After their successful team-up on the television series Lobo, Piolo Pascual and Angel Locsin are set to start shooting their first film together for Star Cinema.

Photo: Noel Orsal

All out ang support ni Piolo Pascual sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, ang For The First Time, sa direksiyon ni Joyce Bernal mula sa Star Cinema Productions. Inindorso ni Piolo na panoorin ng mga fans ang For The First Time, na magbubukas na sa August 27.

Sad to say, hindi makakarating si Piolo sa premiere night ng movie nina KC at Richard sa Martes, August 26, sa SM Megamall. By that time, nagsu-shoot na kasi si Piolo ng kauna-unahan niyang pelikula with Angel Locsin mula sa Star Cinema.

Nakatakdang umalis ngayong weekend sina Piolo at Angel patungong Bukidnon para doon mag-shoot. Kailangan nang simulan nina Piolo at Angel ang pagsu-shoot ng movie nila dahil may nakalaan nang playdate for their movie sa buwan ng Nobyembre bilang bahagi pa rin ng 15th anniversary ng Star Cinema.

Ngayon pa lang ay nag-uunahan na diumano ang mga taga-TFC (The Filipino Channel) sa iba't ibang cities sa U.S. na sila ang mauna na pagpalabasan ng movie nina Piolo at Angel once na ipalabas ito sa Pilipinas. Miss na miss na raw kasi ng mga TFC subscribers na mapanood muli ang tambalan nina Piolo at Angel.

Tinutukan daw kasi nang husto ng mga TFC subscribers ang unang pagtatambal sa telebisyon nina Piolo at Angel na Lobo. Kaya nang matapos ang serye ay gusto ulit agad nilang mapanood na magkasama sina Piolo ay Angel. Dahil din dito, nabalitaan namin na mabentang-mabenta ang video ng Lobo mula sa Star Records.

Naging maganda diumano ang pagtanggap ng mga TFC subscribers kay Angel. Mabilis raw na nakuha ni Angel ang paghanga ng mga TFC subscribers kaya naman siya na ngayon ang No.1 favorite among the young actresses sa bakuran ng ABS-CBN.

Napatunayan din na ang tambalang Piolo at Angel ang isa sa nangungunang tandem sa telebisyon, batay sa isang survey kung saan lumabas na ang Lobo ang No. 1 primetime program na pinapanood ng televiewers sa buong bansa.

Pagkatapos nilang mag-shoot sa Bukidnon, tutulak patungong Australia sina Piolo at Angel para sa iba pa at malalaking eksena sa kanilang unang pelikula together sa Star Cinema sa direksiyon ni Rory Quintos.

OTHER STAR CINEMA MOVIES. Samantala, malapit na ring simulan ang shooting ng balik-tambalan ng very successful tandem nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga sa big screen. Tentatively titled Hurry Love ang project na pagsasamahan ulit nina Vhong at Toni sa direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia Molina (A Very Special Love).

Totally different na raw ito sa unang lumabas na balita na magtatambnal sina Vhong at Toni sa proyektong My Amnesia Girl. May playdate na rin ang movie nina Vhong at Toni sa Oktubre.


Nagsu-shoot na rin ngayon ang Diamond Star na si Maricel Soriano ng first horror movie niya under Chito Roño para sa Star Cinema, ang project na may working title na T (Tenement) 2. Ito sana ang ikatlong project ng very successful din na tandem ni Direk Chito at Kris Aquino. But Kris had to beg off dahil sa kanyang inang maysakit, si ex-President Cory Aquino.


By December, ipalalabas naman ang 2008 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, na pinagbibidahan ng Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas sa direksiyon ni Wenn Deramas.

At bilang follow-up sa bagong box-office hit na love team nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, hinahanda na rin ang kasunod nilang pelikula mula sa Star Cinema after A Very Special Love. Posibleng mag-overlap ito sa paggawa ng movie ni John Lloyd with Batangas Governor Vilma Santos na magsisimula ang shooting by November.

Mas mauuna raw ipalabas ang follow-up movie nina John Lloyd at Sarah kung matatapos agad kesa sa movie ng young actor with Governor Vi. Bukod dito, atat na rin daw ang mga publiko na muling mapanood sa big screen ang tambalan nina John Lloyd at Sarah.

Pero malabo raw na maging Valentine movie offering ng Star Cinema ang second movie nina John Lloyd at Sarah dahil ayaw nilang tapatan ang movie nina KC at Richard sa GMA Films na meron nang playdate sa February 2009.