PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Alcaraz clarifies issues involving him with several actresses

Marco picks "Killer Task" over "Killer Question."
by Rose Garcia
Published Aug 12, 2008
Young actor Marco Alacaraz sat down in Showbiz Central to answer questions involving him with several actresses, although he denied most of them.

Ang isa sa madalas na madawit ang pangalan sa mga kontrobesiya at ma-linksa iba't ibang mga aktres ay si Marco Alcaraz. Upang sagutin ang mga isyung ito, si Marco ang umupo sa hot seat ng Central Jury ng Showbiz Central last Sunday, August 10, with Mo Twister and Pia Guanio interviewing him.

Pia asked Marco kung ano nga ba talaga ang dahilan ng breakup nila ni Isabel Oli at bakit inabot ng matagal na panahon bago sila magkaayos na muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro just like most relationships, na hindi kami nagkaayos, not meant to be. I think personality differences, parang ganoon," sagot ni Marco.

Nag-follow-up naman si Mo ng tanong kung dahil ba sa nangyari sa kanila kaya't nagkaroon naman sila ng gap ni Paolo Contis, na boyfriend ngayon ni Isabel.

"Actually, kami ni Pao, nang maging sila na ni Isabel, we're civil naman. We talk a lot of stuff except lang yung about me and Isabel. Noong mag-break kami, wala pa si Paolo sa picture, baka a couple of weeks pa," kuwento ni Marco.

Mo then asked Marco regarding Rhian Ramos na nakarelasyon niya na hours or a day lang ang itinagal. Is this true?

"Actually, yun nga, nasulat sa mga tabloid that me and Rhian daw had a one-night stand sa Calatagan, Batangas, during Kapusolympics. Well, aminado ako na magkasama kami ni Rhian during that night. And knowing Rhian, hindi naman siguro siya gagawa ng ganoon. And I respect her," paliwanag ni Marco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Totoo bang niligawan din niya si Jennylyn Mercado na boyfriend pa ng young actress that time si Patrick Garcia?

Matagal bago nakasagot si Marco sa tanong kung kaya't maging sina Pia at Mo ay nagulat sa naging reaction ni Marco. Paliwanag naman ni Marco, nagulat siya dahil hindi niya inakalang may ganoong line of questioning na nakahanda ang Showbiz Central para rito.

Pagkatapos ng ilang segundong hindi nito nagawang masagot agad ang tanong, Marco said, "Actually, ano lang, before na maging sila ni Patrick, we went out as friends. Hang out, ganoon, pero walang overlapping na noong sila ni Pat. We don't go out noong sila na ni Pat."

Ano ang naramdaman niya nang mag-break sina Jennylyn at Patrick?

"Well, sana maayos din sila, honestly," maikling sagot ni Marco.

Type kaya ni Marco ma-rekindle anuman ang meron sila noon ni Jen?

"Actually, wala naman, we hang out lang pero walang something special na nangyari sa amin," sabi ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May balitang pinopormahan din daw niya si Katrina Halili. Totoo ba ito?

"Well, si Katrina kasi, nagkasama kami sa isang QTV show [Ang Ganda ng Lola Ko] before. So, yun pa rin, friendly ako. I used to hang out with them. After taping, sasama, ganoon. So basically, ganoon. Pero hindi nagkaroon ng chance na manligaw ako kay Katrina."

What about with Ehra Madrigal?

"Ah, no, no... Wala yung kay Ehra," may diin niyang pagtanggi.

Tinanong naman ni Pia si Marco tungkol sa pagkaka-link niya kay Lotlot de Leon. Ano ba talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni Lotlot?

"The funny thing is, kapag nasa taping kami, sinasabi ni Lotlot, ‘Ilang taon ka na ba, Marc?' So, sinasabi ko, 24. ‘Puwede mong ma-date yung daughter ko,' her eldest daughter. So, ‘'Ilang taon po ba siya? ‘ ‘19 years old.' So ako, ‘Sige sige!'

"After no'n, nagkaisyu na me and Ms. Lot at hindi yung anak niya. Pero yung sa amin naman, parang set-up na lokohan lang. Me and Lot naman, kapag may showbiz events, nakikita kaming magkasama. Kasama ko siya sa Dyesebel right now," paliwanag ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Would you date an older woman?" asked Mo.

"I never dated anyone pa, so we'll see. Sabi nga nila, mas matured daw, mas masarap mag-alaga. So open-minded naman ako," sagot ni Marco.

Sa huli, sa choices between "killer task" or "killer question," ang "killer task" ang pinili ni Marco. Nagpahayag si Mo na nasilip niya ang killer question at sobrang hirap daw talaga, although mahirap din naman daw ang napili ni Marco na "killer task."

Ang "killer task" kay Marco, since hindi nga mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Lotlot kahit sinasabi nilang parehong close friends lang sila, live na pinakausap ng Showbiz Central over the phone si Marco kay Lotlot para sabihin ni Marco kay Lotlot kung gaano ito kahalaga sa kanya at ang friendship nila.

Biniro naman ni Lotlot si Marco over the phone kung puwede raw bigyan muna ito ng tubig or isang shot ng alcohol bago magsalita dahil halatang nate-tensiyon ang young actor. Pero nakuha pang magbiro ni Marco at sinabihan si Lotlot ng "Hi, honey!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito naman ang pahayag ni Marco para kay Lotlot: "Hi Ms. Lot, I'm happy na nakasama kita sa Dyesebel at marami akong natutunang things like kung paano magtagal sa industriya. So hopefully, after the show, yung friendship natin, magtagal pa."

Tinanong naman ni Pia si Lotlot kung kumusta na yung sine-set-up niyang date between Marco and her daughter.

"Actually, niloloko ko lang si Marco kay Janine," sabi ni Lotlot. "Actually, they met na before. Wala lang, lokohan lang. Walang seryosohan. Actually, with me and Marco, I don't know how it started and I think, its unfair for me and Marco na ma-link ng ganyan. Kasi parang hindi ka na ba puwedeng magkaroon ng kaibigan ngayon sa showbiz na lalaki? Kailangan ba talaga i-link agad sa ‘yo?

Sa huli, kung nag-"Hi, honey!" si Marco kay Lotlot, pabiro rin namang sinagot ni Lotlot si Marco ng "Bye, honey" nang magpaalam na ito.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Marco Alacaraz sat down in Showbiz Central to answer questions involving him with several actresses, although he denied most of them.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results