PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo dismisses review that he upstaged Gabby Concepcion in "Iisa Pa Lamang"

But Diether acknowledges the good reviews on his acting.
by Archie de Calma
Published Jul 15, 2008
"Walang sapawan. Walang tama at mali sa ginagawa namin, 'cause we are being instructed by the director, based from the script na nababasa namin. Nakaka-flatter, pero ang iniisip ko lang diyan, ginagawa ko lang kung ano ang inaasahan sa akin," says Diether Ocampo when told about the reviews on his and Gabby Concepcion's (inset) acting.

Nagkakawanggawa si Diether Ocampo. Kahit marami pa rin ang nagdududa sa kanyang motibo. Kesyo may political ambitions lang daw kaya siya sumusuporta sa KIDS (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. Direkta namang itinanggi ni Diet ang akusasyong ito nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Tatlong taon ko nang ginagawa ito, na sa tuwing birthday ko [July 19], I spend it with the kids of the foundation. Yung ibang mga kaibigang artista, hinihikayat ko na maki-join na rin sa akin, at natutuwa ako, marami ang nagre-respond.

"Ang wish ko lang, marami pang batang matulungan. Noong nakaraang eleksyon nga, may mga nag-encourage sa akin to run for vice-mayor, or councilor, sa Bacoor, Cavite, which is my hometown. Pero, tinanggihan ko lahat.

"Interesado ako sa pagtulong at hindi para pumasok sa pulitika. Magagawa ko namang tumulong na hindi na kailangang gamitin pa ang politics," katuwiran ni Diet.

BETTER THAN GABBY? Nagpapaka-busy na lang ang aktor sa bagong assignment niya sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na gumagawa ng ingay ang first few episodes. Lumalabas daw na naapi si Gabby Concepcion dahil hindi ito nakasabay sa tindi ng angst ng character na ginagampanan ni Diet sa nabanggit na teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakataba ng puso yung mga papuri raw sa improvement ko as an actor. Pero, hindi ko naman iniisip na natatalbugan ko na yung mga kaeksena ko. Wala namang ganyan, lalo na yung role ni Gabby, na yun lang din kasi ang hinihingi ng sitwasyon, at ginagawa lang namin ang kinakailangan.

"Walang sapawan. Walang tama at mali sa ginagawa namin, 'cause we are being instructed by the director, based from the script na nababasa namin. Nakaka-flatter, pero ang iniisip ko lang diyan, ginagawa ko lang kung ano ang inaasahan sa akin.

"Kung ano yung opinyon na mas favorable sa akin, nakakataba ng puso, pero nanliliit ako kapag mayroong naikukumpara sa akin. Sana, hindi ganoon, 'cause pareho lang kami ni Gabby na ginagawa ang makagaganda para sa teleserye," katuwiran pa ni Diet.

Ipinaliwanag pa ni Diet na ang role ni Gabby ay yung mas nakatatandang may wisdom na, mas nakauunawa.

"Nagkataon lang na ang character ko, yung mas bata, may angst. Mas may matinding conflict. Pero as time goes by, 'pag na-develop pa ang characters namin, lalabas din naman yung conflicts sa character ni Gabby, kaya hindi totoong mas pinapaboran ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi maganda ang ganoong impression, pero salamat din naman sa mga pumupuri. Litaw na litaw sa first few episodes ng teleserye ang emosyon ko, kaya ganoon ang lumalabas na reactions," sabi pa ng aktor.

TINTIN AND ECHO. Ano naman ang masasabi niya sa sinasabing pagbabalik-tambalan ng dati niyang kasintahan na si Kristine Hermosa at co-Hunks member niya dati na si Jericho Rosales?

"Natutuwa ako kasi, masugid na tagasubaybay rin ako ng team-up nina Echo at Tintin," sabi pa ni Diet. "Totoo 'yan. Siguro nga, mas tanggap ng publiko ang team-up nina Tintin at Echo kaysa yung sa amin, but I don't really mind.

"Hindi ako nagtataka na may clamor para sa kanila. At yung personal sa amin ni Tintin, habang nabubuhay naman ako, hindi ko masasabing closed chapter na yun. Hindi na nga siguro kami at may kanya-kanya rin kaming buhay, pero hindi masisira yung ugnayan namin bilang magkaibigan.

"May pambihira rin kaming pinagsamahan, di ba? Kaya hindi maiaalis na tanungin pa rin kami about each other. Professionally, maganda rin na natanggap agad ng publiko na mas maganda yung naipapareha na kami sa iba't ibang artista," pagwawakas ni Diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang sapawan. Walang tama at mali sa ginagawa namin, 'cause we are being instructed by the director, based from the script na nababasa namin. Nakaka-flatter, pero ang iniisip ko lang diyan, ginagawa ko lang kung ano ang inaasahan sa akin," says Diether Ocampo when told about the reviews on his and Gabby Concepcion's (inset) acting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results