Sandara Park returns to Manila for five-day vacation

Rommel Placente
Sunday, August 10, 2008 @ 05:50PM  |  13923 views

 

"Maraming lumapit sa akin, kinausap nila ako ‘tapos yung iba nagpa-picture pa. Kilala pa rin pala ako ng mga tao dito. Akala ko limot na nila ako," says Sandara Park about her arrival at the airport.

Photo By: File photo














Nasa Pilipinas na ulit ang Korean young actress na si Sandara Park na unti-unti na ring gumagawa ng kanyang pangalan sa kanyang home country na Korea. Dumating siya noong Huwebes ng gabi, August 7. Pero nilinaw ni Sandara na nandito siya ulit para magbakasyon at hindi para balikan ang showbiz career na iniwanan niya.

Kanina, August 10, ay nag-guest si Sandara sa musical variety show ng ABS-CBN na ASAP ‘08. Nagkaroon siya doon ng dance number with Melissa Ricks and Roxanne Guinoo, na batchmates niya sa kauna-unahang Star Circle Quest.

After ng kanyang number sa ASAP '08 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sandara. Ayon sa dalaga, limang araw lang siyang siyang mananatili sa Pilipinas.

"Sa Tuesday ay babalik na ako sa Korea," sabi ni Sandara.

Natutuwa si Sandara dahil nang dumating siya sa international aiport ay marami pa rin daw ang nakakakilala sa kanya.

"Maraming lumapit sa akin, kinausap nila ako ‘tapos yung iba nagpa-picture pa. Kilala pa rin pala ako ng mga tao dito. Akala ko limot na nila ako," lahad niya.

Noong Sabado, August 9, ay nakasama ni Sandara sina Melissa, Roxanne, at Joross Gamboa sa isang sing-along bar.

"Nag-bonding kami ulit. Nag-videoke kami. Ang sarap ng feeling na nakasama ko ulit sila. Kahit alam kong busy'ng-busy sila, may time pa rin pala sila sa akin."

Kung nakasama ulit ni Sandara ang ilan sa mga kaibigan niya, ang ex-boyfriend niyang si Joseph Bitangcol ay hindi pa rin daw niya nakikita at nakakausap.

"Matagal na kaming walang communication ni Joseph. Kahit noong nasa Korea na ako, hindi siya nakikipag-communicate sa akin," sabi ni Sandara.

Bakit sa isang panayam kay Joseph lang ay sinabi nito na may communication pa rin sila through e-mail?

"Huh!" gulat na reaction ni Sandara. "Promise, matagal na talaga kaming walang communication ni Seph. Hindi kami nag-i-email. Hindi ko alam kung bakit nasabi niya yun."

Mahal pa rin ba niya si Joseph?

"Hindi na," mabilis na sagot ni Sandara.

May boyfriend na ba siya sa Korea?

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name