PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla to recharge first before doing his next projects

Robin is scheduled to do the movie "Sundo" and his next TV series, "Totoy Bato."
by Nora Calderon
Published Jul 13, 2008
"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguio para makapag-bonding naman kami... Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almost six months na walang tigil na pagtatrabaho," says action superstar Robin Padilla.

Malungkot man na natapos ang pagsasama-sama ng cast ng action-drama telefantasya na Joaquin Bordado, na nag-final telecast last July 11, masaya naman ang live telecast nito mula sa Studio 3 ng GMA Network. Dinaluhan ito ng buong cast sa pangunguna ni Robin Padilla, ang author ng comics character na ito na si Direk Carlo J. Caparas, GMA Network's top executives, mga advertisers, at ang 100 Fanatxt fans ni Robin.

Masayang-masaya ang mga fans ni Robin na bukod sa nakita nila nang personal ang kanilang idolo at napanood ang proceedings sa loob ng studio, nag-uwi pa sila ng gift packs mula sa show.

Poging-pogi si Robin na wala nang hair extension. Siya rin ang nag-introduce ng pagsisimula ng screening ng final episode na hinangaan dahil bigay-todo ang fight scenes na akala mo ay nanood ka ng Korean epics na Jumong at The Legend. Ilan dito ang pagkamatay ni Erenea, played by Robin's daughter Kylie Padilla, at ng mga nabuhay na tattoo sa katawan ni Joaquin at tumulong sa pakikipaglaban niya sa kasamaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil telefantasya ang Joaquin Bordado, happy ending pa rin dahil muling nabuhay sina Joaquin (Robin), Sofia (Iza Calzado), at Jimboy (Renz Valerio) dahil na rin sa kapangyarihan ni Jilco (Pen Medina). Ginawang medyo comedy nina Robin, Direk Mac Alejandre, at Direk Argel Joseph ang final scene. Matapos kasing mabuhay si Jimboy, nag-alis ito ng suot na costume at bilang bagong bordado, may naka-tattoo na rin sa kanyang katawan—ang mga mukha nina Ariel at Maverick, na kasama rin sa Joaquin Bordado.

SULIT NA SULIT. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin pagkatapos ng telecast, na umabot ng one hour and twenty minutes na sulit na sulit naman sa mga manonood.

Nag-appear sa final scene ng Joaquin Bordado ang bunsong anak ni Robin na si Ali. Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista nito?

"Hindi po!" mabilis na sagot ni Robin. "Hindi ko po siya papayagang mag-artista, mag-aaral muna siya. Isinama ko lang siya dahil gusto raw niya, saka nandoon ‘yong ibang bata na kasama sa show."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong natapos na ang pinaghirapan nilang Joaquin Bordado, ano ang susunod na gagawin ni Robin?

"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguio para makapag-bonding naman kami. Matagal-tagal din naming hindi nakasama nina Queenie at Kylie ang mommy nila, si Liezl, at mga kapatid na sina Zhen-Zhen at Ali. Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almost six months na walang tigil na pagtatrabaho," lahad niya.

ROBIN'S NEXT PROJECTS. Ibinalita rin ni Robin na sa August ay sisimulan na niya ang shooting ng second movie niya sa GMA Films, ang suspense-thriller na Sundo na kukunan sa Baguio. Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos mula sa direksiyon ni Topel, na siya ring nagdirek ng Ouija.

In-announce din ni Direk Carlo bago natapos ang live telecast nila na abangan si Robin sa susunod nitong project sa TV, ang Totoy Bato na si Carlo rin ang lumikha. Kailan naman ito sisimulan ni Robin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan ko po munang tapusin ang shooting ko ng Sundo," sabi ni Robin. "Pagkatapos, ako naman ang uuwi sa Australia. Kailangan ko po kasing mag-training para lumaki ang katawan ko. Boxer po kasi ang role ni Totoy Bato kaya ganoon ang pangalan niya.

"Dati po itong ginawa ng idolo kong si Fernando Poe Jr., at sana ay makaagapay man lamang ako sa pagganap niya sa role. Babalik po ako rito after four months saka kami magsisimulang mag-taping. Kaya baka early 2009 na ito mapanood sa GMA-7."

Sa executive producer ng Joaquin Bordado na rin namin nalaman na sila pa rin ang production staff na hahawak sa Totoy Bato, tulad ng kagustuhan ni Robin. Sina Direk Mac at Direk Argel pa rin ang magdidirek nito.

Hindi pa raw nila alam kung sinu-sino ang makakasama ni Robin. Naghahanap pa raw sila ng makakatambal ni Robin na dapat daw ay isang singer.

Meanwhile, habang nagsu-shooting si Robin ng Sundo at nagti-training sa Australia, magsisimula na ring mag-shooting si Direk Mac ng One True Love (dating Amnesia) para sa GMA Films, na pagsasamahan for the first time nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago tuluyang umalis si Robin, may lumapit sa kanyang GMA-7 crew na tinanong siya kung willing daw siyang mag-endorse ng mga native crops natin tulad ng kamote, saging saba, na puwedeng pampalit sa kakulangan ng bigas, ayon sa Malacañang.

"Anytime po," nakangiti niyang sagot. "Kahit po kasi ako, kumakain na talaga ako ng kamote at saging saba at iba pang native crops natin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguio para makapag-bonding naman kami... Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almost six months na walang tigil na pagtatrabaho," says action superstar Robin Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results