PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comelec picks Robin Padilla to endorse automated polls in ARMM

Robin's two-million talent fee was donated to Liwanag ng Kabataan Foundation.
by Ricky Calderon
Published Jul 25, 2008
"Kailangan ituloy na natin ang ARMM elections ngayon. Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ito lang ang paraan para magkaroon ng pagbabago at progreso sa lugar," says Robin Padilla.

Ang action star na si Robin Padilla ang napiling endorser ng Comelec (Commission on Elections) para sa Optical Map Reader (OMR), ang bagong technology na gagamitin para sa automation ng August 11 election sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Si Robin ang kinuha ng Comelec para tumulong sa information drive para sa darating na 2010 elections.

Gusto ni Robin, na isang Muslim convert, na mabago ang imahe ng ARMM, lalo na raw ‘pag election ang pinag-uusapan. Kaya suportado niya ang plano ng Comelec na automation ng election.

Ayon pa sa action star, karaniwan daw na sinasabi na sa ARMM region nagaganap ang "dagdag-bawas." O kaya naman sinasabi na walang election na naganap kundi binayaran lang ang mga tao.

"Sa pagtanggap ko ng endorsement na ito, gusto kong makatulong na mabago ang imahe ng ARMM pagdating sa mga bagay na may kaugnayan sa election," wika ng bida ng katatapos lang na GMA TV series na Joaquin Bordado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mukha ni Robin ang gagamitin sa mga posters at komiks na ilalabas ng Comelec para sa kanilang information driver. Gagawa rin siya ng radio ads.

Two-million pesos ang talent fee ni Robin para sa kanyang endorsement na ibinigay niyang donasyon sa Liwanag ng Kabataan Foundation para sa edukasyon ng 53 mahihirap na bata.

Suportado ni Robin ang desisyon ng Comelec na ituloy ang election sa ARMM kahit na isinusulong ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ipagpaliban ito.

"Kailangan ituloy na natin ang ARMM elections ngayon. Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ito lang ang paraan para magkaroon ng pagbabago at progreso sa lugar," pahayag ni Robin sa contract signing niya kahapon, July 24, sa tanggapan ng Comelec.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kailangan ituloy na natin ang ARMM elections ngayon. Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ito lang ang paraan para magkaroon ng pagbabago at progreso sa lugar," says Robin Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results