Kasalukuyang nasa Studio 1 ng ABS-CBN ang mga labi ng direktor na si Gilbert Perez. Ito ang pangalawang tahanan ni Manong Gilbert sa halos 30 taon ng buhay niya.
Nagsimula si Manong Gilbert bilang production assistant sa BBC-2. Hanggang sa magsara ito't muling nagbukas as ABS-CBN pagkatapos ng Martial Law, patuloy na tinugunan ni Manong ang tawag ng telebisyon.
Naging executive producer siya ng mga programang Ready, Get Set, Go! at Eh, Kasi Bata. Sa programang Goin' Bananas naging assistant director si Manong. Hanggang sa maging director siya ng mga programang ATBP, Arriba, Arriba, Maalaala Mo Kaya, Gimik, G-mik, It Might Be You, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Bituing Walang Ningning, Super Inggo, Maging Sino Ka Man at Patayin Sa Sindak si Barbara.
Tinahak din ni Manong ang pagdidirek ng mga pelikula. Siya ang direktor ng Kahit Isang Saglit, Trip, Jologs, Dreamboy at Supah Papalilcious.
Narito ang ilan pa sa mga malalapit na kaibigan ng butihing direktor na nagbigay ng kanilang huling pananalita para kay Manong sa Entertainment Live! at The Buzz last Sunday.
Cory Vidanes: "Parang perfectionist. Using-uzi. Gusto niya lahat, tama ang pagkagawa. I always had the feeling na Manong really loved watching movies. He loved watching TV. May mata siya, e. I was never surprised that he would make it as a very good director and really, he did.
"Manong has been my friend, my brother for 26 years. Ako, sa totoo lang, I won't be in the industry if not for Manong. When he got to St. Luke's [Medical Center], I thought at that point he is gonna go. Then they brought him to CCU [Coronary Care Unit], they had this angioplasty. Miraculously, he was already opening his eye. Until he started talking, ‘O...,' ako was telling him, ‘Manong this is such a miracle.'
"I miss you. I miss you so much and thank you. Thank you talaga, Manong. I'm so happy... Lahat-lahat pasensya, pagmamahal. All the hard work. Also for us in ABS, You're such a great person. Manong, mami-miss talaga kita."
Nova Villa: "Masakit din na mawala ang mahal mong direktor, kaibigan."
Lani Mercado: "I will always remember yung smile niya. Well, Manong, mission accomplished ka na."
Al Tantay: "Siguro yung pinakamagandang role ko bilang artista, under sa ‘yong direksyon. Nagpapasalamat ako sa ‘yo."
John Prats: "Happy na ako for him. Wala na akong masasabi. I know kasi nagawa niya na ang mission niya. Happy siya, e."
Camille Prats: "Matuturing ko siya bilang pangalawang ama. He will always be in our hearts."
Daddy Dondi Prats: "Siyempre, parang nawalan ako ng isang kapatid, isang kaibigan."
Jericho Rosales: "He shared a lot of things with me. Hindi lang professional but very passionate rin."
Direk Jerry Sineneng: "Manong, we love you. We'll miss you. May you find peace."
Direk Wenn Deramas: "Sa mga nagawa niya simula sa TV hanggang sa huli niyang pelikula, quota na si Manong. Okey siya. Naging fruitful yung stay niya dito. Walang nasayang."
Makisig Morales: "Ah, si Manong po sa amin ay sobrang bait po na direktor. Grabe. Mahal na mahal po namin siya."
Jairus Aquino: "Hindi po namin makakalimutan si Direk Manong kasi po lagi siyang nandiyan para sa amin."
Angelu de Leon: "It's just so sad that we won't hear his voice and his laughter. More so, hindi na niya kami madidirek ulit."
Bianca Lapus: "Siya yung nag-a-advise sa akin kapag may mga heartache-heartache, ganyan. More on talagang parang tatay-tatayan na parang kuya-kuyahan."
Albert Martinez: "Para sa akin, si Manong laging masaya, all the time. Kahit sumisigaw na, masaya pa rin."
Direk Don Cuaresma: "Si Manong yung best friend ko. Ah, siya yung hingahan ko ng sama ng loob. It's not going to be the same again without Manong."
Direk Ruel Bayani: "Si Manong ay isang tunay na kaibigan. Siyempre nagpapasalamat kami sa many, many years of friendship."
Sa Studio 1 din magaganap ang huling misa para kay Manong, bago ito dalhin sa huling hantungan sa Holy Cross Memorial Park, Novaliches, bukas, July 23.
