Dennis Trillo will play the title role in the upcoming primetime series Gagambino, with Katrina Halili (inset, top) and Nadine Samonte (inset, bottom) as leading ladies.

Photo: Noel Orsal

GMA Drama King reunites with his two Sine Novela partners for the upcoming primetime soap Gagambino.

Natatawa na lang si Dennis Trillo sa tsikahan niya with the publicists of Magdusa Ka sa 17th floor restaurant ng GMA Network kaninang lunch, August 13, dahil ini-elevate na siya sa kategoryang GMA-7 "Drama King" from the plain "Drama Prince."

Siya lang ang humarap sa mga publicists dahil may sakit na naman ang kapareha niya sa Magdusa Ka na si Katrina Halili at nasa Japan naman sa kasalukuyan si Iwa Moto. Isa pa, hindi natuloy ang supposed story conference ng Gagambino, also scheduled today, so he had a longer time for bonding with the press.

Napa-segue tuloy kami sa tentative cast ng next primetime series ng GMA-7 at nalaman naming puro bata pala ang main cast ng Gagambino, with a new love triangle in the offing.

Magiging triangle pala ang mga characters nina Dennis, Katrina, at Nadine Samonte sa Gagambino. Dennis was first paired with Nadine sa Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap, na nakagawa noon ng record na first afternoon soap to get higher ratings than the primetime soaps of ABS-CBN in Mega Manila.

Si Katrina naman ang partner ni Dennis sa kasalukuyang gumagawa pa rin ng record na Magdusa Ka, which duplicated the record of Kung Mahawi ang Ulap as another afternoon soap to get higher ratings than the competition's primetime shows.

Ang magiging main kontrabida sa Gagambino will be Polo Ravales, na ka-partner naman noon ni Nadine sa isa pang Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang.

Bale quadrangle love story na magsisimula ang apat with Dennis falling for Nadine, Katrina for Dennis, and Polo for Nadine.

Also in the cast are the pair of Jennica Garcia and Mart Escudero. Malamang mawala na sa last weeks of Ako Si Kim Samsoon ang dalawa para hindi mag-conflict ang participation nila sa dalawang soaps dahil ang Dyesebel ang papalitan ng Gagambino, so magkakaroon ng ilang linggong makakasama nito sa Telebabad block ang Kim Samsoon na officially ay extended for one week.

As mentioned, nasa cast din si Glaiza de Castro bilang kaibigan ni Katrina and sa senior cast, tanging si Benjie Paras pa lang ang finalized.

Gobingo girl Krissa Mae will also have her acting debut in Gagambino.