Two-time FHM Sexiest Woman Katrina Halili signed a multi-picture deal with OctoArts Films. She is scheduled to start shooting One Night Only for the 2008 Metro Manila Film Festival and the remake of the Vilma Santos-starrer Miss X.
Katrina Halili signs multi-picture deal with OctoArts Films
Tuesday, July 22, 2008
05:13 PM
Rating
Pagkatapos mai-launch sa telebisyon as a lead star sa afternoon soap ng GMA-7 na Magdusa Ka, pumirma naman ng multi-picture deal si Katrina Halili sa OctoArts Films. Ginanap ang contract signing kaninang tanghali, July 22, sa Guilly's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Kasama ring humarap ni Katrina sa press ang big boss ng OctoArts Films na si Mr. Orly Ilacad at ang mga direktor na sina Jose Javier Reyes at Gil Portes. Sina Direk Joey at Direk Gil ang magdidirek ng unang dalawang pelikula ni Katrina sa Octo Arts Films—ang One Night Only at ang remake ng Miss X.
"Thankful po ako na pinagkatiwalaan po ako ni Boss Orly. Hindi pa po dumadating yung Magdusa Ka, yung first bida role ko, kontrabida pa lang po ako, in-offer-an na po ako ni Boss Orly. So, masayang-masaya po ako na kahit kontrabida pa lang ako, meron nang nagtiwala sa akin," nakangiting pahayag ni Katrina.
Dahil dalawang pelikula agad ang nakalinyang gawin ni Katrina para sa OctoArts Films, obvious na malaki ang tiwala ni Boss Orly sa kakayahan ng Kapuso star.
Ayon kay Boss Orly, "Available yung material na babagay kay Katrina, so yun yung una naming ibinigay. Kung puwede nga lima agad ang ibibigay namin, e, para tuluy-tuloy yung relationship sa kanya. ‘Tsaka part ng pag-build up sa kanya sa film. We know, sa television, napakalaki na ni Katrina. Pero sa film, we need to work some more."
ONE NIGHT ONLY. Unang gagawin ni Katrina sa multi-picture contract niya sa OctoArts Films ang 2008 Metro Manila Film Festival entry na One Night Only na ididirek ni Direk Joey. Makakasama ni Katrina rito sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, Paolo Contis, Joross Gamboa, at Ricky Davao.
Gagampanan dito ni Katrina ang papel ng mistress ng isang congressman. Ayon kay Direk Joey, nakasentro ang pelikula sa 24 characters na nagsama-sama sa loob ng isang motel sa loob ng 12 hours, from 4 p.m. to 4 a.m. Para raw itong Radio Romance ni Direk Joey noon, pero sex comedy na ang tema.
Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Katrina si Direk Joey at aminado ang sexy actress na kinakabahan siya ngayon pa lang. Pero ayon naman kay Direk Joey, walang dapat ipag-alala si Katrina.
Hindi na rin daw kailangang dumaan sa workshop ang actress dahil base sa napanood ni Direk Joey na pagganap ni Katrina sa mga teleserye niya sa GMA-7 ay sigurado raw siyang magagampanan niya nang maayos ang kanyang role.
Posible raw simulan ang shooting ng One Night Only sa last week ng August dahil kailangang i-consider ang taping ni Katrina ng Magdusa Ka.
MISS X. Masasabing mas malaking challenge para kay Katrina ang Miss X. Bukod kasi sa remake ito ng 1980 film—na unang ginampanan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos at idinirek din ni Gil Portes—ay medyo daring din ang role na ni Katrina rito bilang Asian prostitute sa Amsterdam.
Ayon kay Direk Gil, marami na raw attempt in the past na gawan ng panibagong version ang Miss X, pero hindi matuloy-tuloy. In fact, ilan sa mga artistang na-consider to star in the remake were Vina Morales and Donita Rose during their heyday. Pero last year lang daw nagkaroon talaga ng linaw ang lahat and Katrina was "highly recommended" by Boss Orly.
Dahil almost 30 years na ang nakalilipas mula nang ipalabas ang original Miss X, modernized version na raw ang gagawing atake ni Direk Gil at ng sumusulat ng script na si Eric Ramos, former editor-in-chief of FHM. Pero idiniin ni Direk Gil na ang puso ng istorya ay ganun pa rin.
Hindi pa napapanoood ni Katrina ang Miss X ni Vilma at mukhang mahihirapan na siyang makahanap ng kopya nito ngayon. Ayon kasi kay Direk Gil, yung original negative ng pelikula ay ibinigay nila sa Experimental of the Philippines (ECP) noon at itinago sa Manila Film Center. Pero nang minsang bumagyo ay nakita raw nilang nakalutang sa baha ang negatibo ng Miss X.
Umaasa rin si Direk Gil na mapantayan o malampasan ni Katrina ang ipinakitang husay ni Vilma sa orihinal na Miss X. "Kailangan, kasi mapipintasan ng press ‘pag hindi maganda yung pagkakagawa ng pelikula," sabi ni Direk Gil.
Dagdag pa ng direktor, isang "acting vehicle" ang Miss X para kay Katrina.
Bukod sa husay sa pagganap ay ire-require din kay Katrina ang pagiging daring sa ilang eksena sa pelikula. Pero nakahanda naman daw ang two-time FHM Sexiest Woman para rito.
"Siguro hindi naman po ipapakita lahat kasi bawal na po ngayon ‘yon, di ba?" pauna ni Katrina. "‘Tsaka may tiwala naman po ako sa OctoArts at saka kay Direk Gil. Alam ko pong makakaya ko po ‘yon at kakayanin ko po talaga dahil alam ko po maganda yung pelikula, ‘tsaka alam ko pong hindi nila ako papabayaan.
"Hindi naman po ako first-timer kasi ilang beses na akong nag-pictorial for FHM at may ginagawa akong coffee-table book, ‘tapos nagpa-fashion show din po ako. So, kaya ko po naman yun," paniniguro pa ng dalaga.
Tiniyak naman ni Direk Gil na hindi naman sobrang daring ang ipagagawa niya kay Katrina. At kahit daw bold at daring ang pelikula, gusto niyang ma-appreciate ito ng audience at maipalabas ito sa SM Cinemas, kung saan bawal ang R-18 films.
- Katrina Halili on Hayden Kho's return to showbiz: "Ow? That guy? He's coming back? Oh, good luck to him!"
- Katrina Halili on next move after contract with GMA-7 expires on March 2012: "Kung ano po 'yong magandang offer na aalagaan ako, doon po ako."
- Katrina Halili's message to Rhian Ramos: "Sana, maging strong lang siya. Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya."
- Katrina Halili denies rumors saying that a DOM is financially supporting her
- Katrina Halili happy that Hayden Kho's medical license is cancelled on the basis of her complaint
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

