PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo receives early birthday gift from Cinemalaya

Eugene admits she just received a higher talent fee after winning acting awards.
by Rose Garcia
Published Jul 21, 2008
"Kumbaga sa nagtanim, tag-ani ngayon! Dumaan sa bagyo, kung ano-ano, tag-init, ganoon lang talaga. Ang lesson lang dito, lalo na at malapit na ang birthday ko, basta magsipag ka lang, patuloy na magpakumbaba at saka kumilala sa lahat ng tumulong sa ‘yo. So, ito ay regalo...regalo ng Diyos sa kaarawan ko," says Eugene Domingo about her Best Supporting Actress trophy from Cinemalaya for her performance in 100.

Napakagandang birthday para sa character actress na si Eugene Domingo—na magse-celebrate ng kanyang birthday sa July 23—ang napanalunan niyang Best Supporting Actress trophy sa Cinemalaya Awards Night sa CCP Theater kagabi, July 20

Ngayong awards season ay dalawang Best Supporting Actress trophies na ang napanalunan ni Eugene for her role in the digital film Pisay. Ngayon naman, nakakuha siya ng isa pang award sa bilang best friend ni Mylene Dizon sa 100.

Biro ng iba kay Eugene, kinakarir yata niya ang paghakot ng awards ngayong taong ito?

"Kumbaga sa nagtanim, tag-ani ngayon!" natatawa niyang sabi. "Dumaan sa bagyo, kung ano-ano, tag-init, ganoon lang talaga. Ang lesson lang dito, lalo na at malapit na ang birthday ko, basta magsipag ka lang, patuloy na magpakumbaba at saka kumilala sa lahat ng tumulong sa ‘yo. So, ito ay regalo...regalo ng Diyos sa kaarawan ko."

Ayon kay Eugene, noong college days daw niya—kung saan nagsimula niyang maging matalik na kaibigan ang director ng 100 na si Chris Martinez—nagsimula ang pagtatanim niya. Kaya 10 to 15 years din daw ang hinintay niya bago siya nakapag-ani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero lahat naman ng ito, hindi ko naman sinabing, ‘one day...' wala namang ganoon. Talagang gusto ko lang ang mga ginagawa ko. I'm just so blessed that I am being recognized with the work that I do and that I love.

"At saka siguro, nakakatulong din yung hindi ako takot. Hindi ako takot na gumawa ng mga pelikula kahit na mag-eksperimento, tumawid-tawid. Kilala n'yo naman ako. At katulad ng Cinemalaya, ako ay artistang malaya," pahayag ni Eugene.

In fairness to Eugene, ipinakita niya talaga ang suporta niya sa independent films dahil halos araw-araw yata sa loob ng sampung araw na ipinalabas ang iba't ibang kalahok na pelikula this year sa CCP ay nandoon siya at nanonood.

Sa totoo lang din daw ay hindi siya umasang mananalo siya ng award.

"Hindi, kasi ang huhusay," ani Eugene. "Actually, may iba akong mga bet kasi halos lahat napanood ko. Hindi ako masyadong umaasa kasi baka sobra na naman kung manalo ka na naman. Parang sobra na, e. So, sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan ko! Parang, naku, Dyusko, nanalo na naman ako, hindi na naman ako magkaka-boyfriend nito!" tawa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HIGHER TALENT FEE. Mas natawa si Eugene nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung dahil ba sa sunud-sunod na pagkapanalo niya ng award, mangangahulugan din ba ito na mas tataas na ang talent fee niya?

"Kakataas lang!" tawa niya. "Siyempre, practical lang naman yun, di ba? Para umuunlad ka rin. Pero nasa ano ako, sa mas marami pang pelikula at mas marami pang makakasama at iba't ibang director."

Happy naman ba siya sa itinaas ng TF niya?

"Happy siyempre!" sagot niya. "Sino ba naman ang hindi magiging happy, kasi makakapag-ipon na? Gusto ko rin namang makapag-ipon kasi hindi naman madali ang buhay. Hindi naman ako mayaman."

Expected na rin daw ni Eugene kung sakali na maintriga rin siya at masabihan naman na lumalaki na ang ulo niya.

"Naku, yun naman ang madaling sabihin, di ba? Pero makikita mo naman as time goes by kung lumalaki or lumiliit or umiinit ang ulo ko, di ba? Pero sa paglaki ng ulo, nakakatamad yun. Hindi ako masipag lumaki ang ulo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Eugene, choosy raw siya pagdating sa mga project, na dapat may variation ang ginagawa niya. Pero hindi raw siya choosy sa kung sino ang makakasama niya o kung malaki or maliit man ang role na gagawin niya.

"At saka, yung longevity ng buhay mo bilang isang artista, yun dapat. Yung pagiging star kasi, madali lang," pagtatapos ni Eugene.
Read Next
Read More Stories About
Eugene Domingo, Cinemalaya
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kumbaga sa nagtanim, tag-ani ngayon! Dumaan sa bagyo, kung ano-ano, tag-init, ganoon lang talaga. Ang lesson lang dito, lalo na at malapit na ang birthday ko, basta magsipag ka lang, patuloy na magpakumbaba at saka kumilala sa lahat ng tumulong sa ‘yo. So, ito ay regalo...regalo ng Diyos sa kaarawan ko," says Eugene Domingo about her Best Supporting Actress trophy from Cinemalaya for her performance in 100.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results