Ang Baler ang ikatlong movie ni Jericho Rosales na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF); ang first two ay ang Tanging Yaman (2000) at Bagong Buwan (2001) na parehong mula sa Star Cinema.
Ginawa ang story conference ng Baler sa 6th floor ng Viva Films sa Tektite Bldg., Pasig City, kahapon, July 31. Present din ang iba pang cast ng pelikula na sina Phillip Salvador, Anne Curtis, Carlo Aquino, Desiree del Valle, at Mark Bautista.
Si Direk Mark Meily and scriptwriter Roy Iglesias ang nagkuwento tungkol sa bago nilang pelikula, na base sa mga tunay na pangyayari sa tinatawag na "Siege of Baler" na nangyari noong 1898 hanggang 1899.
Thorough research daw ang ginawa nila, mula sa mga sunud-sunod na events na nangyari noong Spanish-American war, kung saan nagsagupaan ang mga Spanish soldiers at ang puwersa ng mga Filipino, hanggang sa pagpapatayo nila ng set sa Tanay, Rizal, kung saan gagayahin nila ang look ng Baler (now Aurora), Quezon Province.
Magsisimula silang mag-shooting sa third week of August. Pupunta rin sila sa Aurora dahil nakatayo pa rin ang simbahan na pinangyarihan ng story.
ECHO'S PREPARATIONS. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Echo after the story conference. Ano na ang paghahandang ginagawa niya para sa nalalapit nilang pagsu-shooting ng Baler?
"Kailangan ko pong magpapayat, at least from my 160-pounds weight, magbabawas ako ng 10 pounds para tumama sa character ko na isang half-Indio, half-Spanish soldier, na nakipaglaban noong panahong iyon sa war na salat sa pagkain
"Siguro po uunahin naming i-shoot ‘yong payat ako dahil marami rin pong babaguhin sa looks ko. Kahit ang buhok ko, babaguhin din at, siyempre, ang costume noong panahong iyon.
"May three weeks po ako to prepare, mag-aaral din akong magsalita ng Spanish, at big thing talaga sa akin ito, excited na ako. Hindi ko pa tapos basahin ang second draft ng script, pero inihahanda ko na ang sarili ko na parang pupunta ako ng karnabal sa pagsu-shooting nito.
"Ini-expect ko na po sa shooting na baka kumain kami ng daga, uminom ng tubig-ulan dahil nga wala kaming makain habang nakikipagdigmaan kami. Pero kung ‘yon po ang mangyayari, paghahandaan ko talaga at gagawin ko kung ano ang hihingin sa akin ni direk Mark, na first time ko ring magiging direktor," mahabang kuwento ni Jericho.
FIRST MOVIE WITH ANNE. Kumusta naman sila ni Anne Curtis na first time niyang makakatambal sa pelikula?
"Nakaka-excite po kasi nga, hindi pa kami nagkasama ni Anne sa alinmang teleserye, kaya ‘hi!' and ‘hello!' lang kami kapag nagkikita sa ASAP. Wala pa akong masasabi tungkol sa kanya dahil hindi ko pa siya masyadong kilala. Ngayon pa lang kami magkaka-bonding kapag nagsimula na kaming mag-shooting."
SUPERSTAR IN MALAYSIA. Paano ang taping niya ng Malaysian TV-ABS-CBN teleserye na A Time For Us?
"Tatapusin ko pa rin ‘yon, may two weeks pa kaming taping dito at sa September, babalik ulit kami ng Malaysia dahil may mga sequences pang kukunan doon. Pagkatapos po ng teleserye, tuluy-tuloy na ang shooting ko ng Baler."
Biniro namin si Jericho na "superstar" na ang tawag sa kanya sa Malaysia.
"Para na pong second home ko ang Malaysia dahil nga marami nang nakakakilala sa akin doon. Nakatulong po talaga ‘yong pagpapalabas ng Pangako Sa 'Yo namin ni Kristine [Hermosa] doon kaya tuwing pupunta ako doon, parang kaibigan ko na ang lahat ng tao dun," lahad niya.
Nilinaw rin ni Jericho na hindi totoong niligawan niya ang Malaysian actress at katambal sa A Time For Us na si Carmen Soo.
ECHO'S HEART HAS MOVED ON. It seems na maluwag nang sinasagot ni Jericho ang mga katanungan tungkol sa kanyang mga naging girlfriends. Naka-move on na ba siya sa breakup nila ni Heart Evangelista?
"Medyo naka-recover na po ako, hindi na ako madalas nalulungkot," sagot ni Jericho. "Saka ginagawa ko na lang busy ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindi pa kami nagkikita kahit by chance ni Heart at hindi pa rin kami nagkakausap. Sa text nga po lamang natapos ang relasyon namin."
Totoo bang isinauli na ni Heart kay Jericho ang lahat ng mga regalong ibinigay niya noong sila pa?
"Huwag na po," pag-iwas ni Jericho. "Kapag nakita n'yo siya, sabihin po ninyong huwag na lang niya isauli. Gamitin na lang niya, masaya na ako doon."
Mas okay ba siya ngayon without Heart?
"Siyempre po, iba pa rin ‘yong may ka-share ka sa mga good times na tulad noon. Pero marami pa rin akong natutunan sa paghihiwalay namin. Natutunan ko po ang value ng maraming tao sa paligid ko na tumulong para maging positive ang tingin ko about the breakup. Wala po akong bitterness sa nangyari sa amin ni Heart," pahayag niya.
REUNION WITH KRISTINE. Kinumpirma naman ni Jericho na may gagawin silang proyekto ng dati niyang ka-love team at kasintahan na si Kristine Hermosa.
"Meron po, movie yata with Gabby Concepcion," sabi niya. "Nang magkausap nga po kami sa Star Magic Ball noon, nabanggit ko sa kanyang may gagawin daw kaming movie. Sagot niya, ako lang naman daw ang ayaw. Pero ready na po kami, we're just waiting for a nice story. Last movie namin ni Kristine ‘yong Ngayong Nandito Ka. Wala pa kaming alam na gagawing teleserye ni Kristine."
Bakit daw tumanggi siyang isayaw si Kristine noong Star Magic Ball?
"Nailang po kasi ako kay Diet [Diether Ocampo, ex-boyfriend of Kristine] na siya pang humihila sa akin para isayaw si Kristine. Saka ‘yon po ang first time na nagkausap kami ni Kristine after a long while. Hindi po ako nakasayaw, parang nanigas ang mga paa ko. Pero wala naman pong problema sa amin ni Diet, okay kami at madalas kaming nagkakausap sa ASAP."
Si Angelika dela Cruz na ex-girlfriend din ni Echo, may communication pa ba sila?
"Si Kulit?" tanong ni Echo. "Kulit kasi ang tawag ko kay Angelika. Nawala ko na po ang number niya, pero happy ako dahil ang balita ko masaya siya sa boyfriend niya ngayon. Ayoko na pong kunin ang number niya baka magalit ang boyfriend niya. Kapag nakita n'yo na lang siya at kung totoong magpapakasal na sila, sabihin na lang po ninyo, ‘Congratulations!'
REBEL DAYS. May pinagsisihan ba siya nang medyo naging rebelde siya noon kaya naapektuhan ang kanyang career?
"Wala po, wala akong pinagsisihan kung naging rebelde man ako for a while. Instead, marami akong natutunan noon. Nabalingan ko po ang music at natupad naman ang dream ko na makapag-record ng album at nakapag-show abroad. Naisip ko ring magdirek, natupad po ‘yon sa concert namin ni Kuya Gary [Valenciano] na kaming dalawa ang nagdirek."
Sa ngayon, nakalipat na pala ang 28-year-old actor-singer sa bahay na ipinatayo niya sa Loyola Grand Villas, Quezon City.
Malapit na rin daw ipalabas ang movie nila ni Brianna Evigan na kinunan dito sa Pilipinas, ang Subject: I Luv You. May concert din daw siya sa Italy and Canada at baka makasama rin siya ni Gary sa coming shows nito abroad.