| Register

"Pinoy Idol" Top 3 prepare for the finals night


 
(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are expected to give their all on the finals night of Pinoy Idol, August 16.

"Pinoy Idol" Top 3 prepare for the finals night

Nora Calderon

Rating

  • Bookmark and Share


Like in any contest, may nananalo at may natatalo, may matutuwa at may magrereklamo. At ito nga ang nangyari sa final elimination ng Pinoy Idol kagabi, August 10, sa Center Stage ng SM Mall of Asia.

 

Marami ang hindi sumang-ayon na mga fans nang tanungin ng host na si Raymond Gutierrez ang mga judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at Wyngard Tracy kung sino ang choices nila na pumasok sa Top 3 among the five remaining finalists—sina Jayann Bautista, Kid Camaya, Daryl Celis, Ram Chaves, at Gretchen Espina. Unanimous ang choices ng tatlong judges: sina Jayann, Kid, at Ram.

 

Siyempre pa, hindi sang-ayon dito ang mga fans nina Gretchen at Daryl. But it seems, kulang ang pagboto ng mga fans nina Kid at Daryl dahil sina Jayann, Gretchen, at Ram ang bumuo sa Top 3. Sabi nga ng iba, sumablay ang mga judges kay Kid dahil mas maraming nakuhang text votes si Gretchen.

 

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Ogie, Jolina, at Wyngard after the show. Okay na rin daw naman sa kanila na nakapasok si Gretchen sa finals, pero nanghinayang sila kay Kid. For sure naman daw, hindi pababayaan ng GMA-7 sina Kid at Daryl at isasama sa mga shows nila.

 

After the final results night, isang press conference ang ibinigay ng Pinoy Idol sa lobby ng Cinema 3 ng Mall of Asia at nakausap ng press sina Jayann, Gretchen, at Ram.

 

JAYANN BAUTISTA. Tinanong ng PEP si Jayann kung bakit dati ay emotional siya kapag may natatanggal na mga dating kasama nilang finalist. Pero kagabi ay composed at hindi siya nagpakita ng emotion, maliban sa paglundag niya nang siya ang unang sinabihan ni Raymond, "You are one of the top three."

 

"Overjoyed lang po ako nang ako ang unang tinawag, kaya po superhappy ako," sagot ni Jayann. "But I'm sad for Kid, who is my kabalen [they're both Kapampangan] at si Daryl dahil naging very close na po kami nang maging Final 5 na lang kami. Pero ‘yon po ang desisyon ng mga tao at nagpapasalamat ako sa suporta nila."

 

Naging issue sa kanya noon na namimigay siya ng vote cards para iboto siya, ganoon din ba ang ginawa niya ngayon?

 

"Open secret na po na ginagawa ‘yon sa lahat ng may text-voting contests, ako lang po siguro ‘yong na-expose. No regrets po ako kung ginawa namin ‘yon, but I'm sure may nagustuhan din ako sa mga provinces kaya ibinoto nila ako, dahil hindi ko naman po sila mabibigyang lahat," saad niya.

 

Ngayong araw, August 11, ay simula na ng rehearsals nila para sa tatlong songs na kakantahin nila sa Finals ng Pinoy Idol sa Saturday, August 16, na gaganapin sa SMX Convention Center at mapapanood pagkatapos ng Pinoy Records. Ano ang paghahandang ginagawa ni Jayann?

 

"I'm preserving my voice, vocalizing daily. Saka sabi po nila, huwag akong iinom ng cold drinks or any food like chocolate na makaka-irritate sa throat ko," sagot niya.

 

Ang isa sa tatlong songs na kakantahin nila ay personal choice ng three remaining finalists, ang isa ay mula sa kanilang favorite mentor, at isa ay choice ng mga judges. Pero hindi raw puwedeng sabihin kung anu-ano ang mga kanta na aawitin nila. Ang favorite mentor ni Jayann ay si Regine Velasquez.

 

Sino sa palagay ni Jayann ang mahigpit niyang makakalaban?

 

"Si Ram po kasi rock ang kinakanta niya. Kami ni Gretchen, pareho namang R&B songs ang kinakanta namin."

 

Ano ang inspiration niya na puwedeng magpanalo sa kanya?

 

"Bukod po sa family ko, ang mga fans po na sumuporta sa akin. I won't let them down," nakangiting sabi ni Jayann.

 

GRETCHEN ESPINA. Natulala naman for a while si Gretchen nang mai-announce na she belongs to the top three. Kinausap na nga siya ni Jayann sa stage, pero hindi niya ito sinagot.

 

Ano ba ang naging feeling ni Gretchen dahil ilang beses ni-retouch ng makeup artist nila ang kanyang makeup dahil iyak na siya nang iyak hindi pa man nagsisimula ang elimination night.

 

"Overwhelmed po ako, talagang kapag nasa stage ako, kinakabahan na ako," sabi ni Gretchen. "Siguro po dahil din nang tanungin ang mga judges, hindi po ako kasama sa three choices nila, na-sad na ako. Since day one po kasi ng contest, I'm hoping na makakasama ako sa top finalists, kaya po nang tawagin ni Raymond ang name ko, nabigla ako, hindi ako makapaniwala. But I'm very thankful."

 

Paano niya paghahandaan ang finals sa August 16? Sa palagay niya, sino ang malakas niyang makakalaban?

 



Pages: 1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
261 Comments
page    1    2    3    4    5    6   
pagelocation: news

Advertisement