Noong Martes, July 22, dumalo sa necrological mass at eulogy service para kay Manong Gilbert ang malalapit na kaibigan at mga nakatrabaho niya sa industrya. At ang ilan ay naghandog ng awitin para kay Manong.
Bago siya inihatid sa kanyang huling hantungan noong Miyerkules, muling nagtipun-tipon ang mga nagmamahal kay Manong Gilbert para sa isang misa. Nagsalita doon ang ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio at iba pang mga kaibigan ni Manong Gilbert.
Pagkatapos ay dinala na ang kanyang labi sa Holy Cross Memorial Park sa Novaliches. Doon ay nagpaunlak ng mensahe ang mga malalapit na artista at kasamahan ng yumaong direktor.
John Prats: "Nagpapahinga na siya ngayon kasama niya si God."
Shaina Magdayao: "Nagpapahinga na siya na. Wala na siyang stress."
Camille Prats: "Alam namin na hinding-hindi siya pababayan ng Diyos."
Jean Garcia: "Mami-miss ka namin. Mahal na mahal kita Manong. We're letting you go kasi alam namin, mas nasa maganda ang pupuntahan mo."
Direk Lauren Dyogi: "Hindi ka mawawala sa mga alaala namin."
