Naging honest si Sharon Cuneta sa pag-amin na iniwasan niya talaga na magkrus ang landas nila ng dating asawang si Gabby Concepcion sa nakaraang birthday bash ni Cristy Fermin. Ayon sa Megastar, para na rin iwas-intriga at huwag silang pagpistahang parang karnabal ng media.
Samut-saring mga reaksyon ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging aksyong ito ng Megastar, may ilang nagsabi na tama lang ang ginawa ni Ate Shawie para nga naman maiwasan na rin nito na patuloy na maungkat pa ang nakaraan nila ng ex-hubby. May ilan din namang nagsasabi na mukhang hindi pa raw yata nakaka-move on talaga ang aktres sa kinauwian ng pagsasama nila ni Gabby.
STILL HOPING. Sa nakaraang presscon ng For The First Time ng Star Cinema, agad naming hiningan ng reaksyon si KC Concepcion tungkol dito.
"Naiintindihan
ko siya sa nararamdaman niya, naiintindihan ko yung gusto niyang mangyari at
ayaw niyang mangyari, naiintindihan ko ang mom ko. Anyway, sobrang di ako
involved sa kung ano ang nangyari sa marriage nila, yung history nila or yung
past nila. Basta ako, good vibes lang ako lagi. Talagang nandito ako para maging tulay sa kanilang dalawa at
nangyari naman yun, nakapag-usap na rin sila at okey naman. Respeto na lang po
sa pamilya namin."
KC is open to the possibility na maaaring isang araw talaga ay magkita at makapag-usap uli ang mga magulang.
"Kung
mangyayari yun, mangyayari talaga. We have faith in God, the fact na
nandito yung papa ko after thirteen years, si God talaga ang gumagawa ng lahat
ng yun. May plano si God sa relationship naming tatlo and bahala na lang
talaga. Kung anuman ang mangyayari, yun ang hahayaan naming mangyari."
DUET WITH MEGA. Kumpirmado na may special number sina KC at Sharon sa Megathirty; makikipag-duet si KC sa isang theme song ng isang pelikula ng kanyang mga magulang. Sa tanong namin kung okey ba sa kanya na pumunta ang ama at manood dito, heto ang pahayag sa PEP ni KC.
"Of course, welcome siya kung gusto niyang magpakita ng suporta. Yun nga lang may mga complications if ever na pumunta siya.
"May
malaking surprise na hinanda sina Tito Louie Ocampo. Magdu-duet kami ng mom ko
ng magandang kantang kilalang-kilala ng lahat. Basta may kuneksyon sa
pagpasok niya sa pelikula bilang artista for the past thirty years."
SWEETNESS WITH RICHARD. Kapansin-pansin ang sobrang sweetness nina KC at Richard na halos di na umaalis ang kamay ng aktor sa baywang at kapansin-pansin din ang paghawak-hawak nito sa hita at braso ng kapareha. Aminado naman si KC na sobrang kumportable siya talaga sa aktor, marami siyang natutuhan dito pero sa ngayon ay ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.
"Kumportbale
ako sa kanya and kumportable siya sa akin. Ang
dami ko ring natutuhan kay Richard kasi matagal na rin siyang nagtatrabaho dito.
But more than that, masaya naman ako na nakapag-bonding nga kami and, like he
said, araw-araw may pinag-uusapan kaming magaganda, at masaya yung experience
na first movie ko dahil masaya-masaya ako. So thankful ako for that kasi
forever ko na yung maaalala sa bawat pelikula na gagawin ko. Siyempre yung
pinaka-first yung maaalala mo lagi."
INTERVIEW WITH BIANCA. Open book that after Bianca Gonzalez and Direk Lino Cayetano's relationship ay naging girlfriend ng huli si KC. Di maiiwasang isipin na kahit papaano ay may rift sa pagitan nina Bianca at KC, bagay na agad nilinaw ni KC and nagbigay pa ito ng pahayag na handa siyang magpa-interview sa TV host kung saka-sakaling may ganitong oportunidad.
"Oo naman. Nagkita na kami ni Bianca and okey naman siya, sobrang bait. No issue, sobrang okey sa akin si Bianca."
