PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez still wants Martin Jickain to regularly visit their daughter despite PPO

Aiko admits she is happy with her love life now.
by Rose Garcia
Published Jul 13, 2008
"Yung visitation rights naman niya with Marthena, hindi ko pinaapektuhan because ayokong mawalan siya ng time. Gusto ko nga, mas more time ang maibigay niya kay Marthena," says Aiko Melendez about estranged husband Martin Jickain after the court granted her request for Permanent Protection Order (PPO).

Ipinalabas sa Startalk kahapon, July 12, ang ilang bahagi ng panayam ni Ricky Lo sa actress-politician na si Aiko Melendez para sa The Ricky Lo Exclusives kaugnay ng pagpanig ng korte tungkol sa Permanent Protection Order (PPO) na hiningi ni Aiko laban sa kanyang estranged husband na si Martin Jickain.

"Yung PPO, it's a Permanent Protection Order," paliwanag ni Aiko. "May naka-sign po ro'n na rights po na dapat sundin ni Martin with regards sa kung ilang meters lang po siya puwedeng lumapit sa akin. One thousand meters away po dapat sa akin."

Dahil dito, naitanong ni Ricky kung may fear ba si Aiko na may harm na puwedeng i-inflict ang ikalawang lalaking pinakasalan niya sa kanya?

"Before po kasi, yung nangyari sa amin, sobrang magulo which I don't want to elaborate anymore because we have both moved on. And I'd like to believe that I'm in a better position now. And I'd like to wish him well, di ba, dahil tatay pa rin naman siya ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Doon naman po sa gusto kong ipaliwanag din sa PPO, yung visitation rights naman niya with Marthena, hindi ko pinaapektuhan because ayokong mawalan siya ng time. Gusto ko nga, mas more time ang maibigay niya kay Marthena," pahayag ni Aiko.

Pagkatapos nga raw mai-grant kay Aiko ang PPO, ang susunod naman niyang pagtutuunan ng pansin ay ang annulment ng kanyang kasal kay Martin.

Sa kabila ng mga nangyari sa kanila ni Martin, may nais pa rin daw iparating na mensahe si Aiko sa kanyang dating asawa.

"Despite all the bad things na nangyari sa amin, that we ended up this way, salamat pa rin sa kanya. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng isang munting anghel na si Marthena."

AIKO IS IN LOVE AGAIN. Aminado rin si Aiko na masaya siya ngayon sa bagong love life, sa katauhan ng Vice Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

"I'm content with everything. Not just with... Okay, let's put it this way... Tinitingnan n'yo na naman ako sa mata and it's so hard to lie with Mr. Ricky Lo who happens to be my ninong also, so I guess masaya ako," aniya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hirit naman ni Ricky, wala ka bang message kay "P"?

"Baka sabihin nila kung sino si P, sige na nga, ikaw na nga ang magbanggit ninong!" tawa ni Aiko.

"Si Patrick...friend ni Aiko," sabi naman ni Ricky.

"Salamat sa kanya. Kasi mula sa umpisa ng problema ko hanggang sa matapos, hanggang sa ngayon, nandiyan pa rin siya," pagtatapos ni Aiko.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung visitation rights naman niya with Marthena, hindi ko pinaapektuhan because ayokong mawalan siya ng time. Gusto ko nga, mas more time ang maibigay niya kay Marthena," says Aiko Melendez about estranged husband Martin Jickain after the court granted her request for Permanent Protection Order (PPO).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results