PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Ang Lihim ni Antonio" star Kenjie Garcia considers nudity part of being an actor

Kenjie is part of the cast of indie film "Kambyo."
by Archie de Calma
Published Jul 12, 2008
"Hindi ako takot na ma-identify sa gay films, kasi wala akong nakikitang masama. Trabaho lang ito. At saka ang paghuhubad, iniisip ko lang, isa lang siya sa mga requirement ng pag-aartista ko," reasons newcomer Kenjie Garcia.

Since a lot of people still prefer formulaic mainstream films, kakaunti pa lang ang nakakakilala sa baguhang aktor na si Kenjie Garcia. Si Kenjie ang star ng sensational indie hit na Ang Lihim ni Antonio, kung saan gumanap siya bilang teenager na nagkaroon ng sexual affair with his uncle.

Pagkatapos ng Ang Lihim ni Antonio ay mapapanood naman si Kenjie sa Kambyo, na idinirek ni Jay Altarejos para sa Viva Digital.

Ayon kay Kenjie, "Sa Antonio, tragic ang ending. Dito sa Kambyo, medyo light naman. Most of the time, masaya. May conflicts, pero very light talaga kung ikukumpara sa nauna kong movie.

"Barkada movie ito, na hindi naman nag-require sa akin na maghubad talaga. May pagka-wholesome ang ginawa ko rito kung ikukumpara sa first movie ko. Yung character ko rito sa bagong movie, may pagka-masculine. Doon sa nauna kasi, bading talaga, na itinatago lang dahil bata pa. May twist lang sa Kambyo na malalaman sa huli na mayroon pala akong gusto talaga sa isa naming kabarkada [played by Harold Macasero]," nangingiting kuwento ng newcomer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanibago raw talaga si Kenjie dito sa bagong pelikula because this is an entirely different character for him.

"Bawat project na dumating sa akin, thankful ako. Natutuwa ako dahil maraming critics ang nagkakagusto sa ginawa ko sa Antonio. Wala akong pakialam, kahit anuman 'yan, kahit paghubarin ako riyan, kahit ano ang ipagawa sa akin kung kakayanin ko naman, why not? Blessing pa rin 'yan, at hindi lahat ng baguhan nabibigyan ng ganitong break, na napapansin pa ang acting ko kahit paano," pahayag ni Kenjie.

Kahit nga raw hindi siya ang bida sa isang pelikula, okey lang. Ordinaryong estudyante lang si Kenjie noon, pero ngayon ay marami-rami na rin ang nakakakilala sa kanya.

"Nakakataba ng puso, nakikilala na ako ng mga tao," nakangiting sabi niya. "Napansin ko lang, yung acting skills ko, medyo tumindi na siya kesa doon sa unang movie ko. Nararamdaman ko lang, nahasa na rin ako. Bawat project na gawin ko, gusto ko, may natututunan ako. Kaya okey lang siguro kahit hindi masyadong makitang naghubad ako sa pelikula."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gusto lang ni Kenjie na sa susunod pa niyang mga pelikula, mabigyan siya ng meatier roles na mapapatunayan pa niya ang improvement niya.

"Gusto ko yung maibigay ko lang ang lahat ng pupuwede kong maibigay. Hindi ako takot na ma-identify sa gay films, kasi wala akong nakikitang masama. Trabaho lang ito. At saka ang paghuhubad, iniisip ko lang, isa lang siya sa mga requirement ng pag-aartista ko," saad niya.
Read Next
Read More Stories About
Ang Lihim ni Antonio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako takot na ma-identify sa gay films, kasi wala akong nakikitang masama. Trabaho lang ito. At saka ang paghuhubad, iniisip ko lang, isa lang siya sa mga requirement ng pag-aartista ko," reasons newcomer Kenjie Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results