PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teen star Nina Jose starstruck by FHM's Sexiest Marian Rivera

Niña says she has been wanting to see Marian in person.
by Allan Anthony Altera
Published Jul 17, 2008
"Sobrang gusto ko talaga siyang makita before in person dahil sa TV ko lang siya nakikita and now na nakita ko siya, I was really starstruck!" beams Niña Jose (right) about meeting Marian Rivera.

Labis na tuwa ang naramdaman ng Kapamilya teen star na si Niña Jose sa unang pagkikita nila ng top Kapuso young actress, ang itinanghal na FHM's Sexiest Pinay na si Marian Rivera sa dance rehearsal nila noong Linggo, July 13, para FHM's 100 Sexiest Women Victory Party. Gaganapin ang malaking event na ito ngayong gabi, July 17, sa World Trade Center sa Roxas Blvd.

Isa si Niña sa sexy cover girls ng FHM na magpapamalas ng sexy dance number sa nasabing event. Nagkataon namang nagkasabay sila ng rehearsal ni Marian dahil sa mahigpit nilang schedules.

Kuwento ni Niña sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "While I was waiting at the car for my turn to rehearse, sinabi sa akin ng mga staff ng FHM na baka magkasabay kami ng rehearsal [ni Marian] kaya bigla akong napalabas sa car at nabuhayan! Sobrang gusto ko talaga siyang makita before in person dahil sa TV ko lang siya nakikita and now na nakita ko siya, I was really starstruck!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang staff ng FHM, sa tuwing nagkakaroon ng break ang rehearsal nila ay panay ang kaway at pa-picture ni Niña kay Marian.

"Nakailang pictures ako with her kasi I know minsan ko lang siya makakasama sa isang event kaya sinusulit ko na!" natatawang sambit ng teen star.

Kahit pagod galing sa taping ng Dyesebel, nagpaunlak pa rin si Marian na makipag-picture kasama si Niña. Halata ring natuwa ang Kapuso gem sa teen star na produkto ng first season ng Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN.

Naitanong din ng PEP kay Niña kung tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy niya sa mga show, lalo pa't pumayag na siyang magpa-pictorial sa FHM.

"That I am not sure," sagot niya. "Sabi kasi sa akin, parang gusto daw nilang ibahin yung image ko na hindi na pa-teeny-bopper effect. They want more mature Niña."

Sa ngayon busy si Niña sa primetime show niya sa ABS-CBN na My Girl kasama sina Gerald Anderson at Kim Chui. Nabanggit din ng isang kasamahan ni Ninana may nakalatag na movie offer sa kanya ang Regal Entertainment, pero wala pang malinaw tungkol ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil rarampa si Niña sa FHM event mamayang gabi, ano kaya ang aabangan ng mga manonood sa kanya?

"They just have to find out. But definitely they will witness a different and sexier Niña Jose!" nakangiti niyang sagot.

Read Next
Read More Stories About
Nina Jose, Marian Rivera, FHM
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobrang gusto ko talaga siyang makita before in person dahil sa TV ko lang siya nakikita and now na nakita ko siya, I was really starstruck!" beams Niña Jose (right) about meeting Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results