Inamin ni Sam Milby na nagulat siya sa suot na white dress ni Anne Curtis, kung saan kita ang cleavage ng young actress, sa presscon ng Dyosa sa Manila Ocean Park last Monday, August 4. Kuwento ni Anne, tinanong siya ni Sam kung secured ba ang kanyang dibdib sa kanyang suot.
"Yeah," pag-sang ayon naman ni Sam. "Walang makita. Sana lang, it's secured. Pero mas kita sa Dyosa, e, kaya mas conservative na itong outfit niya."
Bakit siya nagulat sa suot ni Anne?
"Nagulat nung nakita ko siya, pero ang ganda-ganda niya. Ang ganda ng katawan, ang ganda ng loob...lahat! She's beautiful inside out, lahat-lahat," saad niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Next time ba ay hindi na niya papayagan si Anne na magsuot ng ganun ka-revealing na damit?
"Hindi naman... Sino ba ako na magsasabi kung ano ang dapat suotin niya, di ba? ‘Tsaka hindi ako ganun kahit ako ang boyfriend, even before yung mga dating girlfriends ko, I would, di ba?"
Sabi ni Anne, some of her friends texted her after Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show na ang "yummy" ng katawan ni Sam, na isa sa mga celebrity endorsers ng Bench na rumampa that night.
"Thank you sa friends," ngiti ni Sam.
Kung "yummy" si Sam, ano naman si Anne para sa kanya?
"She's gorgeous," sagot ni Sam pagkatapos tingnan si Anne.
LESSONS LEARNED FROM EACH OTHER. Marami rin daw natutunan si Anne sa kanya. What about him? May natutunan ba siya kayAnne?
"Actually, she has taught me a lot. Siya yung pinakamalaking tulong sa akin na magiging mas gentleman. Kasi dati galing [ako] sa Amerika, sa totoo, mahirap maghanap ng gentleman. Kasi lahat ng mga lalaki, para wala silang binubuksan ng pinto, binubuhat ang chair para sa babae. Parang walang gentleman talaga. So, siya [Anne] yung pinaka-tinuro sa akin ang pagiging gentleman," lahad ni Sam na sinsubukan talagang magsalita ng Tagalog.
Puring-puri rin siya ni Anne sa pagtuturo sa kanya kung paano maging magpasensiya at magpatawad.
"Sana, sana. Kasi ako madali ako magpatawad. Siya yung may grudge talaga ‘pag may masama ang loob. Pero sana, sana I'm doing something."
HOW DO I LOVE THEE? How much does he love Anne?
"Kung gaano kalaki ang mahal ko, pag-ibig ko sa kanya? Mahal na mahal," kasunod ang matamis na ngiti at titig ni Sam kay Anne na katabi lang niya that time.
Kaya doon mismo ay tinanong namin si Anne kung ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Sam.
"Sobrang thank you kasi may taong ganyan sa akin," sambit ng dalaga.
Bakit ayaw pa kasi nilang sabihin kung ano na talaga ang lagay ng relasyon nila ni Sam?
"Basta masaya kami kung anumang relationship that we share. We're happy," sabi ni Anne.
Sa tingin ba ni Sam ay si Anne na ang babaeng pakakasalan niya?
"Hindi naman namin alam kung ano ang mangyayari sa future. Para sa akin, siyempre sana," sagot ng matinee idol.
Sinagot din ni Sam kung bakit ang haba ng pasensiya niya kay Anne.
"Because I'm a patient person," aniya. "Kung gusto mo umiibig sa isang tao, dapat may patience talaga; especially to those that rushes marriages, that rushes lahat. Maraming divorces lalo sa States, so love is something that you should not rush at all. Why not enjoy whatever you have?"
Ano ang pinakagusto niya kay Anne?
"Hindi ko kayang piliin ang isang specific...lahat-lahat. Siya yung dyosa sa buhay ko!" nakangiting sabi ni Sam.
TOO EARLY TO TALK ABOUT MARRIAGE. Napapag-usapan na nila ang tungkol sa kasal?
"Hindi naman, nagde-date lang kami ‘tapos nag-usap lang ng tungkol sa kasal. Medyo maaga naman," sabi ni Sam.
Sumagot naman si Anne sa tanong. "Oo, if ever na nag-uusap kami, it's always what we want personally. Kunwari, ‘Ikaw ano ang gusto mo sa ganyan, ilan ang gusto mong ano?' Pero hindi na serious na sa aming dalawa, ‘O, kailan tayo a-ano?' ‘Ikaw, what would you want?' Ganyan-ganyan, ganun lang siya. Hindi naman siya serious. Bata pa kami. There's a lot of time pa."
Dati ay nagsabi si Anne na okay lang sa kanya na magka-baby muna bago kasal. Gusto na raw niyang magkaroon ng babay dahil mahilig siya sa bata.
"Oo, before, care ko kung ano. Pero now, I really want to get married first before I have any kid," pahayag ni Anne.
Hindi ba nanghinayang si Sam na ayaw na ngayon ni Anne na magka-baby hangga't hindi kasal?
"Mas gusto ko na ganun. Mas gusto niya na kasal bago mag-anak."
If ever, saan nila gustong magpakasal ni Anne? Sa tubig, sa ere, o sa lupa?
"Kung ano ang gusto niya. Yun ang desisyon niya. Yun actually ang pinaka-importanteng araw para sa mga babae, so siya yung pipili kung saan."
What about Anne?
"Ang gusto ko lang, kita ang sunset. Gusto ko kasi sunset wedding, e," sabi ng young actress.
Okey ba kay Sam ‘yon?
"Siyempre."
Dagdag naman ni Anne, "It doesn't matter. It could be in the mountains. Talagang mountain! Pero siyempre, beautiful ang surroundings."
Kung may isang kanta na ide-dedicate si Sam kay Anne, what would it be?
"Song ko para kay Anne? Nung The Buzz, kinanta ako ng ‘Can't Help Falling In Love.'"
Ano naman ang song ni Anne for Sam?
"May song ako before na inano ko matagal na matagal na, ‘I Will Never Let You Down.'"
Wala bang original song na ginawa si Sam para kay Anne?
"Sini-save ko yun. Actually, ngayon wala akong masyadong time na makasulat ng bagong kanta. Medyo busy kasi nag-i-indie film ako, may Dyosa rin. ‘Tapos naghahanda pa ako para sa concert. Matagal na akong hindi nagsusulat ng bagong kanta," saad ni Sam.
