip ka ng ‘gusto ko ng ganyan, bakit hindi yun ang ibigay sa akin,' baka lalong hindi ibigay sa ‘yo.

"Ako kasi, okey na ako rito. Gusto ko talaga ng character role. Hindi ko talaga nagustuhan na maging bida at pagkatapos, ganoon ang ginagawa. It doesn't make me happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, kayo na nga ang nagsasabi na nang makita n'yo ako kanina [sa presentation ng Asero], ‘Iba ang attitude mo nang lumabas ka.' It's because I'm happy with my role. So kaya ganoon, kaya ibang-iba ang dating," paliwanag niya.

Kapag nakikita niya si Richard na may bagong katambal, hindi ba niya naiisip na ganun din siya dati?

"Maiisip ko siya, pero not on a negative way. Not yung, ‘Ako ‘yan dati.' It's more on, ‘Na-experience ko na ‘yan.' Pero hindi ako nade-depress. Parang, sige, may time before na nahirapan ako. Ano yun, transition. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. So kung hindi ko gagawin, ano pa ang gagawin ko?" pagtatapos ni Chynna.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Even my mom kasi, she has big boobs. Sabi niya, ‘Hindi mo alam kung anong klaseng curse ang meron sa may big boobs.' Masakit daw sa likod at kapag tumanda ka na, goodbye sa magandang boobs. Habang ako, kapag tumatanda, gumaganda nang gumaganda!" says Chynna Ortaleza about being satisfied with her boobs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results