PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla excited to work with Manny Pacquiao in "Totoy Bato"

Robin wants to take a rest before returning to work.
by Rose Garcia
Published Jul 14, 2008
"Isang malaking karangalan para sa amin na makasama si Manny. Siyempre, bilang isang Kapuso, kami ay nananabik na makasama ang Pambansang Kamao," says Robin Padilla about working with boxing champ Manny Pacquiao in Totoy Bato.

Live na nagsama-sama ang halos lahat ng cast at naging bahagi ng Joaquin Bordado sa Studio 3 ng GMA-7 last Friday night, July 11, kung saan nag-farewell episode na ang naturang palabas na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Sa panayam ng Startalk kay Robin, sinabi nito na marami siyang natutunan at mami-miss sa mga nakatrabaho sa kanilang series sa loob halos ng anim na buwan.

"Palitan lang naman ‘yan. May natutunan sila sa akin, may natutunan ako sa kanila.

"Actually, galit sa akin lahat 'yan!" natatatawang biro niya. "E, paano, pinatulog ko sila sa isla ng dalawang araw na wala kaming kuryente, wala kaming higaan, wala kaming tulugan. Pero nakita naman nila, e, so siguro,okey lang sa kanila."

"TOTOY BATO." After Joaquin Bordado, magpapahinga muna raw pansamantala si Robin sa paggawa ng soap opera. Ang nakaplano niyang susunod na gawin ay ang remake ng Totoy Bato, kung saan makakasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, matagal na kaming hindi nagkikita [ni Manny]. Noong nag-uumpisa pa lang sa boxing si Manny, magkaibigan na kami. Pero hindi kami love team, ha!" biro niya.

"Yung Totoy Bato, [tungkol sa boxing yun, e. So, isang malaking karangalan para sa amin na makasama si Manny. Siyempre, bilang isang Kapuso, kami ay nananabik na makasama ang Pambansang Kamao."

Bukod kay Manny, inaasahan din daw ni Robin na makakasama niya sa Totoy Bato ang aktres na si Sunshine Dizon.

NOT YET READY. Samantala, tinututulan pa raw ni Robin na gumawa ng isang malaking pelikula ang anak niya na si Kylie Padilla. May plano raw kasi si Mr. Vic del Rosario ng Viva Films para kay Kylie na isang launching movie.

Katuwiran ni Robin, "Masyado kasing malaki kaagad yung sa Viva. Medyo nalalakihan pa kami. Dahan-dahan lang. Gusto ko munang manamnam ni Kylie yung sa TV bago siya magpelikula. E, kasi ang gusto ng mahal kong tatay na si Boss Vic, pelikula kaagad!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BONDING TIME WITH LIEZEL. Pero bago raw simulan ni Robin ang TV show niya with Pacquiao, gusto muna ni Robin na magbakasyon kasama ang kanyang pamilya, especially now that his wife Liezel is in town.

Tinanong din ng Startalk si Robin kung nakapag-celebrate ba sila ni Liezel ng kanilang anniversary.

"Okey naman, kasi wala ako! Nasa Calatagan ako," referring to their anniversary. "Ako naman, wala naman akong pinapangarap kundi ang makasama ang pamilya ko."

Sa huli, tiklop tuhod daw ang pasasalamat niya sa lahat ng mga nanood at sumubaybay ng Joaquin Bordado.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isang malaking karangalan para sa amin na makasama si Manny. Siyempre, bilang isang Kapuso, kami ay nananabik na makasama ang Pambansang Kamao," says Robin Padilla about working with boxing champ Manny Pacquiao in Totoy Bato.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results