Dahil sa tagumpay ng kumbinasyon nina Randy Santiago with other major artists nung dekada '80 na sina Louie Herredia, Raymond Lauchengco, at Gino Padilla, magbabalik ang Greatest Hits of the ‘80s sa Aliw Theater on August 8.
"Hindi kasi, alam din ng Viva na magiging maganda ang turnout ng show kaya nung ginagawa pa lang yung kumbinasyon, nung pinag-uusapan pa lang, 'eto yung ito-tour sa Amerika. Ang focus kasi Amerika, yun ang ginawa So from there, gawa muna tayo ng [Music] Museum. Pagkatapos noon, e, gustung-gusto nila kaya gumawa na para sa Aliw [Theater]," saad ni Randy sa presscon ng Greatest Hits of the ‘80s.
Nabuo raw ang Greatest Hits of the ‘80s nang ginawa ni Randy ang konsiyertong Rewind sa Araneta Coliseum noong 2004. Dito ay pinagsama-sama ni Randy ang lahat ng major artists nung ‘80s tulad nina Jet Pangan ng The Dawn at Juan Miguel Salvador ng Rage band.
"So, from Greatest Hits ‘70s nina Rico J [Puno] at Hajji [Alejandro], nabuo ang Greatest Hits ‘80s. ‘Tapos si Vincent [del Rosario of Viva Entertainment] ang pumili. Since Viva artists dins ina Louie at Raymond kaya ganun. It will be easier for them to talk except kay Gino [Padilla].
"E, pero siyempre si Gino may hit, e. At least, lahat meron kaming mga plaka.
Yung iba kasi nasa banda. Although we wanted sana sina Juan Miguel to be our musical
director, mga ganun. Kaya lang, medyo mabigat din ang budget siyempre para
pagsama-samahin lahat."
GOING UP AGAINST THE MEGASTAR. Makakatapat naman ng show nina Randy ang 30th anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum.
"Oo nga, e. Dapat nga manonood din ako nun. Dapat nga kasama rin ako doon. Si Rowell [Santiago, Randy's brother] ang direktor noon. Guest nga kami dapat ako doon. E, hindi na makaiwas ang Viva."
Hindi kaya magtampo ulit si Sharon sa dati niyang mother studio na Viva Films dahil sa magkatapat ang kanilang mga concert?
"Hindi, although ang maganda doon, iba ang crowd. So probably naman, ang Sharon na manonood, mas malaking crowd. Kumbaga, yung sa amin, yung classmates na lang namin!" tawa ni Randy.
Alam din daw ni Rowell na magkasabay ang concert nina Randy at ng Megastar dahil ang nakababata nilang kapatid na si Jun Jun Santiago (ex-husband of Sherilyn Reyes) ang director naman ng Greatest Hits of the ‘80s. Hindi ba hiniling ni Rowell na umatras sila ng date?
"Ay, wala," sagot ni Randy. "In fact, ako nga, dapat lipad ko
yun papuntang Amerika. Lilipad sana
ako the next day dahil August 9 ang show ko doon. Nakiusap sila if I
can postpone it to another day. So instead of flying August 8, lilipad ako the
next day ng show itself. So, lipad ako ng Northwest para alas-diyes ng umaga,
nandun na ako. E, fiesta yun, umoo na ako. Hindi na rin kailangang may umurong
kasi iba yung crowd. ‘Tsaka maliit lang naman itong Aliw compared to Araneta."
Aktibong-aktibo na naman si Randy sa concert scene kaya hindi nakakapagtaka kung may ma-link na naman sa kanya.
"Kita mo ang hitsura namin sa poster, ang tatanda na! May mga bata bang
magkakagusto sa amin?" natatawang sabi ni Randy.
Bakit hindi, biro namin. Halos kaedad lang naman niya ang kaibigan na si Willie Revillame, na nababalita ngayon with a 19-year-old B.S. Toursim student sa CEU na si Nadine Ignacio.
"Pareho kaming 47, magpu-48 na kami. Ako sa November, siya sa January," pagbibigay-impormasyon ni Randy.
IT'S WILLIE'S TIME. Hindi ba siya naiinggit sa status ngayon ni Willie dahil sikat na sikat ngayon ang noontime show nito na Wowowee? Noon kasi ay kabilang lang si Willie sa "Hawi Boys" ni Randy noong kasagsagan ng kanyang career. Wala na ba siyang plano na mag-host ulit ng isang noontime show tulad nung araw sa Lunch Date ng GMA-7 at MTB ng ABS-CBN?
"Hindi, okey lang yun," sabi ni Willie. "It will come. E, nangyari na naman, di ba? Hindi na natin maaano. Kanya-kanya naman ‘yan. Ibig kong sabihin, kung darating, darating. Kagaya, di ba, nung dumating naman kay Willie ‘yan, hindi natin inasahan. Nung dumating kay Edu [Manzano] ulit yung ganung pagkakataon, hindi niya inasahan.
"Pero hindi naman yung piniprisinta ko yung sarili ko. Hindi naman kami ganun. So, ‘pag dumating yung opportunity, then it starts from there, e. Like for example, yung Wowowee naman, hindi naman ganun kaagad yun. So, trinabaho talaga yun unti-unti.
"And I'm very happy doing the TFC shows kasi ako yung umiikot, e. So, pati yung pinapadala galing New York, San Francisco, ‘tapos nagpunta kami ng Copenhagen, ng Stockholm, Sweden, saka Finland sa Helsinki. ‘Tapos next week, I'm flying to Austria, Vienna ‘tapos going to Rome. Lahat yun may TFC. Mas busy ako doon."
Dadalhin din daw nila sa U.S. ang Greatest Hits of the ‘80s on August 31. Una nilang show sa Reno, Nevada; September 6 sa Seattle, Washington; September 13 sa Las Vegas; September 19 sa Houston; September 20 sa San Diego.
"'Tapos yung iba, may humahabol pa na dalawang cities, e. Pero ang title doon, Men of the ‘80s," sabi ni Randy.
DELAYED SITCOM IN ABS-CBN. Ano na ang nangyari sa comedy show na idinidirek niya for ABS-CBN, ang Pare Koy, na tinatampukan nina John Prats, Zanjoe Marudo, at Jayson Gainza?
"E, mag-aalisan yung mga artista. Hindi magkita-kita ng schedule. Hopefully, ano ba? Sana ilabas within the month or next month."
May balita na shelved na raw ang proyektong ito. Totoo ba ito?
"Ay, hindi naman!" sagot ni Randy. "Hindi puwede kasi nakaka-four weeks na kami. Ang problema run, di ba, umalis ako? Iba ang nagdirek. So, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila."
Paano ‘yan at aalis na naman siya?
"Oo nga. E, kasi di ko naman mahintay. Di ba, hindi naman puwedeng maghihintay lang ako? So, ang tagal na yun, di ba? Kasi kapag maghihintay din ako, walang artista, walang makunan, e, di nakaganun lang ako? E, paano ‘pag ako na ang lalabas?"
May balita rin na hindi raw kasi natuwa ang management sa mga nakunan na nila na episode. Ano ang reaksiyon niya rito?
"Ay, hindi ko alam! Kasi iba na, e. Yung dalawang araw na tinape, wala na ako doon. Dalawang taping days lang ako. Dalawang araw rin na umalis na ako. Direktor naman ako, e, hindi artista kaya. Hindi ganun kalaki ang talent fee ko. Ginagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sa craft ng pagiging direktor."
Hindi ba siya kinausap na huwag nang ituloy ang show?
"Hindi puwede," tutol ni Randy. "Kung gagawin nila yun, dapat... Kumbaga, magagamot naman. Wala namang problema. It's a matter of kung sino, ano ba talaga yung tatahaking kuwento. Maraming artista ang involved sa show. Pero as much as possible, isang direktor na lang ang gumagawa."
