Sharon Cuneta and Annabelle Rama very vocal about disappointment with GMA-7

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Monday, August 25, 2008 @ 05:27PM  |  147956 views

 

Like Annabelle Rama (top, right), Megastar Sharon Cuneta (top, left) also has something to say about the same date of opening of Richard Gutierrez-KC Concepcion (bottom) movie and the birthday concert of Dingdong Dantes and Marian Rivera. "Hindi ko alam kung sino ang nag-arrange nun [birthday concert of Dingdong and Marian] dahil marami pa namang kaibigan natin doon [GMA-7]. Pero hindi ko alam kung sino mismo. Parang sinabayan yata ng libreng show?" says Sharon.

Photo By: Noel Orsal













Sharon: Tita, kapag may nakakarating po sa inyong negatibo na intriga, balita tungkol po kay Richard, paano po kayo mag-react? Hindi lamang bilang ina kundi bilang manager? Kasi napakahigpit ng labanan ngayon...

Annabelle: Ngayon nga, Shawie, ayokong magsalita dahil pinipigilan ko ang aking high blood pressure ko, ‘no? Talagang on the warpath ako ngayon, Shawie...

Si Richard naman ay hinihimas-himas na ang tuhod ng kanyang ina, sabay sabing, "Relax, relax."

Sharon: ‘Pag anak talaga.

Annabelle: Oo, kaya ayoko nang magsalita. Kasi 'pag ako nagsalita, sumisikat, e. Kaya ayoko nang magsalita. Lahat ng inaaway ko, sumisikat.

Sharon: Ako, matiisin ako sa lahat. Pero...

Annabelle: Ayoko nang magpagamit, ‘Day, ‘no, ayokong magpapagamit! Kaya ayoko nang mag-react sa lahat ng nangyayari. Kaya ako nagdadasal araw-araw sa Sto. Niño na lahat ng gustong bumagsak kay Richard, huwag mag-succeed! Sana sila ang bumagsak, at sila na ang magpakamatay, sila na ang magka-karma! (Sabay tawa niya)

Napakamot si Richard sa sinabi ng kanyang ina habang ngumingiti.

Pagkatapos ng commercial gap ay ipinatuloy ni Sharon kay Annabelle ang sasabihin niya at siya naman daw ang tanungin ng ina ni Richard pagkatapos.

Annabelle: Ako naman, Sharon, ‘pag anak ko na ang involved, talagang nagwawala ako. Parang lahat ng sungay ko lumalabas, e.

Sharon: Paano kayo magwala, Tita?

Annabelle: Ibang klase... Sumusugod, nagmumura, at saka hindi ko tinitigilan talaga. Ngayon text, text nang text, walang tigil talaga ‘yan. ‘Tapos kapag hindi sumasagot, tatawag ako sa telepono, nagmumura pa ako. Ganyan ako, e.

Annabelle: Ako naman magtatanong sa ‘yo, Shawie, ha. Ano ang pakiramdam mo na pumasok ngayon si KC sa showbiz na alam mo naman ang pinagdaanan ng ibang artista ngayon, di ba?

Sharon: Kaya nga po, Tita, hinintay ko na mag-graduate muna siya. ‘Tsaka talagang I think tama yung desisyon namin na papag-aralin siya sa labas ng bansa. Kasi, katulad mo [Richard] ng nasa States ka, naka-experience siya nung...dito yung may yaya, may bodyguard, kumpleto. Parang kayo, di ba? Pero pagdating dun [Paris], walang problema sa amin yung adjustment, na walang period na parang, ‘Kawawa ako!' Wala, we just go ahead and we just do what we had to do. Tuwang-uwa ako nakita na ganun siya. So, naglaba, namalantsa, siya naglilinis. Pagdating ko, ‘Wow, ang ayos-ayos ng little house niya!'

Annabelle: Ano ang kinakatakutan mo para kay KC, lalo na sa showbiz na siya? Mabuntis?

Sharon: Si Kace... Tita, sa totoo lang pagdating ng araw, baka ako pa mamilit diyan, ‘Anak, pengeng apo!' (Laughs)

Annabelle: Kay Richard na lang. ‘day! Kay Richard na lang!

KC: Tita, walang ganyanan, Tita! I resign!

Annabelle: Okay na okay sa akin, Shawie. Ang ganda ng apo natin, ‘day!

Sharon: Ay, oo... Baka sana kambal. Kung sakali kambal, tig-isa naman tayo.

Annabelle: Kambal talaga ‘yan, ‘day!

Sharon: Kamukha nila nung maliit pa sila!

Habang nag-uusap sina Sharon at Annabelle, tinakpan naman ng unan nina KC at Richard ang kanilang mga mukha.

Annabelle: Ano'ng mga leksiyon ang mga natutunan mo nung araw na itinuro mo kay KC ngayon?

Sharon: (To KC) Ikaw, anak, ano ang mga itinuro ko sa ‘yo?

KC: Tita, yung huwag magpakatanga!

Annabelle: Tama yun, tama yun.

Sharon: Hindi laging puso. ‘Tapos ngayon, ano siya, parang she makes more effort now na iparamdam sa akin na love na love niya ako. Pero ano siya, kahit yung age niyang ‘yan, ganyan na kung magtrabaho. Pero after work, yung tipong ako gusto ko nang matulog o uwian siya. Pero she's single, she has no children, no boyfriend, so...

Annabelle: Bagay nga talaga silang dalawa ni Richard, kasi si Chard hardworking. Mabait na anak, masunurin, at hindi tsismoso ha!

Sharon: Ay, hindi talaga!

Annabelle: ‘Pag may girlfriend, hindi ko talaga alam kung sino. (To Richard) Kayo na ba ni KC, anak? Kayo na ba ni KC?

Richard: Panoorin n'yo yung pelikula namin, ha?

Annabelle: Hindi palakuwento. Ako, hindi ko talaga alam kung sino girlfriend niya. Tinatanong ko, ‘Girlfriend mo ba si KC, Chard?' Wala siyang narinig. Ayaw niyang mag-yes or no.

Sharon: (To KC) Anak, boyfriend mo ba si Richard?

Hindi sumagot si KC at ngumiti lang.

Sharon: Wala rin, hindi tayo nag-succeed.

Pagkatapos nito ay ibinalik na naman ni Annabelle ang isyu tungkol sa pagtatapat ng pelikula nina Richard at KC at birthday concert nina Dingdong at Marian.

Annabelle: Ano ang reaksiyon mo sa GMA, Shawie?

Sharon: Sa ano po, yung nangyari? To be fair and honest, masama ang loob ko, nagalit ako nung unang dinig. But I always know the truth is somewhere in the middle, e. I learned that from Kiko [Pangilinan, her husband], e. So parang, siguro meron talagang nag-isip na manadya, kaya yung masakit.

Annabelle: Hindi naman tayo natakot. Ang akin lang, kung ang mga kasabay natin ay mga James Bond, okay, patawarin na sila, di ba? Katulad ng Monster Mom ko, Dark...ano ba yung mga pelikulang yun...Mamma Mia...

Sharon: Yung Mamma Mia tinalo ng My Monster Mom!

Annabelle: Hindi ako nagagalit. Pero ngayon kasi, parang imposible namang Wednesday, Araneta, Wednesday? ‘Tapos ano ba yun, the same date, e, tapos na yung birthday nung dalawa [Dingdong and Marian]. Bakit hindi na lang sa 12, 13, 14, 15, 16? Bakit kailangang 27?

Sharon: Ako rin. Seriously, na-affect ako nun. Kasi feeling ko, ‘Ha, akala ko support each other.' Also ano ‘yan, e, ang next project nila dun din. ‘Tsaka anak ko ito.

Annabelle: ‘Tsaka ang next movie nila, dun din naman sa kanila din, sa GMA.

Sharon: Lahat, tulungan lang dapat.

Annabelle: Magtulungan na lang, di ba?

« Prev  1  2  3  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name