PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Three finalists compete for title First "Pinoy Idol"

Jayann Bautista, Gretchen Espina, and Ram Chaves made it to the finals night.
by Dinno Erece
Published Aug 10, 2008
(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are the three remaining Pinoy Idol finalists who will face-off in the finals next week.

It's two girls and one boy for the top three of Pinoy Idol.

Kahit belatedly, the fans are back and alive for the final elimination night of Pinoy Idol sa Center Stage sa SM Mall of Asia earlier tonight, August 10. After several elimination nights, mistulang finals night na rin kanina sa dami ng fans na gustong makapasok ng Center Stage.

Full force na ang bawat supporters ng natitirang Pinoy Idol hopefuls na sina Jayann Bautista, Kid Camaya, Ram Chaves, Daryl Celis, at Gretchen Espina with their own posters, banners, chants, and what-have-yous.

Still the biggest contingent was that of Daryl, na simula pa lang ay very organized na ang mga fans na may pangalan ni Daryl cut in styrofoam na iwinawagayway nila. Bukod sa individual placards nilang hawak, may giant letters spelling his name ang hawak ng limang fans na nasa gitna nila.

Hindi rin naman nagpapatalo ang mga supporters ni Gretchen, lalo na't laging present ang kanyang amang gobernador ng Biliran at ang kanyang ina. For the final elimination round, lahat sila'y may hawak ng long orange balloons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaban na rin ang mga supporters nina Ram, Jayann, at Kid na dati ay dinadaan na lang sa palakpak at big picture posters. Ram has his supporters holding a legal-size carton bearing his name. Isang malaking tarpaulin naman ni Jayann ang hawak ng mga supporters niya, at may posters na hawak ang karamihan ng fans ni Kid.

Dahil final elimination na ito, kakaiba ang simula ng show kung saan tinanong ng host na si Raymond Gutierrez ang tatlong judges na sina Jolina Magdangal, Wyngard Tracy, at Ogie Alcasid kung sino sa tingin nila ang papasok sa Top 3. Unanimous pala ang decision nila that they think it would be Ram, Jayann, and Kid.

Individually, tinanong ulit sila kung sino sa palagay nila ang magiging first Pinoy Idol. Ogie picked Kid, Jolens chose Ram, and Wyngard voted for Jayann.

Unang tinawag ni Raymond si Jayann. Siya rin ang unang sinabihang pasok siya sa final three.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pangalawang tinawag si Kid ngunit siya naman ang unang na-eliminate. After this, he sang his final Idol song, Wham's "Careless Whisper." With Kid's elimination, out na ang manok ni Ogie.

Pangatlong tinawag si Gretchen and she, too, is in. At that point, Gretchen was the first and only hopeful na hindi pinanigan ng tatlong judges na makakapasok sa final three.

Hinuli at pinagsabay ni Raymond na tinawag sina Daryl at Ram, pero binitin muna sa isang commercial gap. Finally, it was Daryl—the one with the consistently biggest group of fans and supporters—who was out of the final three at pasok naman si Ram. After this, Daryl repeated his performance of "Forever" as he ended his Idol journey.

Kung sa simula ng Pinoy Idol ay pawang mga babae ang naunang natanggal, pagdating sa Final Three, mas lamang naman ngayon ang bilang ng mga babaeng nakapasok.

One final performance night ang magaganap next Saturday, August 16, na gagawin na sa SMX ng Mall of Asia bago ang star-studded grand finals night ng first Pinoy Idol sa Sunday, August 17, also at SMX.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Idol
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are the three remaining Pinoy Idol finalists who will face-off in the finals next week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results