PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto says her purpose in life includes helping others

Rufa Mae relates her first time to work with director-scriptwriter Joey Reyes.
by Ruel J. Mendoza
Published Jul 23, 2008
"Kapag nag-iisa ako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanap ko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro ako nagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang," says Rufa Mae Quinto.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng bagong pelikula ni Rufa Mae Quinto, ang Single, sa Sikatuna Village, Quezon City. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes at line-produced ito ng production outfit ni Rufa Mae na On-Q 28 para sa Viva Films.

Ito ang pangalawang pelikula na nag-line-produce si Rufa Mae under On-Q 28. Una ang box-office hit na Apat Dapat, Dapat Apat na pinagbidahan niya with Eugene Domingo, Pokwang, and Candy Pangilinan.

Ang Single ay tungkol sa isang 30-year old woman na hindi pa alam ang katuturan ng kanyang buhay. Tumatanda siyang virgin at patuloy na nasa pangarap lang niya ang magkaroon ng pamilya, tulad ng mga kaibigan niyang may kanya-kanya nang pamilya na inaasikaso.

FIRST TIME WITH DIREK JOEY. First time na makakatrabaho ni Rufa Mae si Direk Joey at inamin nito na kinabahan siya noong first shooting day nila.

"Siyempre naman, kahit na ganito akong matsika, nahihiya rin ako, lalo na sa mga taong first time ko makakatrabaho," sabi ni Rufa Mae. "Noon ko pa feel na madirek ako ni Direk Joey. Magaganda kasi ang mga pelikula niya, di ba? Marami na akong nakatrabahong mga director, pero never pa si Direk Joey. Kaya noong first shooting day namin, dyusko, kinabahan ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sabi naman ni Direk Joey na mag-relax lang ako kasi mag-e-enjoy kami sa paggawa ng movie. Ang request lang niya ay ito-tone down niya ang pagiging komedyante ko. Gusto niya ay different approach naman daw ako dito sa Single.

"Nakakapanood naman daw siya ng mga movies ko at gusto niya na ibahin ang pag-atake ko sa Single. Imbes na todo-bigay na pagpapatawa, yung katamtaman lang daw. Huwag daw ako masyado sa body movements at more on sa mga dialogues ko ang pagpapatawa.

"In fairness, nakapag-adjust ako sa gusto ni Direk Joey at okey naman lumabas. Kaya nga proud ako to say na idinidirek ako ni Jose Javier Reyes. Ka-level ko na yung mga artistang nadirek niya!" sabay tawa niya.

Kuwento pa ni Rufa Mae, noong mag-story conference sila para sa Single, hindi raw muna nag-sink-in sa kanya ang kahulugan ng buong istorya.

"Noong ikinukuwento lang sa akin yung itatakbo ng story, hindi pa muna ako naka-relate talaga. Kasi puro mga nakakatawang mga sitwasyon muna ang mga nabanggit sa akin. Hindi pa yung pinakapunto ng istorya, kung bakit Single ang title niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Not until nga noong mabasa ko na ang whole script nang malaman ko na gano'n pala ang istorya ng Single. Doon lang ako naka-relate talaga. May mga sitwasyon nga sa script na parang ako talaga sa totoong buhay.

"Sabi nga ni Direk Joey sa akin na sa buhay natin, may mga makikilala tayo na katulad ng character ko sa Single. Yung forever na hinahanap ang tunay na meaning ng buhay. Kaya siguro may mga tumatandang dalaga o binata is because hindi pa nila alam ang gusto nila sa buhay."

SOUL SEARCHING. Inamin din ni Rufa Mae na dumaan siya sa stage na parang panay soul searching ang ginagawa niya. Noong huling birthday nga niya last May 28, marami raw siyang naging katanungan sa buhay niya, katulad nga ng character na ginagampanan niya sa Single.

"Noong mag-turn 28 years old ako, medyo nag-isip-isip na ako talaga kung ano ba ang purpose ng buhay ko? Marami akong katanungan talaga. Kaya nga minsan, gusto ko na may mga shows ako sa ibang bansa, kasi chance ko 'yon na mag-isa at mag-isip nang tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gusto ko. Okey naman ang career ko dito. May mga shows naman ako [Showbiz Central, SOP, Dyesebel] at endorsements. Heto't may mga pelikula akong ginagawa. After nga nitong Single, susunod ang Desperadas 2. ‘Tapos may I.T.A.L.Y. pa ako for GMA Films na sa August na ipalalabas.

"Kung relasyon naman, happy ako kasi nandiyan naman si Bobby [Lopez] na bibisitahin ako dito sa Pilipinas kasi gusto niya akong panoorin sa Blackout [Bench Denim and Underwear Show] sa July 25.

"Kaya kapag nag-iisa ako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanap ko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro ako nagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang.

"Siguro nga ang purpose ng buhay ko ngayon ay ang makatulong pa, hindi lang sa pamilya ko kundi sa ibang tao na rin. Kaya nga blessing itong nakapag-produce ulit ako ng pelikula kasi ilang tao rin ang matutulungan ko na may pamilya na binubuhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang iba pang kasama sa cast ng Single ay sila Angelu de Leon, Mylene Dizon, LJ Moreno, Paolo Contis, Jon Avila, Rafael Rosell, Mark Bautista, at Alfred Vargas.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kapag nag-iisa ako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanap ko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro ako nagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang," says Rufa Mae Quinto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results