Hindi raw alam ni Duds kung minamasama ng iba ang ugali ni Riza na madalas ay tahimik lang naman. Maging ang mga kasama raw ni Riza that time from VAA ay nagulat sa mga naglalabasan dahil wala raw silang nakitang ganoong incident at all.
Nang tanungin naman daw ni Duds ang No. 18 Sexiest Woman ng FHM kung tulad ni Katrina ay kilala rin ba niya si Alyssa Alano, ang naging tugon daw ni Riza ay, "I don't have an idea who she is. Pero ayokong sabihing I don't know her kasi sa Pilipinas, parang iba ang kahulugan noon."
Nang maglabasan daw ang isyu tungkol sa pang-iisnab niya diumano, agad na nag-Google si Riza sa pangalan ni Alyssa. Natandaan din ni Riza na nakita niya si Alyssa sa comfort room, pero tulad ni Katrina, wala raw insidente at dahilan para irapan or isnabin niya ang sexy star.
Ayon kay Duds, five minutes lang daw halos nag-stay si Riza sa loob ng comfort room. That time pa raw, she was facing the wall dahil pinipilit gawan ng paraan ang damit na isinuot niya for the event dahil may mali sa measurement.
RIZA'S PROJECTS. Sa ngayon, naghahanda na si Riza sa promotions at TV guestings niya para sa kanilang movie na Dobol Trobol, kung saan sina Comedy King Dolphy at Box-Office King Vic Sotto ang mga kasama niya.
"Tito Dolphy is such a great person and super bait, while Bossing Vic naman is like a big brother to me who gives advices. They are both good people and fun to work with and I feel so honored to be in a movie with two great actors.
Naghihintay rin si Riza sa pag-resume ng taping ng primetime show niya sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Dolphy at Makisig Morales, ang Utoy. Naantala raw ang taping nila pagkatapos umalis ni Makisig patungong Europe for a show. Ginagampanan ni Riza sa Utoy ang papel ng isang guro.




