PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame looking for woman with whom he can spend the rest of his life

Willie shrugs off rumor linking him to leading lady Roxanne Guinoo.
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 13, 2008
"Naghahanap ako, naghahanap ako ng puwede ngayon. Or may iba pa. So bale ang ginagawa ko ngayon, e, nagre-research ng taong gusto kong makasama at magpapasaya sa akin kung kaming dalawa na lang," says Willie Revillame.

Nakausap ng Entertainment Live! ang Wowowee host na si Willie Revillame sa airport bago siya lumipad patungong New Jersey, U.S.A., last Wednesday, July 9. Tinanong si Willy tungkol sa mga babaeng nauugnay sa kanya ngayon.

Una ang leading lady niya sa Mr. Housewife na si Roxanne Guinoo na na-link na rin sa kanya noon. Nililigawan daw ulit ngayon ni Willie si Roxanne kaya siya ang kinuha niyang leading lady sa pelikula?

"Wala, e," sabi ni Willie. "Alam mo, lagi namang ganyan kapag meron kang ginagawang pelikula. Let it be. Kung ano'ng mangyari, e, di mangyari. Ganun naman ‘yan, e." pahayag ni Willie.

Ang maingay na isyu ngayon ang tungkol sa babaeng ka-date ni Willie sa Star Magic Ball na si Nadine Ignacio, na naging finalist sa Slimmer's Bikini Open na ginanap last May. Balita na dinalaw raw ni Willie si Nadine sa bahay nito sa Obando, Bulacan. Hindi naman ito itinanggi ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey naman. Okey naman sila. Alam mo naman ako, binata naman ako, e. Medyo naghahanap na rin akong babaeng makakasama," saad niya.

Malaki raw ang posibilidad na si Nadine na ang babaeng hinahanap ni Willie.

"Naghahanap ako, naghahanap ako ng puwede ngayon. Or may iba pa. So bale ang ginagawa ko ngayon, e, nagre-research ng taong gusto kong makasama at magpapasaya sa akin kung kaming dalawa na lang."

Pero maligaya naman daw siya sa pagiging single niya ngayon dahil marami siyang taong napapasaya gaya ng pagpunta ng Wowowee sa New Jersey para magtanghal doon.

"Masyado akong masaya kasi ang pamilya ko, hindi lang sarili kong pamilya. Halos lahat ng pamilyang Pilipino, pamilya mo na, e. Kaya sa mga kababayan natin diyan sa New Jersey, siyempre nandito po kami at saan mang sulok ng mundo, pati yung mga hindi naaabot ng Wowowee, kami po ang pupunta at kakatok sa inyong mga tahanan diyan. At sa mga lugar na may Pilipino, sabi nga, at the service of the Filipino, nandito po ang Wowowee," pagtatapos ni Willie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naghahanap ako, naghahanap ako ng puwede ngayon. Or may iba pa. So bale ang ginagawa ko ngayon, e, nagre-research ng taong gusto kong makasama at magpapasaya sa akin kung kaming dalawa na lang," says Willie Revillame.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results