Nilinaw ng OctoArts Films insider sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nasulat dito na ipinalit daw sa Star Magic talents na sina Angelica Panganiban at Roxanne Guinoo sina Diana Zubiri at Iya Villania sa filmfest entry ng Canary Films (sister film production ng OctoArts Films) na One Night Only na ididirek ni Joey Reyes. Hindi pa lamang alam daw kung sino sa dalawa ang talagang kapalit ng role intended for Roxanne and Angelica.
"Hindi totoong ipinalit si Diana Zubiri," says the OctoArts Films insider. "Kung matatandaan, in the 2006 Metro Manila Film Festival, ipinasok na entry ng Canary Films sa Screening Committee ng MMFF ang Matakot Ka Sa Karma at ng OctoArts Films ang Short Time na magtatampok sana kina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, at Marvin Agustin.
"Natuloy ang Matakot Ka Sa Karma na kumita rin sa festival, pero hindi na natuloy i-shoot ang Short Time dahil hindi pinayagan si Diana ng Seiko Films na contract star pa nila noon. Too late na rin para kumuha ng kapalit ni Diana at hindi na rin aabot sa deadline ng submission ng finished product sa Screening Committee kung nakakuha man ng kapalit ni Diana.
"Iyong One Night Only, na entry ng Canary Films ngayon ay iyon ding Short Time na mangyayari ang story sa loob ng 12 hours sa loob ng isang motel. Kaya itutuloy na lamang ng OctoArts Films iyong naunang plano na si Diana ang isa sa mga lead stars ng movie, at kasama nga ang bago nilang contract star na si Katrina Halili, dahil wala na siyang contract sa Seiko Films ngayon. Bale si Rufa Mae at si Marvin sa original cast ang hindi natuloy dito sa movie.
"Sa ngayon, nagka-cast pa ulit si Direk Joey, at ilan sa kanila ay sina Iya, Iwa Moto, Valerie Concepcion, Joross Gamboa. Basta may 24 stars ang tampok sa One Night Only na lahat sila ay may kani-kanyang story. Isa lamang sa kanila si Katrina kaya hindi masasabing ang mga artistang kasama rito ay susuporta na kay Katrina.
"Wala pa akong alam kung sino ang ipapalit kay Diether Ocampo na isa sana sa na-consider for the movie tulad nina Angelica at Roxanne. May isang aktor sanang kinu-consider, kaya lamang baka hindi rin siya payagan ng kanyang mother studio na lumabas sa OctoArts Films."