"Naks!! I love the title. Gustung-gusto ko ito. Tuwang-tuwa ako kapag naglalakad. May tumatawag na sa akin, ‘Dyosa! Dyosa!' Nakakatuwa lalo na kapag mga bading. I'm the Philippines' Showbiz Goddess?! Gusto ko yun! Type ko yun," says the ecstatic Anne Curtis.

Photo: Noel B. Orsal

Dyosang-dyosa ang dating ni Anne Curtis in her white dress nang humarap sa presscon ng bago niyang teleserye na magsisimula na sa August 11 sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Dyosa. Gawa ng designer na si Jun Escario ang suot niyang bagay na bagay sa kanya.

THE SEXY WHITE DRESS. Halos lumitaw na ang dibdib ni Anne sa haba ng cut ng dibdib sa harapan ng damit niya, pero kering-carry ni Anne at napaka-class pa rin ng dating niya.

"It must be the ‘Dyosa.' It must be the ‘Dyosa' feel," lahad naman ni Anne sa panayam with PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kasi yun yung requirement sa akin today. ‘Ah, please wear a Dyosa dress.' Sabi ko, ‘Saan ako makakahanap ng Dyosa dress?' My costumes are ganito. Very revealing, very ‘Dyosa.' Pero revealing in a way na hindi naman siya bastos tingnan."

Alam ba ni Sam Milby ang tungkol sa suot niyang ito?

"Yeah, first time he saw it, when we walked in."

Nagustuhan ba ni Sam ang cut ng dress niya na halos may mag-hello na sa dibdib niya?

"Sabi niya, he liked it. He just asked kung secure yung ano [boobs]. Sabi ko, secure naman."

Mas daring na ba talaga siya ngayon after doing Dyosa?

"I think I had the same question when I did When Love Begins. Same lang siya. ‘O, you're doing daring here...' ganyan-ganyan. You know me, I've always been comfortable with how I dress, with how I am. So, ewan ko bakit biglang daring, e. Sa Maging Sino Ka Man pa lang sobrang daring na. Kasi I don't have any fears, parang you know, if you've got it, flaunt it."

THE ONLY "DYOSA." Ang dami-daming nagki-claim na sila ang reyna at prinsesa sa ABS-CBN. Pero si Anne solong-solo ang title sa pagiging "Dyosa" ng Kapamilya Network.

"I'm just happy na ibinigay sa akin ang title na yun. At least I can say na that's my title. I'm Dyosa. Kaya nga tuwang-tuwa ako sa teaser na pinapalabas ngayon. ‘Ako si Anne Curtis, ako ang nag-iisang Dyosa.' Ha-ha-ha!

"Tuwang-tuwa ako. ‘Serious kayo, ito ang papasabi ninyo sa akin?' tanong ko sa kanila. ‘Oo, Anne.' ‘Ha?!'

"'Tapos sabi ko, ‘Serious siya?' ‘Oo, kailangan naka-emote lang, ha.' ‘Tapos sabi ko, sige."

May nagsasabi na si Anne na talaga ang "Dyosa" ng Philippine Showbiz.