PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maui Taylor feels blessed with an open-minded boyfriend

Maui feels bad about Torotot co-star Precious Adona's breakup with boyfriend.
by Archie de Calma
Published Aug 14, 2008
"Ang boyfriend ko kasi, mature na yun at nakakaintindi. Trabaho lang itong kakikayan ko, ano ba? Open-minded ang boyfriend ko," says Maui Taylor about her non-showbiz boyfriend.

Tuwang-tuwa si Maui Taylor sa tila pagpi-flirt niya sa kanyang leading men sa Torotot ng Viva Digital. Naroong pag-trip-an niya ang makinis na butt ni Andrew Schimmer na gusto raw niyang kagat-kagatin, pati na ang pagkakaroon diumano ng erection ni Baron Geisler sa isang mainit nilang eksena ng halikan sa nabanggit na pelikula

Pero, paano niya masasabing nananatili siyang faithful sa kanyang non-showbiz boyfriend?

"Ang boyfriend ko kasi, mature na yun at nakakaintindi," sabi pa ni Maui. "Trabaho lang itong kakikayan ko, ano ba? Open-minded ang boyfriend ko at hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa kanya ang ganyang mga bagay.

"Hindi siya nakikialam sa trabaho ko. Basta para sa kanya, gawin ko lang ang dapat kong gawin."

Nasagap nga namin ang chikang nakipaghiwalay na rin ang Torotot co-star niyang si Precious Adona sa non-showbiz BF nito. Kaya naitanong namin kay Maui kung nabigyan ba niya ng advice si Precious tungkol sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huh?!" bulalas ni Maui. "Naku, hindi ko alam. Wala pa siyang nasasabi tungkol diyan. Ang alam ko, okey naman sila.

"Hindi ko sinasabing immature ang BF ni Precious, pero sa experience ko kasi, it takes a mature man para maintindihan itong ganitong klaseng trabaho, lalo na kung out of showbiz siya."

BLESSED WITH KIND BOYFRIEND. Usually kasi, ang negative impression sa sexy stars ay nanggagaling sa kamag-anakan at close friends ng mga nakakarelasyon ng mga ito, yung mga sulsol.

"Laging ganyan, kesyo nag-pose sa FHM, bold star, malandi. Pero, alam mo, in fairness sa BF ko, walang mga isyung ganyan sa kanya.

"Sa previous relationships ko, oo, may ganyan. Hindi yata mawawala rin 'yan. May mga sulsol na ganyan. Pero, it's all up to me and my boyfriend to prove to people na kung sino yung napapanood na Maui sa big screen, hindi naman din ganoon siya sa tunay na buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm blessed and lucky to have a very understanding boyfriend," napapangiti na lang si Maui.

"I'm sure, yung BF ni Pre [Precious], nag-a-adjust pa 'yan. Kasi, hindi pa niya alam ang sitwasyon. Mahirap ding basta magsalita kasi hindi naman ako ang nasa posisyon niya.

"I just feel sad na nabalitaan kong ganyan. Sana, maayos pa," banggit ng aktres.

FRIENDLY PRECIOUS. Mabuti at nagkakasundo sila ni Precious, unlike others na naging co-stars niya, na somehow, nakaintrigahan niya.

"Wala namang ganoon kung okey talaga ang kasama ko," sabi pa ni Maui. "Sobrang bait lang ni Pre. Siya yung baguhan na gustong matuto, at very friendly siya. Hindi siya nagpi-feeling star.

"May respeto siya sa seniors niya. At saka masaya ako ngayon, kasi, tahimik ang buhay ko. Hindi katulad noon, left and right ang mga intriga sa akin.

"Hindi ako nawawalan ng intriga. Pero, noon pa naman, talagang ayoko ng ganyang away-away. Ako yata ang nilalapitan niyan," sabi pa ni Maui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang boyfriend ko kasi, mature na yun at nakakaintindi. Trabaho lang itong kakikayan ko, ano ba? Open-minded ang boyfriend ko," says Maui Taylor about her non-showbiz boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results