PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mylene Dizon gets rave reviews for her performance in "100"

Mylene does a nude scene with co-stars Tessie Tomas and Eugene Domingo.
by Rose Garcia
Published Jul 16, 2008
"You know what, I have seen the others also. I think there are deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakit hindi ko naman tatanggapin, di ba?" says Mylene Dizon when asked about the possibility of winning the Best-Actress award in Cinemalaya this year.

Pinalakpakan nang husto ng mga tao ang independent digital film na 100 pagkatapos ang screening nito kagabi, July 15, sa Cinemalaya Festival sa Cultural Center of the Philippines. Pinagbibidahan ito ni Mylene Dizon, kasama sina Eugene Domingo at Tessie Tomas.

Napanood na raw ni Mylene dati ang kabuuan ng movie, pero kagabi lang daw niya narinig at nakita mismo ang response ng mga tao sa ginawa nilang pelikula.

"Napanood ko na siya noong mag-screening kami sa Unitel. Pero ano lang yun, maliit lang ang screen, hindi pa ganito kalaki. It feels really good na malamang maganda yung response ng mga tao. Actually, noong una siyang ipinalabas sa Cinemalaya, wala ako rito. Pero ang dami kong text na nakuha na puno raw at grabe raw ang response!

"And then, one day when I went to Cinemalaya to watch other movies, people were approaching me and telling me how great the movie was. Siyempre naman ako, alam ko kasi ang kuwento and it's really different, I guess," very proud na kuwento ni Mylene sa PEP (Philippine Entertainment Portal) after the screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang unang i-offer nga raw sa kanya ang movie, nagustuhan na niya ito agad.

"Oh yes, yes! Kasi highly recommended din ni Eugene Domingo. Sabi niya, ‘Maganda ‘to, mare!' ‘Tapos si Marlon Rivera, binigyan niya rin ako ng, ‘Try mo, ikaw ang bida rito.'"

Ang kuwento ng 100 ay tungkol sa isang single lady na may cancer at tinaningan ng kanyang doktor ng 100 days to live . Matatawa at maiiyak ka sa approach ng movie.

Tinanong ng PEP si Mylene kung mangyari kaya sa kanya ang ganoong sitwasyon, will she also do the same thing na mga ginawa niya bago siya mamatay sa 100?

"Hindi lahat ng bagay run," sagot niya. "Pero nagkaroon din ako ng sariling listahan while we were shooting. Napaisip ako, ano ba talaga ang mga bagay na dapat at gusto kong gawin bago ako mamatay?"

NUDE SCENE. Kung may hahangaan man ang mga manonood sa mga indie films ay ang pagiging matapang ng mga artistang nagsisiganap dito. ‘Tulad na lamang nina Mylene, Eugene, at Tessie na may eksenang naghubo't hubad sila patakbo sa dagat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ginawa ko na rin ito dati, sa Gatas. I think, mas brave pa nga ‘yon. But it's a long time and, actually, nakaka-encourage kasi pumayag si Tessie Tomas. Kinailangan pa namin siyang painumin ng wine para lang magawa niya. Parang isang buong buwan niyang pinaghandaan, nakakaloka! Pinaghandaan niyang talaga!" masayang kuwento ni Mylene.

BEST-ACTRESS CONTENDER. Sa Sunday, July 20, ang awarding ceremony ng lahat ng movies na for competition sa Cinemalaya. Ngayon pa lang, matunog na nga ang pangalan ni Mylene for Best Actress. Ano ang masasabi niya rito?

"You know what, I have seen the others also. I think there are deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakit hindi ko naman tatanggapin, di ba?"

Para kay Mylene, addictive daw gumawa ng mga indie film.

"Sabi ko nga, sana next year makuha ulit ako. Sana may entry ulit ako. It's really nice to be a part of Cinemalaya. Ang sarap kasi ng community dito. You come here and then you watch the other great filmmakers. It's so refreshing and it's so encouraging!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MYLENE'S ESCORT. Nang dumating si Mylene to grace the gala night of 100, kasama niya si Paolo Paraiso, ang ama ng kanyang anak.

Natatawa itong sumagot na, "He's supporting me, he's supporting the film. And, of course, ‘yang si Paolo naman, hindi na ‘yan mawawala sa buhay ko. Sa lahat ng espesyal na bagay na mangyayari sa akin, I would want him to be there."

Hindi pa ba sila nagkakabalikan?

"Ay naku, hindi talaga! Friends kami! Yun lang yun!" diin ni Mylene.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know what, I have seen the others also. I think there are deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakit hindi ko naman tatanggapin, di ba?" says Mylene Dizon when asked about the possibility of winning the Best-Actress award in Cinemalaya this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results