Naging maganda ang reception ng entertainment press at ng ilang tao na naka-witness ng performance ni Ciara Anna Sotto—yes, ginagamit na niya ngayon ang kanyang tunay na pangalan, ayon na rin sa suggestion ng kanyang Tito Joey de Leon—sa kanyang press launch sa Teatrino Greenhills last Wednesday afternoon, July 9.
Ibang-ibang Ciara na kasi ang nakita at narinig ng mga press after more than one-year stay in Las Vegas. Naging maganda ito at maemosyon na ang kanyang pagkanta. Pagdating naman sa kanyang look at personality ay mas sumeksi siya, mas nagka-aura, at nagkaroon siya ng confidence.
SIMPLE AND STRONG. Pero ayon kay Ciara, kung may isang bagay man daw siyang nadiskubre sa sarili niya after living away from her family for more than a year in Vegas ay simple lang daw pala siya.
"I'm always simple, but people don't know that, e," sabi niya. "Pero doon ko nakita na I'm very easy to please. Doon ako natuto na kailangan mong i-voice out kung ano ang nararamdaman mo, e. You have to be vocal. No one will protect you. No one will fight for you.
"Doon ko natutunan na strong pala talaga ko. I'm a strong person. I can handle things on my own. Do things on my own. Kung palpak, papanindigan. Yun ang pinakamagandang experience na natutunan ko of being in Vegas."
FINANCIAL STATUS. Dahil hindi pa sila formal na nakakapag-start ng show nilang Fever and all that they are doing are rehearsals and promotion for their show, enough ba ang kinikita niya ro'n para mabuhay talaga siya on her own?
"Yes, but I can't say digits, e. But it's enough. I was able to save a little din naman," sabi ni Ciara.
"Hindi ko masyadong ginagalaw ang savings ko. As much as possible, kapag meron akong bibilhin, ang binibilhan ko ng pasalubong, yung mga pamangkin ko, mas naiisip ko sila. Pero if ever man na may isina-shopping ako, it's more on yung gagamitin sa show, like clothes... Siyempre yung stylist ko, kailangang bayaran ko rin," lahad niya.Kung tutuusin, Ciara was pampered since birth. Maganda naman ang kinikita niya rito sa Pilipinas at kumportable ang kanyang buhay. So, bakit niya ipinagpalit lahat yun?
"I just wanna grow as a performer," sagot ni Ciara. "Because if you're here, everything will be given to me, kasi anak ako ni ganyan, kamag-anak ito ni...
"Aaminin ko, mas mahirap talaga ro'n. Ang daming mas magaganda at mas magagaling dun. Siyempre ako, Filipina pa ako, meron pang konting discrimination. But I want to prove to myself that I can do it on my own. Yun talaga ang goal ko."
Para kay Ciara, the Philippines is still where her heart is. Hindi raw niya nakikita ang sarili na manirahan na nang tuluyan sa Las Vegas. Talagang hanggang sa matapos lang daw ang contract nila o ang kanilang show. Ibang usapan na raw if she makes it really be big there. But for now, uuwi at uuwi pa rin daw siya ng Pilipinas.
"Siguro a year or two pa. But I'm sure, uuwi-uwi ako. Nami-miss ko ang Pinas. Hindi ko pala kayang mag-stay doon ng one year na walang uwian," sabi niya.
Kumusta na ang kanilang show na Fever?
"Nag-i-start na kami promoting everywhere. You can go to melanja.com, may website kami ro'n. Pero the show itself, yun na lang talaga ang hinihintay namin, yung official venue talaga. Hopefully this year, pero ayoko nang magsalita kung kailan talaga dahil baka mamaya, ma-extend na naman," pagbabalita ni Ciara.
SANA AY IKAW NA NGA. Pagdating naman sa kanyang love life, nakakaintriga ang huling dedication niya sa kanyang album, kung saan nakasulat ito: "Joe, I want to thank you for all the support, the love and patience. Thank you for coming and staying in my life. My love story ends with you..."
Obviously, she is referring to her non-showbiz boyfriend, Jojo Oconer. PEP asked Ciara kung sigurado na nga siyang ang present boyfriend ngayon ang makakatuluyan.
"Well, kaya may quote and unquote, di ba? Siyempre, if you'll ask me, sana...sana siya na nga talaga."
Marami rin daw siyang nakikilala sa Las Vegas, pero faithful daw siya sa boyfriend niya.
"Of course, I have a boyfriend here and I don't wanna be unfaithful. And it's not like I'm putting so much effort in being faithful, we're just really faithful and I trust him very well and he trusts me. Wala kaming nagiging problema. Mahirap lang na magkalayo kami, pero wala kaming nagiging problema. It's just that, nami-miss namin ang isa't isa."
Ciara's boyfriend visits her naman daw in Las Vegas. Naka-tatlong bisita na nga raw ito since she left.
HER NIECE, KC. Magkaiba naman daw sila ng pamangking si KC Concepcion na namuhay rin sa ibang bansa ng mahabang panahon. Matatandaang nag-aral si KC sa Paris, France. Magpinsang-buo si Ciara at ang ina ni KC na si Sharon Cuneta; ang ina ni Ciara na si Helen Gamboa ay nakababatang kapatid ng ina ni Sharon na si Elaine Cuneta.
"KC is studying but, yeah, she's also independent," sabi ni Ciara. "Me, I have to send myself to work. I guess we kinda went the same thing because we did everything on our own also. Pero yun nga lang, ang pagkakaiba, may ginagawa siya every day na nag-aaral siya. Ako naman, nagwo-work ako every day."
Tinanong din si Ciara tungkol sa pagtatambal sana ng pamangkin niyang si KC at ng ex-boyfriend ni Ciara na si John Lloyd Cruz. May balita na kaya hindi raw natuloy ang tambalan nina KC at John Lloyd ay dahil hindi pabor dito si Ciara.
Pero itinanggi ito ni Ciara. Aniya, "KC told me about it. She told me na ‘ayun nga, meron daw offer, but she doesn't want to do it. I never imposed anything kasi noong isang araw lang naman kami nagkita. So, it's not my fault if she doesn't wanna do it.
"Kami ni Kace," patuloy niya, "hindi kami nakikialam sa mga desisyon namin with regards to our career. Love life, nakikialam ako at nakikialam din siya. Friends kami nun, e.
"Kahit pamangkin ko siya, napakatalino ng batang yun. Masarap kausap. She tells me her problems, I tell her my problems. But as per career, we don't decide for each other. We can suggest but we don't really talk about work when we're together," pagbibigay linaw niya.
