PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera and Dingdong Dantes talk about past relationships

Marian not yet sure if she'll pose for FHM while Dingdong gets ready for the Bench underwear show.
by Rose Garcia
Published Jul 13, 2008
Dyesebel co-stars Marian Rivera and Dingdong Dantes are still riding high with the popularity of their team-up. Aside from numerous endorsements, the two are also the hottest property when it comes to sexy pictorials and fashion shows.

Magkasabay na na-interview ng Startalk noong Sabado, July 12, ang isa sa hottest loveteam sa kasalukuyan na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa launching ng iba't ibang merchandise ng Dyesebel na ginanap sa isang mall.

Hanggang ngayon ay nagugulat at hindi pa rin makapaniwala sina Marian at Dingdong sa mainit na pagtanggap sa kanilang dalawa ng kanilang supporters, tulad nga sa nakaraang mall show nila.

Ani Marian, "Alam n'yo, dati-rati maraming tao, pero hindi ganitong karami! Na ang dami-dami talagang tao. Nakakataba ng puso na minamahal nila kami nang ganito."

PAST RELATIONSHIPS. Sa naturang pagkakataon, sinagot din nina Marian at Dingdong ang mga isyung kinasasangkutan nila. ‘Tulad na lang sa kaso ni Marian kung saan inamin ng young actor na si Mark Herras na naging girlfriend niya ang star ng Dyesebel.

"Tama na yun, tapos na yun, e! Nagseselos si Dingdong, tama na!" natatawang biro ni Marian sa kanyang katabi na si Dingdong that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte naman ni Dingdong, muli na namang naungkat ang dati niyang girlfriend na si Antoinette Taus, na bagamat nasa Amerika ay nagpahayag na isa raw siya sa sumusubaybay sa tambalan nina Dingdong at Marian via GMA Pinoy TV sa U.S.

"Natutuwa naman ako na in touch pa rin siya sa kanyang Filipino roots, much more na hindi pa niya ako nakakalimutan. Ako naman kasi, wala naman akong way to monitor what's happening to her. Pero sa nalalaman ko naman, things are doing well sa kanya. Maganda ang mga nangyayari at ito talaga ang hinihintay niya," saad ni Dingdong.

Hindi naman itinanggi ni Dingdong na bukas pa rin ang communication line niya with Antoinette na ngayon ay Las Vegas based na.

"The usual na birthday, Pasko, nagbabatian pa rin naman kami," pag-amin niya.

Bilang isang aktor, wala rin daw problema kay Dingdong kung may proyekto man na kailangan pa rin silang pagsamahin. May balita kasing uuwi na naman daw ng bansa si Antoinette upang dumalo sa kasal ng kaibigang si Cheska Garcia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung yun talaga ang gusto ng tao, sino naman ako para tumanggi? Wala naman kaming problemang dalawa, e. Pero siguro baka mas una ko siyang makikita kasi pupunta ako roon."

Halatang nagulat naman si Dingdong sa sumunod na tanong ng Startalk sa kanya tungkol sa diumano'y pagkaka-link niya sa dating T.G.I.S. graduate na si Angelu de Leon.

"Nagkita kami sa isang event sa Rockwell, launching ng isang relo. Pero bukod doon, hindi kami magkasama. Hindi ko alam kung saan galing yun. Hindi po totoo yun," tanggi niya.

ENDORSEMENT ROYALTIES. Bukod sa kanilang individual endorsements, magkasama na rin sina Dingdong at Marian sa TV commercial ng San Mig Light. Balita rin daw na inaawitan ngayon si Marian ng isang sangay ng gobyerno para gawing kinatawan sa isang kampanya on alternative foods.

Sabi naman ni Marian, "Kung makakatulong ba ako sa kapwa ko at makabubuti ‘yan sa sambayanang Pilipino, bakit hindi? Tutulong at tutulong po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READY TO BARE. Kung may isang bagay rin daw na inaabangan sa dalawa, ito ay ang pagpo-pose ni Marian para sa cover ng FHM at si Dingdong naman ay sa kanyang nalalapit na pagrampa sa July 25 sa Bench BlackOut Underwear & Denim Fashion Show.

"Wala pa naman, siyempre yung normal exercise routine ko pa lang, yun pa lang. Kasi hindi ko pa naman alam ang gagawin ko," sabi ni Dingdong.

Balitang naospital pa raw siya dahil sa pagda-diet.

"Hindi naman, medyo nagkaroon lang ng konting problema dahil nagkaroon ng konting kakulangan sa nutrients. Pero okey na naman. Okey na ngayon," paniniguro ng young actor.

Nagbigay naman ng pahayag si Marian sa mga nang-iintriga ngayon pa lang kung gaano kaseksi ang gagawin niyang pictorial sa FHM.

"Basta, surprise po yan! Palagi ko ngang sinasabi, malaki ang pasasalamat ko sa mga taong bumoto sa akin at para sa kanilang lahat po yun. Pero hindi ko pa alam kung paano ko gagawin. Kasi ang gusto ko, yung ako lang at yung pagiging masayahin ko. Siguro yun lang ang maipapakita ko. Kasi yun lang naman talaga ako," saad ng Philippine's Finest ng FHM ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dyesebel co-stars Marian Rivera and Dingdong Dantes are still riding high with the popularity of their team-up. Aside from numerous endorsements, the two are also the hottest property when it comes to sexy pictorials and fashion shows.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results