PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ciara Ann Sotto ignores men in U.S. because of her boyfriend

Ciara refuses to talk about ex-boyfriend John Lloyd Cruz.
by Ruel J. Mendoza
Published Jul 12, 2008
"Wala akong balak na makipag-date pa sa iba. Kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. ‘Tsaka the guy has been so faithful to me for so many years now. Kaya gano'n din ako. Kaya dedma ako sa mga lalake kahit na sobrang guwapo pa sila!" says Ciara Anna Sotto.

Latina ang beauty na ipinu-project ni Ciara Anna Sotto sa kanyang album na If You Love Me, na produced ng Sony BMG. Sa album launch nga ay tumambad sa press ang mga kuha ni Ciara na mala-Jennifer Lopez at Jessica Alba ang dating.

Ayon kay Ciara, wala naman daw silang naging konsepto ng kanyang photographer na isang Brazilian. Basta raw gusto nito na ilabas ang personality niya at yun daw ang na-capture ng bawat kuha sa kanya.

"Actually, napagkakamalan talaga akong Latina sa States," kuwento ni Ciara sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Minsan kinakausap ako in Spanish. Sinasagot ko na ‘No habla Español' [I don't speak Spanish]. Ilang beses na nangyari ‘yon at siguro nga, they think na I'm Latina.

"But I always say naman na I'm a Filipino at nagugulat sila. I'm proud of being who I am and where I came from. Kung may mangyaring maganda man sa akin sa U.S., I will always claim na Pinoy ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din ng PEP si Ciara kung may mga nagtangkang manligaw sa kanya sa Las Vegas, kung saan siya based for the last one and a half years, dahil exotic ang kanyang beauty at malaki ang isineksi ng katawan niya kumpara noon.

"Naku, hindi uso ang ligawan sa Amerika, di ba? May mga nakikilala naman akong guys, but I am with my friends doon. Nakikipagkilala sila talaga, pero wala namang naging serious na manghingi ng date. Siguro nga nararamdaman nila na hindi naman ako interesado.

"'Tsaka everyone knows na I'm in a relationship [Jerry Oconer]. Wala akong balak na makipag-date pa sa iba. Kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. ‘Tsaka the guy has been so faithful to me for so many years now. Kaya gano'n din ako. Kaya dedma ako sa mga lalake kahit na sobrang guwapo pa sila!" natatawa niyang sabi.

Hindi rin maiwasan na matanong si Ciara tungkol pa rin kay John Lloyd Cruz na ex-boyfriend niya. Sabi ni Ciara, tama na raw ang tungkol kay John Lloyd dahil lumang issue na ‘yon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gustuhin ko man na huwag nang sagutin, baka may masabi na naman sila. Pero ang masasabi ko lang talaga is, that's an old issue. Tapos na ‘yan years ago pa. He's in a relationship now at gano'n din ako.

"I can't say na in goods terms kami ni John Lloyd because matagal ko na siyang hindi nakikita or nakakausap. ‘Tapos may movie pala siya ngayon, so baka sabihin na nakiki-ride on ako. So tama na ang tungkol sa kanya."

May nagtanong din kay Ciara kung kilala nito ang girlfriend ngayon ni John Lloyd na si Liz Uy. Sagot ni Ciara ay kilala raw niya ang dalaga dahil best friend daw ito ng kanyang pinsan.
Read Next
Read More Stories About
Ciara Sotto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong balak na makipag-date pa sa iba. Kuntento na ako sa kung ano meron ako ngayon. ‘Tsaka the guy has been so faithful to me for so many years now. Kaya gano'n din ako. Kaya dedma ako sa mga lalake kahit na sobrang guwapo pa sila!" says Ciara Anna Sotto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results