Viva Artist Agency contract artist and ASAP '08 mainstay Mark Bautista is the latest addition to Sundo, the horror-suspense movie topbilled by Robin Padilla.

Photo: File photo

 

Sa Monday, August 11, ang pictorial ng first horror movie ni Robin Padilla, GMA Films' Sundo, from the same creative team that brought Ouija—writer Aloy Adlawan and director Toppel Lee. Makakasama ni Robin sa movie sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos, and Katrina Halili in a special role.

 

Naghahanap ang GMA Films ng puwedeng bagong itambal for Rhian dahil pagpapahingahin muna ang Mark Herras-Rhian team-up after I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) also from GMA Films na ipalalabas on September 17. Sa TV naman muna susubukan ang tambalang JC de Vera-Rhian sa La Lola, although nagkasama na ang dalawa sa My Monster Mom pero hindi sila magkatambal.

 

Isang Star Magic matinee idol ang naisip nilang maging partner ni Rhian. The talent arm of ABS-CBN accepted the offer dahil co-produced naman ng Viva Films ang Sundo. Kaso, nang binigay na ang schedule of shooting, same schedule pala ito ng show na ginagawa ng matinee idol for ABS-CBN ngayon kung kaya't kailangan siyang mag-beg off.

 

Viva Films offered their male talent Mark Bautista. Libre ngayon si Mark dahil ASAP ‘08 lang ang pinagkakaabalahan ng singer-actor. Around September pa naman sisimulan ang shooting ng Baler ng Viva Films, kung saan kasali rin si Mark.

 

Pagkatapos magkaayos ng schedule, tinanggap ni Mark ang pelikula sa film arm ng GMA-7, na rival ng kanyang home network.

 

Nakilala sina Mark Bautista at Sarah Geronimo, na naging champion ng Star For A Night noong 2003, sa IBC-13. Unlike Sarah though na nakagawa ng ilang shows sa GMA-7, like Click, bago sila inilipat ng Viva sa ABS-CBN after a dispute between the Kapuso network and Viva—which is now settled—Mark's popularity really started in ABS-CBN.

 

This month ang simula ng shooting ng Sundo with a possible playdate at the end of October.