PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili being eyed by Robin and Pacman as their leading lady

Katrina will return to primetime after "Magdusa Ka."
by Rose Garcia
Published Jul 24, 2008
"Naku, hayaan n'yo na po silang apihin ako nang apihin! Marami naman akong blessing na natatanggap. Mabuti na rin na inaapi ako para magdusa ako sa blessing. At magdusa sila dahil wala akong tigil at panonoorin pa rin nila ako!" says Katrina Halili about her detractors.

Pagkatapos pumirma ng multi-picture contract si Katrina Halili for OctoArts Films, diretsuhang sinabi ng young sexy actress na si Robin Padilla ang isa sa mga gusto niyang makatambal in the future.

"Para ibang level naman!" natatawang sabi ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "E, kasi nakasama ko na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Alfred Vargas... halos lahat na ng mga taga-GMA-7, so si Mr. Robin Padilla naman."

Nagkasama na raw sila ni Robin nang minsang maimbitahan siya ni Manny Pacquiao sa General Santos City dahil si Katrina raw ang request ng mga kababayan ni Manny na gusto nilang makita. Pero dahil dito, tila iniintriga naman siya kay Pacquiao.

"Wala naman pong intriga sa amin ni Mr. Manny Pacquiao," iwas ni Katrina. "Actually, inimbitahan po nila ako. Kasi ang pagkakaalam ko nga po, ni-request nga raw po ako ng mga tao doon sa kanila. E, si Mr. Manny Pacquiao, sobrang mahal na mahal niya ang mga kababayan niya kung kaya't dinala niya kami ro'n. Pero wala po kaming isyu."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa naman daw si Katrina kay Manny noong nasa GenSan sila dahil sobra raw ang pag-aasikaso sa kanya ng boxing champ.

"Sobrang natuwa po ako! Sobrang feeling ko, girl na girl ako. Kasi sobrang bait niya. Siyempre, first time ko lang naman po siyang makasama. Nakita ko siya sa GMA, pero malayo, ang daming kasama. Pero noong makasama ko siya, ang bait-bait niya at super-asikaso niya ko.

"May time man na hindi niya ako maasikaso dahil meron siyang ibang kausap, pinapaasikaso niya ako sa mga kasama niya. Sobrang gentleman po," papuri ni Katrina sa boksingero.

LEADING LADY IN DEMAND. May gagawin daw na TV series sina Robin at Manny na magkasama. Sinabi na nga raw ni Manny na sana ay makasama nila sa movie si Katrina. Ano ang masasabi ni Katrina rito?

"Happy ako!" sambit niya. "At saka, yun nga po, noong bago kami maghiwalay sa airport, sabi po ni Robin, ‘Sana naman this time, huwag mo na kong i-turn down. Kasi, dalawang beses na kitang gustong makasama. Sabi ko naman, ‘Ay, hindi ko po alam... Oo naman po! Bakit ko naman po hindi tatanggapin?'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang may magtanong kung baka madala raw si Katrina sa sobrang lambing at gentleman ni Robin, sinabi ng young sexy actress na alam naman daw niya kung hanggang saan lang.

"Siyempre, sino ba naman ang hindi madadala sa ganoon, di ba? Pero ako po kasi, trabaho lang talaga. At saka alam ko naman kung ano ang dapat kong katayuan. So, trabaho lang talaga."

"MISTERYOSO" DENNIS. Pagdating naman sa leading man ni Katrina sa Magdusa Ka na si Dennis Trillo, diretsuhan sinabi ni Katrina na "purely work" lang talaga sila, pero mas close na raw sila ngayon.

"Hindi na kami nagkakailangan sa set. ‘Tapos kulitan... Pero hanggang doon lang po," saad ni Katrina.

Aminado si Katrina na dahil sa ugali ni Dennis na tahimik lang, siya raw talaga ang mas gumagawa ng effort sa kanilang dalawa.

"Kung hindi ko po siya kakausapin, hindi po niya ako kakausapin. May time pa nga minsan hindi ko na siya pinapansin kasi naba-bad trip na ako sa kanya. Minsan, nagdadabog na ako. May time na nagdabog ako ngayong araw na ito, kinabukasan, okey na ako, ‘tapos sasabihin niya, ‘Bakit ka nagdadabog?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sabi ko sa kanya na, ‘E, kasi naman, minsan feeling ko, ginagawa ko na ang lahat para maging okey tayo sa isa't isa. Pero minsan pagpasok ko ng set, hindi mo ako papansinin. Parang ako, ano ba ‘yan, kailangan na lang ba palaging ako? Ako? Ako?' So, parang nagsawa na ako sa kanya, sige na nga, dedma na nga lang, bahala ka na sa buhay mo!"

Ngayon ba ay may nakikita na siyang effort kay Dennis after niyang sabihin ang mga yun?

"Well, siguro po ganoon na lang talaga siya. Tahimik lang talaga. E, parang nagsawa na lang ako. Parang feeling ko, baka ang kulit-kulit ko na at maasar na lang siya sa akin!" natatawa niyang sabi.

Nakikita ba niya ang possibility na puwede rin pala siyang ma-in love kay Dennis?

"Sa ngayon, parang hindi ko alam!" tawa ni Katrina.

Hindi kaya iniiwasan lang ni Katrina na magkaroon siya ng conflict with Cristine Reyes, na balitang girlfriend ni Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman po, alam ko naman po kung ano ang katatayuan ko," pag-amin niya. "Ang akin lang naman po, gusto ko po na maging at ease kami sa isa't isa. Kasi medyo ano siya, e, medyo misteryoso. Alam n'yo naman pong tahimik lang siya. So, kapag hindi n'yo siya pinansin, tahimik lang talaga."

Ayon kay Katrina, binibiro lang daw niya si Dennis kapag tinatawag niya itong ‘baby.'

"Wala naman po talaga. Hindi ko siya tine-text. Nagte-text lang kami kung minsan kapag, ‘Congrats, ang taas ng rating natin.' Pero never kaming nag-text na, ‘Uy, kumain ka na ba?' Hindi rin kami lumalabas, wala pong ganoon."

BACK TO PRIMETIME. May balitang ang team-up nila ngayon ni Dennis sa Magdusa Ka ay magpapatuloy raw hanggang sa primetime. May nakarating kasing balita sa PEP na si Katrina ang magiging leading lady ni Dennis sa Gagambino.

"Well, meron po akong primetime show after Magdusa Ka. Pero ayoko muna pong magsalita tungkol doon kasi hindi pa naman po sila nagsasabi. Pero meron po, malapit na po nila akong mapanood," nakaiintrigang sagot ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Nangingiti ito at halatang maingat sa pagsagot about her new primetime series.

"Basta po, malapit na po yun kaya abangan na lang po nila ako. Alam ko nga pong miss na miss na po nila ako sa primetime dahil apat na taon po ako ro'n," saad niya.

Posible bang magkaroon ng rivalry sa pagitan nila ni Marian sa pagbabalik ni Katrina sa primetime?

"Well, magkaiba naman po kami ni Marian," sagot niya. "At saka magkaibigan po kami ni Marian. Nagte-text kami, nag-uusap kami. So, wala naman po sigurong magiging problema."

Pero totoo bang leading lady na siya this time?

"Basta, ang masasabi ko lang po, hindi na po ako kontrabida ngayon!" tawa niya.

May mensahe ring nais iparating si Katrina sa kanyang detractors.

"Naku, hayaan n'yo na po silang apihin ako nang apihin! Marami naman akong blessing na natatanggap. Mabuti na rin na inaapi ako para magdusa ako sa blessing. At magdusa sila dahil wala akong tigil at panonoorin pa rin nila ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gustung-gusto ko na ayaw nila akong tantanan dahil gusto ko ng naapi. At kapag naaapi ka, tuloy-tuloy ang blessing mo at tuloy-tuloy ang pagdurusa nila dahil hindi sila nagwawagi!" natatawa niyang sabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, hayaan n'yo na po silang apihin ako nang apihin! Marami naman akong blessing na natatanggap. Mabuti na rin na inaapi ako para magdusa ako sa blessing. At magdusa sila dahil wala akong tigil at panonoorin pa rin nila ako!" says Katrina Halili about her detractors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results