August 2 ang birthday ng isa sa mga hottest young actors ngayon na si Dingdong Dantes, pero, tinotoo nito at tila ginagawa na niyang tradition for almost three years na every birthday niya ay nagtatrabaho siya.
Last Saturday nga, nasa taping buong araw si Dingdong ng Dyesebel. Kaya when asked how he celebrated his birthday, especially with his loved ones and family, wala pa raw nangyayaring ganoon, lalo pa nga't every day ay may schedule siya.
WHOLE-DAY CELEBRATION. Pero kahapon, Linggo, August 3, although puro trabaho pa rin ang ginawa ni Dingdong sa araw na ito, maituturing din daw niyang napakaespesyal ng araw na ito para sa kanya. "Buong araw" kasing halos nag-celebrate si Dingdong ng kanyang ika-28th birthday.
Maaga pa lang ay nasa S.O.P. na siya at buong show talaga ay devoted para lang sa birthday special nilang dalawa ng ka-love team na si Marian Rivera. May combined segment na silang dalawa ang magkasama at yung iba ay mga solo spot nila as birthday celebrants.
Yesterday at S.O.P., ni-launch na rin ang ang TV commercial ng isa sa bagong endorsements ni Dingdong, ang T.M or Touch Mobile. Kahanay na siya ng iba pang celebrities na nag-e-endorse ng produktong ito, like Diana Zubiri at Cesar Montano.
Parehong aminado sina Dingdong at Marian na wala pa silang birthday gift na naibibigay sa isa't isa. Although si Dingdong, noon pa man ay meron na raw siyang idea kung ano ang ibibigay sa kanyang leading lady. Si Marian naman, mukhang nagpaplano pa lang bumili ng regalo sa kapareha pagpunta niya ng Australia .
Right after ng S.O.P. dumiretso sina Dingdong at Marian sa second floor ng GMA Building, kunsaan may ilang selected press people na naghihintay sa kanilang dalawa para sa mini-press conference for their birthday special at Araneta Coliseum, Let's Celebrate Marian and Dingdong's Birthday Blowout.
Magaganap ito sa August 27 at magkakaroon ng kani-kanyang spot ang dalawa at, siyempre, may production numbers na magkasama sila. It's their way of showing their "pasasalamat" sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila, from their MariMar days hanggang ngayon sa Dyesebel, the two shows being the highest rating at hindi pa natapatan or nahigitan ng mga naging kasabayang shows.
Libre ang show kung kaya't welcome daw ang lahat sa Big Dome. At para sa mga gustong makakuha ng mas maganda at siguradong seats, mag-tune in lang sa GMA programs. Iikutin nina Dingdong at Marian ang halos lahat ng shows ng GMA bilang pagse-celebrate ng Dingdong-Marian month ng Kapuso network ngayong August.
After naman ng press conference for Let's Celebrate Marian and Dingdong's Birthday Blowout, diretso na agad si Dingdong sa SM Fairview kunsaan naghihintay ang kanyang mga tagahanga.
Halos hindi nga raw makaraan si Dingdong papuntang activity center ng SM Fairview dahil sa entrance pa lamang ay napakarami na ang nag-aabang na mga fans.
Nag-cover naman ang Showbiz Central sa naturang fans' day ni Dingdong. Bukod sa dalawang "Central Jury" hosts na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister, nagsilbing mga jury rin ang ilan sa mga fans ni Dingdong na nakapagtanong sa kanya. Buong-puso naman niyang sinagot ang bawat tanong ng mga fans.
After the fans day at SM Fairview, takbo na agad si Dingdong para naman sa inihandang "top secret," strictly invitational birthday bash ng Belo Medical Group for Dingdong sa NBC Tent, Fort Bonifacio, Taguig City. The party also welcomed "Agent 007" Dingdong Dantes to Belo's roster of celebrity endorsers.
Hindi lamang mga members of the press ang present, kundi pati na rin ang pamilya, relatives, friends in and outside showbiz, and almost all of his sponsors, tulad ng Mario ‘D Boro, San Miguel, Bench, Medicol, My Phone at My Screen.
PLANS. Now that he's 28, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Dingdong kung ano naman ang mga plano niya sa personal at professional niyang buhay?
"Ang plano ko kasi, ever since, masyado akong parang nagpapaka-martyr sa mga bagay-bagay. Sabi ko, kapag 28 na ako, I want to take, you know... I want to take it easy. I'll just enjoy things. Hindi ako masyadong magseseryoso sa pagplano sa buhay. I also want to concentrate kung paano ako magiging actor.
"Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandirito. Just to entertain and to make more movies and TV shows."
