"Hindi lang siya happiness. Parang nagiging source of joy for the moment. Hindi lang siguro for the moment, pero matagal siyang magli-linger. Kasi, it's a movie na halos walang naniwala sa amin," says John Lloyd Cruz about the success of A Very Special Love.

Photo: Noel Orsal

Binati namin ang magandang pangangatawan ni John Lloyd Cruz nang makita namin siya sa ASAP '08 noong Linggo, August 10. Halatang-halata rin sa aura niya na masaya at kuntento siya ngayon.

Kung may nakikita man kaming dahilan ng happiness na nagre-reflect sa magandang aura ni John Lloyd that day, walang-duda na nanggagaling ‘yon sa patuloy na tagumpay ng pelikula nila ni Sarah Geronimo sa Star Cinema, ang A Very Special Love.

Tinanong ng PEP si John Lloyd kung ano ang masasabi niya sa success ng movie nila na as of Monday, August 12, ay kumita na raw ng P134 million, base sa report ng Ad Prom ng Star Cinema.

"Siyempre, ano e, hindi lang siya happiness. Parang nagiging source of joy for the moment. Hindi lang siguro for the moment, pero matagal siyang magli-linger. Kasi, it's a movie na halos walang naniwala sa amin.

"Actually ako ha, to be honest, on a personal note, hindi ako ma-convince that we can make this work. It's not Sarah, maybe the story. Sobrang typical ng story, e. Boy meets girl, girl meets boy. Mayaman-mahirap. How can you make it work, e, sa panahon ngayon, dapat lahat ng bago mai-offer mo. E, yun pala ang kailangan. Ang kailangan lang pala ng audience ay isang lumang formula. Kumbaga, saan ka huling nakakita ng movie na kumakanta ang audience, di ba? Yun lang, parang nakakatuwa na hindi pa pala nawawala sa audience na naghahanap sila ng ganoon," pahayag ni John Lloyd.

Sa pelikulang One More Chance last year, muling napatunayan ni John Lloyd ang husay niya sa pag-arte nang gawaran siya ng Best Actor Award at sa naturang pelikula rin siya itinanghal na Box-Office King. With the overwhelming success of A Very Special Love, posible kayang mahigitan pa ang na-achieve ng movie niya last year with Bea Alonzo?

"Well, siguro sa box-office, pero magkaiba kasi sila," saad ni John Lloyd. "They are incomparable. Yung mga nakita mo sa One More Chance, hindi mo siguro maaasahang makikita yun sa A Very Special Love. Malayo sila."

WHAT'S NEXT, LLOYDIE? With his movie with Sarah, puwedeng sabihin na na-prove na rin ni John Lloyd na kaya niya palang magdala ng sariling pelikula without Bea as his love team. So, sa pangyayaring yun, ano kaya ang maasahang kasunod o dapat abangan kay John Lloyd?

"Ako, ewan ko, hindi ko alam. It's one project, mahirap pang magsalita kung kaya na nating magsalita. Ang success naman nito, ang laking part din ni Sarah. Honestly, hindi ko alam kung kayang gawing basis yun."

Magkaganuman, hindi raw niya maikakailang masaya siya sa nangyayari.

"I'm very happy!" sambit niya. "Nag-side trip man ako from the love team, naging successful naman. Track-record-wise, ang ganda, ang saya! Pero ayoko siyang isipin na parang puwede, ang sarap din namang isipin na baka kaya ko na. Pero siyempre, you're only as good as your last project."

Posible kayang masundan pa ang team-up nila ni Sarah?

"Hindi ko pa alam, pero kung may follow-up, siyempre hindi mawawala yung mga sabi-sabi. Pero sabi ko nga, sana huwag muna. Kasi, nakakatakot. Dalawa lang ang ine-expect ng mga tao. It's either mapantayan or malagpasan. Kapag hindi nagawa either of the two, ibig sabihin, you failed. So, nakakakaba. Pero sabi ko nga, kung magkakaroon man, ang gusto kong gagawa, same team ni Direk Cathy Garcia-Molina," sabi ni John Lloyd.

NOT INTERESTED IN LABELS.  No doubt, kilala na si John Lloyd bilang isang mahusay at malalim na aktor. Pero tila minamahal siya ng manonood bilang isang romantic lead. Kung siya ang masusunod, mas gusto niya bang pangatawanan ang pagiging romantic leading man o gusto niyang i-challenge pa ang sarili niya sa ibang level ng acting?

"Kasi yung mga title, mararamdaman mo lang sa promo. Pang-promo lang yata ‘yan!" natatawa niyang sabi. "Ako kasi, I don't mind the title, I don't mind the labeling of other stars. Pero siyempre ako, marami pa kong kailangan matutunan.